Chapter 13
Hindi ko alam kung bakit hindi maalis sa isip ko ang nangyaring iyon sa bar. Paulit-ulit na nage-echo sa pandinig ko ang lahat ng nalaman ko.
I'm not denying it. I'm affected.
"Altarieno?"
Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang surname ko mula sa aming adviser na matandang hukluban.
"Come with me on my office. Now." Sabi nito at umalis na ng classroom. Katatapos lang kasi ng klase at ang ginawa ko lang the whole time ay tumulala.
Umikot ang mata ko at padabog na tumayo. Ano naman kaya ang mayroon?
Nang makarating sa office ay mabilis siyang umupo sa kanyang swivel chair. Ako naman ay naupo sa harap ng table niya.
"What do you want?" Bored kong tanong.
He crossed his arms. "Miss Altarieno, malapit na ang finals for first quarter. Wala ka bang plano sa buhay mo?"
"I don't have any plans, honestly." Naghikab ako.
Napahinga siya. "What I meant is... your grades. They're failing. Mas mabibilang ko pa ang mga araw na pinasok mo kaysa sa mga absents mo."
"So?"
"I can give you remedial classes if you want. Hinuha ko'y wala ka ring natututunan dahil wala kang ginawa kung hindi tumulala, mag-cellphone, and mag-cut ng classes..."
"I don't want to take any classes." Kunot-noong sabi ko.
Failing na raw ako, so... bakit magre-remedial pa? Tang inang 'yan.
"Okay. Your choice. Pero kapag pinagpatuloy mo pa 'yan, baka hindi ka na maka-graduate on time."
I rolled my eyes. As if naman mangyayari 'yon, 'no? I can rule this university anytime I want.
"Anak ka pa man din ng founder ng school. Tsk."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Jealous?"
"I just dislike your attitude. Talking about real talk."
I smirked. Matagal ko nang alam 'yon. Sanay naman na ako. I'm aware of my own attitude—at wala akong planong baguhin ang sarili ko para mapa-impress sila. I can make them impressed in my very own unique way.
"Okay..." Naisagot ko na lang. I'm not affected. Alam ko naman na kasi 'yon, gaya nga ng sabi ko.
Napahilot siya ng sentido, akala mo pasan ang problema ng bawat Pilipino. "Ang hirap mong maging estudyante, sa totoo lang. Sa halip na wala akong iisipin, heto at dumagdag ka pa."
"Bakit ba kasi pino-problema mo ako?"
"Paano namang hindi? Buong faculty na ang nagre-report sa'kin ng mga ginagawa mo. Nahihirapan ang mga subject teachers na i-compute ang marka mo dahil wala ka namang records..."
Nanlaki ang butas ng ilong ko. "Eh 'di huwag nilang i-compute. Mas maganda nga kapag malinis lang ang report card. Very minimalist."
Nagulat siya. "Okay lang 'yon sa'yo?"
I nodded. "Of course! Ayoko na ngang mag-aral, sa totoo lang. I can make my own business without studying."
"Kahit sino naman ay makakapagtayo ng sariling business. Ano bang ipapatayo mo kung sakali? The smallest sari-sari store na iisa lang ang product?" Aniya at tumawa nang malakas.
Sari-sari store? What the heck was that?! 'Yon ba 'yung maliit na tindahan kung tawagin nila?
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ang yabang. Isa pang salita niya, sibak na siya sa trabaho, makikita niya. "May I remind you that I'm the daughter of the owner of Shamxia University? 'Yung presyo ng buong tindahang 'yon, baon ko lang sa isang araw."
YOU ARE READING
Embracing The Rain (Rain Series #2)
Romance[COMPLETED] Second story out of Rain Series. Victoria Yllena Altarieno is a famous campus queen on Shamxia University. She has everything. Money, shelter, gadgets, cars, and even boyfriends. Oo may 's' talaga sa dulo dahil Victoria is a cerified pla...