Matuling lumipas ang araw na iyon na hindi man lamang halos namalayan ni Louise. Tila
lumilipad maghapon ang isip niya sa mga pangyayari kaninang umaga. His face keeps crossing her mind. Yes, he is very attractive indeed. Strong square jaws, mga matang tila matutunaw ka kapag tinitigan ka, full sensous lips. He exudes sexiness and... danger? She somehow felt a tingle of fear sa lalaking ito.Meanwhile, hindi matigil tigil ang kaibigang si Cindy sa katatanong sa kanya kung na love at first sight daw ba siya kay Gael. She fiercely said no! How could Cindy even think of that?
Sino ba naman hindi mag iisip ng ganon sayo eh mukha kang engot kanina! bulong ng tinig sa isip niya. Nagulat lang ako sa ginawa niya. hmp! may pagka presko! katuwiran naman ng kabilang bahagi ng isip nya.
Marahan niyang ipinilig ang ulo na tila naiingayan sa nagsasagutang tinig sa sariling utak. She gave a sigh.Napatingin sa kanya ang kaibigan na noon ay abalang nag b-browse sa facebook habang hinihintay sunduin ng nobyong si Renz. Siya naman ay hinihintay ang sundo niya. Ewan ba kasi sa Papa niya, ilang ulit na nilang pinag awayan ang kagustuhan nitong ipa sundo at ipahatid pa siya kay mang Erning, she knows how to drive already pero she's not yet in the legal age to have her full license kaya't hindi pa niya madala ang pulang top down Benz na iniregalo ng ama for her 16th birthday. She begged her dad to let her drive the car since meron naman siyang student license and she will only use it in town, she swore she'll be careful pero hindi niya ito mapapayag. In the end, nagbigay na rin siya sa kagustuhan ng ama dahil alam naman niyang walang patutunguhan ang pakikipagtalo tutal naman, 2 taon na lang ang hihintayin niya then the car is all hers to drive.
Hindi nagtagal ay dumating na si Renz upang sunduin ang kaibigan.
"Hatid ka na kaya namin?" tanong ng kaibigan habang inabot ang pintuan ng passenger side ng sasakyan, "mukhang late si mang Erning ngayon ah".
"Naku huwag na, baka may dinaanan lang. For sure, maya maya andito na yun".
"Sigurado ka ba? Mukhang uulan oh".
Tiningala ni Louise ang kalangitan. Medyo makulimlim nga pero hindi naman siguro biglaang bubuhos ang ulan. Panigurado maya maya lang ay narito na si Mang Erning. He was always on time, minsan nga ay mas maaga pa kesa sa dapat na oras.
"Okay lang ako. Sige na mauna na kayo at alam ko may date pa kayo eh".
Kilig na napatawa si Cindy. "Ewan ko kung ano daw sorpresa nitong si Renz ngayon. Ayaw sabihin kung saan eh!" lumabi ito at humalukipkip.
"Kaya nga surpresa," sagot naman ni Renz, "Hi Louise," nakangiting bati nito sa kanya. Renz is a 2nd year Business Administration student sa kabilang unibersidad.
"O sige bes kung hindi kita mapipilit eh mauuna na kami. See you!" Isang kaway ang itinugon ni Louise sa kaibigan. Tinanaw niya ang papalayong kotse ng mga ito.
Kinse minutos pa ang matuling lumipas ngunit wala pa rin si Mang Erning.
Dinukot ni Louise ang telepono mula sa bulsa. Mabuti pa ay tawagan niya ang yaya Adela. She groaned in dismay ng makitang patay ang telepono, empty battery pala.
She glanced at her watch, 6:45 na. Madilim dilim na rin ang pailigid at tila gusto nang bumagsak ng ulan. Well, at this rate mukhang hindi na yata darating si Mang Erning, kung bakit ito naantala ng sobra ay hindi niya alam pero sana naman ay walang masamang nangyari dito. Nagsimula siyang maglakad patungong paradahan ng tricycle, hindi naman ito kalayuan mula sa kanilang eskuwelahan.
Binilisan ni Louise ang paglakad ng maramdaman ang maliliit na patak ng ulan sa kanyang balat. Nagulat pa si siya nang biglang may humintong motorsiklo sa kanyang harapan. Naka helmet ang sakay nito kaya't hindi niya agad makilala. Sinakmal ng kaba ang dibidb niya. Diyos ko kidnapper ba ito? Hapon na kaya't wala na halos mga estudyanteng naglalakad sa kalyeng iyon. Nakaakma na sanang tatakbo pabalik si Louise nang magsalita ang sakay nito and for some reason, she only heard that voice once pero pakiramdam niya ay kilalang kilala niya ito.
BINABASA MO ANG
Bulong ng Puso
RomanceRank #1 in #highschoolsweethearts - March 18,2020/ March 22,2020 ***This book will soon be edited*** Louise was 16 when she met Gael - ang hunk transferee ng Engineering Department ng kanilang eskwelahan. Gael was her first love, and she was prepa...