Chapter Forty Four

767 17 1
                                    

"Louise...." he looked at his trembling hands tainted with her blood. Sunod sunod na pumatak ang kanyang mga luha, looking at her serene face. Hindi niya masiguro kung saan tinamaan ng bala ang katawan nito. "No...Louise!... no...." Mahigpit niya itong niyakap kasabay ng isang panaghoy, yumugyog ang kanyang mga balikat sa pag iyak.

Patty laughed like a witch na nagtagumpay sa nais, ang malutong na halakhak nito ay nag echo sa paligid. Tinutop pa nito ang tiyan sa sobrang pagtawa bago muling dumeretso sa pagkakatayo upang muling iangat ang baril na hawak.

"Mahal kita Gael eh! Kaso niloko mo ako! Pinili mo ang babaeng yan!!!" Muli itong pumalatak, "kaya ngayon, mabuti pang mawala ka na lang din kesa mapunta ka pa sa iba! Goodbye Gael!"

Ni hindi rumehistro sa isip ni Gael ang pinagsasabi ni Patty. He might as well die kung wala si Louise... he wouldn't mind dying as well tonight...

He remained on his knees, cradling her in his arms. Hindi gustong gumana ng isip niya, at bukod sa mga luha niya ay wala ring gustong salitang mamutawing mula sa kanyang mga labi.

Louise... sweetheart...

Isang malakas na putok ng baril ang muling umalingawngaw. Gael shut his eyes at mahigpit na niyakap ang asawa.















Nagmulat ng mga mata si Louise. Kaybigat ng talukap ng mga iyon. She slowly looked around. Where is she?

Sa nanlalabong isip niya ay bigla ang pagbalik ng ala-ala, she gasped for air, feeling suffocated all of a sudden. Tinanggal niya ang oxygen mask na nakakabit sa kanyang mukha at nagpilit umupo sa kama. She flinched when she felt a sharp pain at her back.

She was shot! Oh God! Her baby! What happened to her baby?

Bigla ang pagbalot ng panic sa kanyang pagkatao, dinama niya ng kamay ang tiyan. Is her baby still here? Agad ang pagpatak ng mga luha niya. She can't forgive herself kung may nangyaring masama sa kanyang anak. And Gael? Where is Gael?

Her eyes searched the room, it seems like she was alone in that suite. Masakit man ang katawan at makirot ang sugat sa likod ay hinugot niya ang swerong nakakabit sa kanyang kamay. She weakly walked towards the door.

Gael...nasaan ka? Ang huli niyang natatandaan ay nang iharang niya ang sarili sa lalaki upang protektahan ito. She did it without even thinking of what would happen to her or her unborn child. Ang tanging alam niya ay hindi niya makakayang makitang masaktan ang binata.

She turned the knob and pulled the door open. Napahawak siya sa hamba ng pintuan ng maliyo. She took a deep breath and stepped out of the room.

"Sweetheart!" Malakas na tawag ng pamilyar na tinig.

Before she could even turn to look ay mabilis tumakbo si Gael sa kanya, nabitawan nito ang plastic bag na bitbit.

"What are you doing? Bakit ka lumabas?" Puno ng pag alalang tanong nito.  "Nurse! Nurse! Call the doctor right away!" Malakas na hiyaw nito sa nurse habang buong ingat siyang inalalayan pabalik ng silid.

"How are you feeling? Ano ang masakit sa iyo?"

Bago siya makasagot ay dalawang doctor at ilang mga nurse ang pumasok sa silid. Agad siyang chineck ng mga ito at muling isinuot ang suwero sa kanya.

"How's my wife doc?" Tanong ni Gael sa doctor.

"The worst is over, Mr. Aragon," tinapik nito ang balikat ni Gael, "her vitals are all fine. We just need to keep an eye on her gunshot wound and make sure it heals properly."

Umupo si Gael sa silyang katabi ng kanyang kama ng makaalis ang mga doktor at nurses. Dinama nito ang kanyang noo at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. Nababakas ni Louise ang nakaambang luha sa mga mata ng binata. She can't recall if she's ever seen him cry before.

Bulong ng PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon