Comienzo

137 7 1
                                    

Malakas ang kulog at kidlat na gumuguhit sa kalangitan. The breeze of the wind is slowly whispering, tila may pinapahiwatig sa aking kakaiba.

Because of the nonstop rain, the flood already reached my knees. Partida, matangkad pa ako niyan. Paano naman iyong ibang mga kinulang sa height? Baka nag-swimming na sila niyan!

Mas lalo pang lumakas ang ihip ng hangin as I step...

"Wooh..."

I tightened my grip on the umbrella which I was holding. I don't want this to fly away. Basa na nga ang paa ko, mababasa pa ang ulo't katawan ko. Eh 'di sana naligo na lang ako, hindi ba?

Naglalakad na ako ngayon pauwi sa bahay even if it is so disgusting. Why? Because wala akong mapapala kung mag-s-stay lang ako sa school. I mean... sino naman ang susundo sa akin kung abot-tuhod na ang baha?

Solutions? Oh, well... I cannot call the pilot for our chopper. May bagyo. Delikadong magpalipad kapag malakas ang hangin. Kapag nasira ang chopper at may napahamak, lalo lang magiging kumplikado ang lahat.

Niyakap ko ang sarili ko. "Gosh. Ang lamig..."

Nang makarating ako sa boundary ng aming subdivision, nakita kong walang halos tubig baha sa sementeryo. Sa gawing kanan kasi ang subdivision namin habang sa kaliwa naman ay ang sementeryo na pwede ring shortcut papunta sa Camilla Homes.

"Hmm... pwede na rito." Sabi ko nang mapagdesisyunang sa sementeryo na lang dumaan.

Okay, I'll admit. Natatakot ako. I freaking hate dead bodies. I freaking hate ghosts and I freaking hate devil souls.

Creepy... just by thinking of it!

Despite the absolute hate, tuloy pa rin ako sa paglakad. I want to make progress. Mamaya na lang ako magtititili rito kapag maayos na ang lagay ko.

I gazed at my side while walking. Nagtatayuan ang mga balahibo ko sa tuwing may makikita akong nakabukas na mga nicho.

Napapraning ako. Anytime, pakiramdam ko ay maaring may mag-appear na bangkay roon at hilahin ang paa ko. Then, ako ang ililibing niya at mamamatay ako sa ending.

I bit my lip. Hindi ko naman siguro mapapaginipan 'to mamaya... right?

Nagtuloy-tuloy lang ako. Medyo may kahabaan ang sementeryo at maraming pasikot-sikot. Nonetheless, alam ko kung ano ang daan paaalis dito.

Gusto ko nang magtatakbo upang mabilis akong makaalis. Natatakot na kasi ako. I can't even watch horror movies! Given na siguro na... ayaw ko ng real experience!

And to remind myself, gabi na. Wala nang ilaw kung hindi ang liwanag na galing sa buwan.

Pilit ko na lang pinalakas ang sarili ko although I am very much aware that my safety is not guaranteed. Hindi ko alam kung anong nakaabang sa akin pag-alis ko rito.

That is... if I will be able to get out of here.

"Shit..." Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Binuksan ko ang aking bag at saka kinuha ang phone ko. Kusang tumaas ang kilay ko nang makitang tumatawag ang epal kong kapatid.

Seriously? She's calling me under this damn fucking rain?

Wala akong choice kung hindi ang sagutin iyon. "What do you want?"

"Where the hell are you? Bakit wala ka raw sa school?!" Agad niyang bungad sa akin.

That's my evil sister, Vivianna Yvette Altarieno. Kung may magtatanong man tungkol sa ugali niya, mabuti pang huwag na lang magtanong at all. Masahol pa sa poop ng aso ang behavior niya.

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now