Chapter 30

302 4 0
                                    


#MSeries1

I stroll inside the house after my breakfast.

There house is indeed nice and every corner has a meaningful things. May isang room na maraming guitars at may nga initials na nakalagay. Pinahintulutan naman ako ni Nana kaya pumasok ako sa sobrang curious. Maybe I should ask Ryan sometimes when we have time together.

K.A.D 2013

That's the initial of the latest guitar hung on the wall. Everything inside this room is mysterious.

Lumabas na ako at naglakad lakad sa malawak na damuhan. I just follow that narrow path and then it brought me to a small wood house. May hagdan at maliit na veranda. May two adjacent windows at pinto ang nasa gitna. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagpasya na doon nalang muna magpalipas ng ilang sandali dahil mukhang masarap ang hangin at tahimik.
Paakyat na ako sa hagdan ng bumukas ang pinto at lumabas roon ang babaeng kausap ni Matthew kanina.

"Hi!"bati ko nang tuluyan ng maka akyat sa veranda.

She was a bit shocked but then she immediately changed her expectation. A small smile appeared on her lips at bahagyang yumuko.

"I'm Aela, Ryan's girlfriend..."pakilala ko sa sarili at naglahad ng kamay sa harap niya.

Her eyes went down on my hand mid air and then to my eyes. Hindi naman siguro ako nakaka intimidate tsaka friendly naman akong tao but she seems uncomfortable.

Medyo nanginginig pa ang mga daliri niya ng hawakan ang kamay ko. Oh girl, I'm friendly!

"Arabelle...but you can call me Ara."halos bulong niyang sabi.

"Right! Nice meeting you,Ara!"

Tipid siyang ngumiti at yumuko.

Ako naman, nanatiling nakatayo sa harap niya at iginala ang tingin sa buong paligid. And I even took a glimpse of what's inside the house.

"Ah...ano kasi...Hindi ako taga rito. But you can sit here if you want..."she offered me the chair beside me.

"Thank you! I was really planning to stay here for a while habang naghihintay kay Ryan."walang sabi sabi akong umupo sa kahoy na upuan at nag relax.

How I wish na may ganito sa Manila.

"Do you want water or juice?"

"No! No! I'm fine sitting in here. You don't have to worry, Ara."pigil ko sa kanya.

Tumango siya at ngumiti. Ngumiti rin ako at nag relax ulit.

Pumasok ulit siya sa loob ng bahay pero iniwan nakabukas ang pinto.

I leaned on the chair and look up the blue sky.

Arabelle. Ara.

I sighed. Hindi ko alam kung bakit may biglang bumagabag sa loob ko ngayong mas lalo ko pang iniisip ang pangalan niya.

"You need to talk to Mathew about Ara, Ryan! Hindi pwedeng ganito nalang kayo palagi, nag aagawan!"

What was that?

Nalilito ako. Hindi ko alam kung ano ba ang meron sa tungkol doon but it felt like so heavy in my chest. Wala akong alam. Wala rin naman nabanggit si Ryan tungkol dyan. Should I ask? Girlfriend niya naman ako and I deserve to somehow know something about this. But then, I trust him. Maybe it's to personal that he can't even share it with me, even when I'm his girl. Kung tutuusin, ilang buwan palang namin kami kaya hindi pa niya sinasabi? That's bullshit! Kahit ilang buwan palang kami dapat nagtitiwala na siya sakin! Dahil may tiwala ako sa kanya!

Sa sobrang pag iisip, and also the warmth of the air made me sleep. Naalimpungatan ako at narinig ang mga boses na sadyang mahina sa...loob.

"Do you know how does it feel facing his girl? Hindi mo alam!"

"You could've just avoided her and go home..."

"Sabi ko dito ako maghihintay sayo!"

"...kung makapag react ka parang hindi kapa naka move on! Damn!"isang malutong na mura ang narinig ko. Sunod ay ang biglang pagbukas ng pintuan at diretsong lumabas si Ara na may mabibigat na yabag pababa sa hagdan.

"Arabelle!"tawag ni Matthew sa kanya pero hindi ito tumigil.

Without a word, dumapo ang tingin ko kay Matthew na ngayon ay kunot ang noo at galit ang ekspresyon ng mukha. Hindi rin ako nakatakas sa kanya at umigting ang panga sa akin.

"I'm sorry...Hindi ko sinadya na marinig kayo. Sorry...I'll go now. Thank you."hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at tuluyan ng umalis sa bahay niya.

Naglakad ako na hindi masyadong mapakali. Whatever that is, wala akong pakialam. Problema nila iyon at labas ako doon. Aksidenti kong narinig iyon. I tried to convince myself that it's just their problem but then...

Sapo ang noo at napaangat ng tingin. Nahinto ako sa paglalakad at nanlaki ang mata sa nakita. O dala lang ng malalim na pag iisip simula kanina kaya ganito. Pero ng umihip ang malakas na hangin ay natauhan ako at totoo nga ang nakikita ngayon.

Ryan and Ara are facing each other. Nakahawak ang kamay ni Ryan sa braso ni Ara at ganon din siya habang hinihimas ng kanang kamay ni Ryan ang likod ni Ara. Dahil sa gulat, pakiramdam ko...Hindi yata ako nakahinga ng ilang segundo at nakatitig lang sa kanila. And the girl sobs.

...how am I supposed to calm?

Sumakit ang dibdib ko ngayong inalo ni Ryan si Ara at pinahid ang mga posibleng luha na nasa pisngi nito. Hindi nila ako napansin dahil seryuso sa isat isa. Parang may sariling mundo.

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Matthew. Isa na namang mura ang pinakawalan niya. Nagkatinginan kaming dalawa. Aalis na sana ako tabi niya ng pinigilan niya ako.

"Don't. Just pretend."mariin niyang sabi habang nasa dalawa ang tingin.

Kunot noo naman ako at hindi makuha ang ibig niyang sabihin. Kitang kita ko sa mukha niya at galit at pagpipigil. Ganon rin naman ako pero hindi ko yata kayang magpigil.

"Aela!"

I automatically turned and look at Ryan who's now alone. Hindi nakatakas sa mata niya ang kamay ni Matthew sa braso ko. Agad ko iyong iniwas at lumapit sa kanya kahit wala sa sarili. Where's the girl? Matalim ang titig niya sa lalaking nasa harap. I took a deep breath and pulled him out there. Ayokong mas lumalim ang tensyon ngayong magkaharap sila.

"Kumusta ang lakad niyo?"

Yun ang unang lumabas sa bibig ko pagkarating namin sa bahay. Tahimik kaming naglalakad pabalik at ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magsalita. I know. I'm trying to hide it and ignore it because I don't wanna cause any problem with him. Don't. Just pretend. Tumatak yata sa kukuti ko ang sinabi ni Matthew.

"Fine..."maikli niyang sagot.

"Oh! Kumusta ang lakad, Ryan? Maayos naba ang plano?" Nana greeted us on the front door.

"Maayos naman po ang usapan namin, Nana. Sa kwarto lang ako."aniya at umakyat na.

Parehong nakasunod ang mga mata namin ni Nana sa kanya habang paakyat siya sa ikalawang palapag. Nana glanced at my way. "Anong nangyari?"

Nangangapa ako sa kung anong isasagot sa kanya.

"Naku...ayusin niyo yan."dugtong niya.

"K-kausapin ko po. Excuse me..."nagmadali na akong umakyat sa hagdan kahit hindi ko naman talaga alam ang gagawin. Hoping that everything is fine.

MS 1: Endless romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon