Chapter 48
Days and weeks had passed, naging maayos naman ang takbo ng buhay ko. As to my career, siyempre, hindi pa rin mawawala ang mga haters kahit nag-quit na ako sa pagmo-model—that's pretty much obvious. About our family... well, ganoon pa rin naman. We're still communicating pero hindi na katulad ng dati. May awkwardness na sa pagitan namin.
Sa amin naman ni Daddy, okay na—although hindi pa rin siya sang-ayon sa relasyon namin ni William. Madalas tuloy ay sa labas na lang kami nagkikita ng boyfriend ko.
Si Ate, wala pa rin siyang pinapansin maski isa sa amin—kahit ang fiancée niya. Trip to kwarto lang ang gusto niyang gawin tuwing nasa bahay siya. Then kapag uuuwi galing sa school, akala mo pinagsakluban ng langit at lupa.
Si Ridge, Mister Salcedo, Jonas, at Shara, pare-parehong nasa kulungan ngayon. Si Elmrix, madalang na lang kami nagkakausap. Well... dapat pa ba? Wala naman na kasi kaming connection maliban sa past. Pinag-iigihan na lang niya ang pagiging CEO as of now.
Si Tricia, we're still friends. Hindi naman nagbago ang tingin ko sa kaniya after I discovered na magkapatid pala talaga sila ng boyfriend ko. Anyway, she's in South Korea right now, still continuing her studies.
Ako? I am studying hard at Shamxia. Iniiwasan ko nang makipag-away sa mga students, faculty and staff—basically, sa kahit kanino. Gusto ko ng tahimik na buhay. Ayoko na ng gulo. Sawang-sawa na akong madagdagan ang mga problema ko sa buhay.
"Ate..." Si Leigh iyon, kumakain kasi kami ng lunch sa canteen. "Galawin mo naman 'yang pagkain mo."
I sighed. Ilang minuto na ba akong tulala kakaisip sa mga bagay-bagay? Oh, probably kanina pa.
"Mamaya mo na isipin iyan."
"Yeah, right." I sipped on my iced tea. "I'm not actually hungry, though..."
"At least try to eat." She pouted. "Exam niyo na for the second semester, right?"
I nodded. Whole day ang exams namin ngayon. We finished two subjects earlier and dalawa ulit ngayong after lunch.
"Paano ka makakasagot niyan kung walang laman ang sikmura mo?"
I chuckled. "Nag-review naman ako."
"Kahit na. According to science, kapag..."
"Kapag hindi ka nag-review, hindi ka talaga makakasagot." I cut her off. "Ano ka ba naman? Utak ang pinapagana kapag nag-e-exam, hindi ang sikmura."
"I'm just worried about you, Ate. Ilang araw ka na ring ganiyan."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean, 'ganiyan'?"
"You look so stressed..."
"Stressed naman talaga ako."
"Kaya nga, Ate. That's what I am saying."
Bumuntonghininga ako. "Don't worry about me. You're giving me strength—at si William, kapag nasa tabi ko siya."
"Paano 'yan... wala siya sa tabi mo? Eh 'di you can cheer yourself down naman?"
I glared at her. "You know how to tease me now?"
"Of course! Lumalaki na ako, eh."
Natawa na lang ako. "Let's go na."
"Seryoso ka, Ate? Hindi ka pa kumakain—"
"I said, I can do this. Come on! Let's go!" Niyakag ko siya paalis ng canteen. After that, dumiretso na kami sa kaniya-kaniya naming classroom.
As expected, nauna na naman ako kaysa sa teacher. I'm actually not used to it. Dati rati ay wala akong pakialam sa schedule ko at kung kailan ko lang gustong pumasok. Pero ngayon...
YOU ARE READING
Embracing The Rain (Rain Series #2)
Romance[COMPLETED] Second story out of Rain Series. Victoria Yllena Altarieno is a famous campus queen on Shamxia University. She has everything. Money, shelter, gadgets, cars, and even boyfriends. Oo may 's' talaga sa dulo dahil Victoria is a cerified pla...