#MSeries1"Why are we here?"I asked as soon as we arrived at the music building.
Nakatayo pa kaming dalawa sa harap ng building at pinagkatitigan iyon kaya tinanong ko siya.
"I've learned about music well in this records. And it's been a while since my last visit so..."he shrugged his shoulders and walk first.
Wala akong magawa kaya sumunod nalang rin sa kanya. Pumasok na kami sa lobby at walang kahirap hirap siyang nakakuha ng access sa pagpasok. Well, the front desk addressed him with his name so it's very obvious that he's known here.
Pumasok kami sa isang room at bumungad ang mga bata na nag voice lessons.
"The first thing I did is the practice for my voice lessons. I got it here."he said.
Every door we passed, he would open it and shares something precious that happens to him. Nakikinig lang naman ako pero hindi ko maitago ang bilib sa kanya. Hindi niya man lang 'to nasabi sa akin noong kami pa. But what's the difference from now that we are rebuilding our relationship...
Until he opened the another thick door. A middle aged man welcomed us and ushered us to get inside.
"It's been a long time, Dude!"the man said and glanced at me from behind.
"Busy,dude e. Bagong negosyo."sagot ni Ryan at nilingon ako. "By the way, this is Aela. Ae, this is Markis."
"Hi, nice meeting you."naglahad ako ng kamay kay Markis at tinanggap niya naman iyon.
"Nice meeting you rin,Aela."saka bumalik ang tingin kay Ryan. "First time mong magdala ng babae dito, dude. Ayos ang pampaswerte natin ah!"Markis joked.
Umiling si Ryan at pabirong sinuntok ang kaibigan sa braso. Though mas mataas ang edad ni Markis sa kanya nagkakasundo naman sila.
"Kung kakanta ka pwede sa VIP sit itong kasama mo. Yung mga available na guitars nasa gilid ng stage kumuha ka lang kung gusto mo. Pero kasi may pupuntahan pa ako kaya okay lang ba kung kayo muna dito?"si Markis habang nasa relo niya ang atensyon.
"No problem, Markis. I can manage..."mayabang na sagot ni Ryan.
Umiling si Markis at ngumisi na para bang hindi makapaniwala sa narinig. "Ang angas natin ngayon,dude...Di proket..."hindi niya naituloy ang sasabihin ng papalapit ang kamao ni Ryan sa braso niya."Oo na, aalis na. Eto talaga. Enjoy kayo."sabi niya sakin bago ako nilagpasan.
"Sure. Salamat."ngiti kong sabi.
Nang maiwan kami ni Ryan, kinuha niya ang kamay ko ay giniya ako papunta sa mga pulang upuan na nakaharap sa isang mini stage. May piano sa gilid at mga guitars na nakahilera. So, he's really into music,huh.
"Kakanta ka?"tanong ko sa gilid.
Tumingin siya sa akin na parang nahihiya. Where's the bossiness of this person now? "Kung...gusto mo."pag alinlangan niyang saad.
I rolled my eyes on him and sit on the VIP couch. "Ang arte mo. Punta kana doon."pagalit kong utos sa kanya kahit sa loob loob ko parang kulang nalang lumabas ang puso sa sobrang excitement at kaba.
He chuckled before leaving me in the couch. Umayos ako ng upo sa couch habang pinagmamasdan siyang nasa stage na nag set ng microphone. He's holding a guitar and pulled the chair for him. He look at me and smiled before settling down himself.
Huminga akong malalim. Ngayong nasa harap na niya ang microphone, he closed his eyes and when he started strumming the guitar string my goosebumps really, really stranged the hell out of me.
BINABASA MO ANG
MS 1: Endless romance (Completed)
General Fiction"Kakalimutan ko na may isang Ryan Cortez na dumaan sa buhay ko." Aela S.