Chapter 21
“Ma’am Victoria, kumain na po kayo...” Our maid knocked on my room’s door. Nanatili akong nakatulala.
Buong araw lang akong nakakulong sa kwarto, hindi kumakain o umiinom man lang. Hindi pa rin ako naghihilamos at nagtu-toothbrush.
I glanced at my phone.
It’s 3 PM at wala pa akong nagagawa sa buhay ko...
Naiuwi na si Mommy sa bahay at ngayon ang unang araw niya rito with that form. I still can’t believe it. Lahat kami ay shocked pa rin hanggang ngayon.
Si Daddy, hindi ko siya nakitang umiyak. Tulala lang siya the whole time. Laging kuyom ang mga kamao niya at parang galit na galit siya dahil sa nangyayari ngayon.
Si Ate, opposite ni Daddy. Iyak siya nang iyak, as in. After what happened in the morgue, hindi na niya ako pinapansin.
Si Yandrick, still happy. I don't know if that's true at hindi ko rin alam kung bakit. Maybe... he's unaware of the situation.
Siyempre... ako, ganoon pa rin. Still miserable as ever. Masasabi ko kasing... sa aming tatlong magkakapatid, ako ang pinaka-close kay Mommy. Sobrang sakit. Ang sakit-sakit na bigla na lang siyang nawala.
I deactivated all my social media accounts. I don't want to interact with anyone. Ang iba kasi ay binabati pa ako sa pagkapanalo ko sa Miss Intramurals—halatang hindi pa nababalitaan ang nangyari sa Mommy ko. Ang iba naman, sinasabi na binayaran ko raw ang judges para manalo kaming magpinsan. Like... what the hell? Why would I waste my money for that competition?
“Ma’am Victoria, heto na po ang...” Binuksan ng maid ang pinto kaya't mas lalo akong nainis.
“Get out of my fucking room! Now!” I growled.
“P-Pero kailangan niyo pong kumain kasi—”
“I said... get out of my fucking room!” Sumigaw ako.
Nanginig siya at binitawan ang tray sa mesa ko. “Iiwan ko na lang po riyan ang pagkain niyo.”
Umirap lang ako.
“Manang?” Boses ‘yon ni William, halatang papunta sa kwarto ko.
In an instant, parang biglang nawala lahat ng inis sa katawan ko.
Ugh! Boses pa lang ‘yan, Victoria!
“W-William...” Sagot naman ni Manang. Nakita kong pumasok si William sa kwarto at sinulyapan ako nang bahagya bago tumingin sa maid.
He genuinely smiled. “Sige po, magpahinga na kayo. Ako na ang bahala rito...”
Nag-alangan pa ang maid. “Pero trabaho ko ang—”
“Manang, I got this. I can take care of Yllena.”
“Sigurado ka?”
My bodyguard nodded. “Magpahinga na lang po kayo. Kanina pa kayo nagse-serve ng pagkain sa mga bisita...”
“Salamat...” Ngumiti ang maid at umalis na lang bigla.
Nang makaalis si Manang ay sinara ni William ang pinto. Binuhat niya ang tray ng pagkain at saka nakangiting lumapit sa’kin.
Pinunasan ko ang basang luha sa pisngi ko at umupo sa kama.
“Kumain ka na...” Nilapag niya ang tray sa side table ko. Lugaw pala ‘yon.
I shook my head. Kahit na ganitong nasa tabi ko siya, wala pa rin akong gana sa lahat ng bagay.
“You will eat...” Mataman niya akong tinignan. “Natulog ka ba kagabi?”

YOU ARE READING
Embracing The Rain (Rain Series #2)
Romans[COMPLETED] Second story out of Rain Series. Victoria Yllena Altarieno is a famous campus queen on Shamxia University. She has everything. Money, shelter, gadgets, cars, and even boyfriends. Oo may 's' talaga sa dulo dahil Victoria is a cerified pla...