Chapter 22

245 5 0
                                    


#MSeries1

I sniffed as he reached my left hand and pulled ourselves outside the sinehan. 'Yong mga taong nakasabay namin ay humupa na ang iyakan at mukhang ako nalang ang hindi pa nakapag recover.

Matagal talaga ako maka move on sa totoo lang.

"Where do we go next?"tanong niya at marahang binitawan ang kamay ko para pagbuksan ng pinto sa kotse.

Hinarap niya ulit ako sa mapanuring tingin. Nakapamulsa at kunot ang noo. "Ba't kapa umiiyak?"he then reached for my left cheek and wiped some tears.

Ewan ko ba kung nanuod ba siya ng maayos sa movie o nakatitig lang siya sa screen para kunwari nanonoud talaga siya.

"Seriously..."he smirked when I rolled my eyes on him.

"Ang heartless mo. Next time wag na tayo mag sine."pumasok na ako sa kotse niya at iniwan siyang nakatayo sa labas na may malaking ngiti.

Sa byahe, na hindi namin alam kung saan patungo ay nagbangayan kaming dalawa. This is what I like about him. Nakakaya niyang sakyan ang mga biro at mga flaws ko para lang mapatawa niya ako. He teased for being a cry baby over movies and I teased him too in return. And we laughed at some point.

Kung hindi lang tumunog ang cellphone ko ay hindi niya ako titigilan.

"Teka lang...ang ingay mo."

He laughed a bit as I answered my sister's call.

"Hey..."sagot ko.

"Nasaan ka? Anong oras ka uuwi?"tanong niya sa kabilang linya.

Nilingon ko ang orasan sa harap at nakitang malapit na mag alas kuarto ng hapon.

"Hmm...maybe after dinner. Why?"nilingon ko si Ryan na may linya sa gitna ng kilay habang nakikinig. I pinched his cheek and laughed.

At dahil nahinto kami sa traffic, he took the chance to leaned closer and gave me a quick kiss on the lips. Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig. Tumawa ulit siya.

"Are you still there... nakikinig kaba,sis?"

"Yes!"nag init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. "Sorry po. What is it again?"

I heard my sister's heavy sighed before she spoke up again. "Ang sabi ko nagsend na ako ng links sa mga pages na pwedeng kunin na caterers. 'Di kasi nakikinig. Ano bang ginagawa mo?"

"Wala naman. Sorry. Ill check it later sa bahay. Love you!"

"Alright! Ingat ka..."

Binaba ko na ang tawag at binalik ang atensyon sa katabi na seryuso ulit sa pagmamaneho. Sa labas nga kami nag dinner. I wanted to eat dinner in his condo tonight but he insisted about it. Hindi narin ako nakipagtalo dahil kung tutusin, ang haba na ng araw namin para kanina sa mga bangayan.

We ordered the same foods and drinks.

"Are youbusy again tomorrow?"kasisimula ko palang sa pagkain. Ganoon rin siya.

"I think so.Why?"nag angat siya ng tingin.

"Can I go there and bring you some lunch? Sabay tayo!"sabi ko.

He nodded once. "Of course!"

"Alright..."

It was indeed a great night for us. Hinatid niya ako sa bahay saktong 8PM at agad rin siyang umalis.

I did my usual routine after I took a shower and change some paired sleep wear. Kinuha ko ang laptop at cellphone saka lumabas sa terrace para tignan ang email ng ate ko kanina. As speaking of my not-so-lazy sister...nag text na nasa kwarto lang siya at busy kaya hindi siya lalabas pa. I said okay and started to check the files.

The themes and motifs of the caterers are nice and beautiful. Marami akong nagustuhan kaya nahirapan ako sa pagpili kung ano dapat. Favorite color ni mommy ang blue kaya mas nagfucos ako sa may mga shades ng blue: royal blue, baby blue, navy blue and etc. I'd pay more attention to this catering services na madalas namin kunin for special occasions and events. I decided na 'yon nalang ang tawagan for reservation since we are a regular customer. Sa dami kong pinagpilian, wala rin akong nagustuhan.

Ang sunod ko namang hinahanap ay ang magandang venue. Ang gusto kong venue ngayon ay iyong maiba naman. Dati kasi puro malalaking restaurant and function halls kaya medyo nakakasawa na. So, I googled some perfect places that my parents will surely love.

Sa kalagitnaan ng paghahanap, nag ring ang cellphone ko sa tawag ni Ryan. Gising pa pala 'to?

"Hello..."sagot ko.

His heavy sighed welcome me.
"Are you preparing to sleep by now? I'm sorry I can't video call..."

"It's alright. May ginagawa rin naman kasi ako."

"What are you doing?" Mula sa background niya ay may naririnig akong mga tunog ng kotse.

"Hmm...looking a place for my parents anniversary. Are you outside?"kunot noo na akong nagtitipa dito sa laptop ko.

"Yes. I just need to talk to someone but it'll be quick. What time are you going to finish finding for a place?"

Mabagal ang sagot ko dahil sa pagbabasa ng mga reviews about beach wedding anniversaries. Nakailang click pa ako bago siya nasagot.

"This won't take long. Kung busy ka sa kausap mo ibaba ko na 'to...Ryan..."

I heard sighed again but this time it's heavier.

"Ryan..."

"I love you. I'll call you back."

"Alright... I love you." Ako ang unang nagbaba ng tawag.

I give him time for his important matters while he gave me mine too. That's one of the things I admired about him...he respects myself boundaries so as I respect his.

Sa sobrang gugol ko na sa ginagawang paghahanap ay muntik ko ng hindi mapansin ang pagdating ng kotse nila mommy kung hindi lang malakas ang pagkabagsak ng pinto nito. Napaangat ako sa kinauupuan at sinulyapan ang nasa baba. Akala ko ba tulog na sila kwarto!?

Si mommy lang ang lumabas sa kotse bitbit ang kanyang bag. Nagmamadaling pumasok sa bahay. Binalik ko ang atensyon sa laptop at nakarinig na ng mga sunud sunud na kalampag sa kung saan. I quickly stood up and get inside. Sakto naman ang paglabas ni Ate sa kwarto niya. Nagkatinginan kami.

"Saan galing 'yon?"tanong ko.

She shrugged her shoulders. "I think it's in the other room..."sumunod ako sa kanya patungo sa kwarto nila mommy.

"Mom..."ako iyong kumatok. Nakaabang sa pag bukas ng pintuan pero hindi nangyari.

"Mmy..."si Ate naman ang kumatok. Nagkatinginan ulit kami. Parehong nagtatanong ang mga ekspresyon ng mukha.

"What's the matter?"bulong ko sa kapatid.

"I don't know. Baka nag away na naman ang mga 'to. Mommy..."kumatok siya ulit at sa wakas ay bumukas na.

Bumungad sa amin si mommy na nakapagpalit na nang damit at namumula ang mukha at leeg. Her facial expression is like a lioness who got so angry and ready to bite for a fight right here in front of us.

"Bakit po?"

"Are you alright,mom?"

Sabay pa talaga kaming nagtanong.

"Tumawag ba ang daddy niyo?"nagpipigil ang boses niya sa galit.

"Hindi po."si Ate. Umiling naman ako ng tumingin siya sa akin. "What's happening ba? You look like a lion."

Pinigilan ko ang sarili na matawa.

My mother didn't answer. Instead, she took a pillow on their bed and went back to where we are standing and said.

"Huwag niyo ng papasukin. Huwag niyong sabihin na sa guest room ako natutulog."saka niya kami tinalikuran.

Napanganga kaming dalawa ni Ate habang nakasunod lang ang tingin sa kanya.

"Matatanda talaga. Tawagan mo nga ang daddy at sabihin mong nagsusungit na naman ang pinakamatandang dalaga niya..."utos niya.

I just chuckled and went back to where I am sitting earlier to call my dad.

MS 1: Endless romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon