Chapter 31

301 4 0
                                    


#MSeries1

I don't know how to approach and what to say or ask him about. Feeling ko, isang salita ko pa lang magagalit na siya. Kaya minabuti kong wag na muna magsalita at imbes umupo na sa kama. The afternoon is still early for an argument and it's so hot. Ayaw kong punan ang tensyon.

He removed his shirt flexing his hard biceps. Nakatalikod siya sakin kaya kitang kita ko ang flex ng mga muscles niya sa likod. Tahimik siyang pumasok sa banyo at agad kong narinig ang pagbukas ng shower. I sighed. Humiga ako sa kama at nag isip sa kung anong dapat gawin.

This is freaking me out.

Nagising ako na walang katabi sa kama. Nakita ko agad siyang nakatayo sa bintana at nakayuko. Bumangon ako at dahan dahan lumapit. I hugged him from the back. He stiffened a bit. Ang init ng walang saplot niyang katawan ay tinalo ang lamig ng hangin mula sa labas.

"Malamig na. Nakakalungkot mag isa sa kama..."sambit ko.

He sighed. Nag angat siya ng tingin pero hindi pa tignan ako. Kundi para tumanaw lang sa malawak na damuhan sa labas at nag iisip.

Again...I'm out of words.

"Ayos kalang ba?"

"You should go back to sleep."

"I'm asking you..."humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niyang madilim.

"I'm fine. Go back to sleep."malamig niyang sagot. Hindi man lang ako tinapunan ng isang tingin. I remained silent while studying him.

My nose begun to hurt and tears begun to form in my eyes. Kaya lang pinigilan ko at mas lalong sumakit ang aking ilong. I bit my lower lip and silently walk back on the bed. May tiwala naman ako sa kanya. Bakit sakin parang wala? I clutched my chest because of its silent pain.

Kinabukasan, masaya akong sinalubong ni Nana at binalita na naihanda ang kabayo na gagamitin para sa horse back riding namin ngayong araw. At si Ryan, hindi ko na naman mahagilap kung saan.

"Almusal ka muna,ija. Pinaghanda ka ni Ryan ng pagkain sa kusina. Inaayos lang ang kabayo na gagamitin mo."si Nana.

I smiled and nodded. "Salamat po."

Nag almusal ako mag isa pero nariyan naman si Nana para aliwin ako.

"Sa makalawa na ang death anniversary ng lolo nila Ryan..."si Nana habang naglilinis sa isa pang lamesa.

"Mabuti at napapapayag ni Marion na umuwi..."

"Hindi po ba siya umuuwi dati kapag death anniversary ng lolo nila?"kuryuso kong tanong.

Nana smirked and only shook her head, without answering my curiosity.

"Tapos kana ba riyan? Ako na ang magliligpit para makapagpasyal na kayo."aniya.

"Maraming salamat po..."

Sumibit na ako at lumabas ng bahay. Mabuti nalang fitted cotton pants itong sout ko at isang white lose shirt. Pwede na siguro 'to. Dumiretso ako sa malawak na bakuran at agad na natanaw si Ryan na ini-examine ang isang kulay brown na kabayo.

Wearing his faded jeans paired with blue shirt and with an elastic boots, I went near him and greeted him. Trying not to put some awkwardness in the atmosphere.

Hindi paman ako nakapagsalita, nag angat na siya ng tingin sa akin. Pawisan ang kanyang noo at meron kunti sa kanyang leeg. He's so hot just only wearing that.

"Good morning!"

Bumaba ang tingin niya sa aking suot at nagtagal sa kung saan banda nakahawak si Matthew kahapon. His brows rose a bit before cutting his stare.

"Morning..."

Ang init ng sikat ng araw pero mukhang ang lamig niya naman yata. Umirap ako. I moved closer to touch and greet the horse. Baka siguro itong kabayo maganda ang mood.

"Good morning,horse! Ang sungit naman nitong amo mo..."I rubbed the horse' back and it groaned. Umatras ako ng kunti pero sa huli'y natawa. I'd like the horse better now.

Hindi kumibo si Ryan at bahagyang hinila ang lubid ng kabayo para umayos. Kunot ang noo niya at umigting ang panga.

"Ano? Tuturuan mo na ba akong mangabayo?"humalukipkip ako sa harap niya.

"I'll just prepare Douglas for today's ride."he said pertaining to the horse.

"Oh! So Douglas is his name? Douglas, you're amo is not in the mood...what can we do about it?"I tried to touch the horse but he cut of my hand.

"Sit there and wait."utos niya.

I giggled. "May dalaw, Douglas!"pang aasar ko bago sinunod ang utos niya.

I sat on a tree chair. Sobrang lapit lang no'n sa kanya kaya kitang kita ko ang bawat kilos niya. Pati pag kunot ng noo kitang kita ko. I giggled again. He look at my direction. Bumugtong hininga siya at iniwas agad ang tingin. Ang sarap niya yatang asarin ngayon?

"Are you comfortable wearing that?"

"Oo naman! Gusto ko nang sumakay!"I almost climb at the horse but he stopped me.

"Will you please be careful and wait for my instructions first?"hinawakan niya ako sa bewang at inilayo sa kabayo.

I pouted and stepped back. Ang dami namang arte nito,eh sasakay lang naman ng kabayo!

"You should be careful with your moves when you come close to, Douglas. You shouldn't startle him. Understand..."

Tumango tango lang ako sa mga instructions na sinasabi niya. Kung sumakay na ako dyan kanina pa sana kami nakapasyal at malayo na sana ang nalakad namin. Hay nako!

I clapped my hands loudly when I'm finally on the top of the horse. I settled my self and held on its rope.

"Hindi ka sasakay dito?"tanong ko habang dinudungaw siya.

"If you can't control him anymore I'll ride with you."aniya.

"Okay!"

Sobrang tuwa ko ng nagsimula ng maglakad ang kabayo. I feel like a kid who received a gift from someone and just love it. Well, you should enjoy every first that happens in your life. You wouldn't know when will it lasts.

Nagpatuloy ang mabagal na lakad ng kabayo. I was enjoying it at first but after a minute I got bored into it. Parang gusto ko ng patakbuhin ang kabayo mag isa at ewan itong si Ryan na naglalakad lang sa gilid ng kabayo.

"Ryan, gusto ko ng patakbuhin 'tong kabayo!"reklamo ko.

"This is your first time. A walking horse is enough for now."malamig niyang sagot.

"Akala ko ba horse back riding?"

"You're doing the horse back riding. What other horse back riding do you want?"iritado niyang tanong.

Sumimangot ako at umirap sa kanya. Ang hirap naman makipag usap sa lalaking may dalaw! Walang consideration!

A bit irritated I tried to just focus on my ride while looking at every spot we passed. Every in here is coloured with green and it's really refreshing.

"Sana may ganito rin sa Manila!"I said.

Huminto kami saglit sa isang puno ng Acacia at nagtago sa ilalim no'n. Everything tree spot has a tree chair. Mukhang sinadya nga nila ang mga ganito para kung may mamasyal man may mapaghihingahan. Tinali niya ang lubid ni Douglas sa katawan ng puno at lumapit sa kabayo.

"Here..."nilahad niya sa akin ang dalawang kamay. He held my waist when I slowly slipped myself down to the horse.

"Nauuhaw ako..."reklamo ko at umupo sa kahoy.

"Ikaw pa ang nauhaw..."he said sarcasticly.

Pinanliitan ko siya ng tingin. "Who told you to walk?"I equaled his sarcasm because I got irritated with his irritations over something.

"No one..."he coldly answered.

"Great!"umirap ako at tumayo para maglakad lakad. Naiinis ako sa kanya kaya mukhang kailangan ko munang ewan para makapag isip at maayos ang gulo sa utak niya.

"Don't go anywhere!"he said.

Bahala ka sa buhay mo, Ryan.

MS 1: Endless romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon