Chapter 14
"Yllena, where are you going?"
"Mind your own biz, Mister bodyguard..." Nilagpasan ko si William at dumiretso na papunta sa canteen.
Wala akong pakialam kahit kanina pa siya naghihintay sa'kin sa labas. Naiinis pa rin ako sa kaniya. Literally, sa t'wing makikita ko siya, I am hurting!
Tang ina niya kasi, eh. At tang ina ng dare na 'yon!
At last, lunch na. Matapos ang mahabang bullshit process ni tanda kanina, nakaraos na rin kami.
Thank god, really!
"Yllena, I heard you will be representing your section next week. Should I call your designer and make-up artist to schedule their..."
Hindi ko namalayan na nakasunod na pala siya sa'kin. "Stop talking, Mister bodyguard. You're not my personal assistant, so... just shut up, okay?"
Natahimik siya ngunit sumunod pa rin sa'kin.
Inis akong humarap sa kaniya. "Ano ba?! Can you please stop following me?!" Naiirita ako sa presensiya niya, sa totoo lang.
He shook his head. Ang kulit talaga! "This is my job, Yllena. I can't let you go without me..."
"Just forget about your fucked up job! Ayaw kitang makita!"
Lumambot ang mukha niya. "Is this because of what happened last night—"
"Yes!" Diretso kong sagot. "Now, get lost! Go to Daddy and tell him that you're resigning!"
Naningkit ang mata niya. "Is that what you really want?"
"Yes! Alam ko naman kasi na kating-kati ka nang bantayan ang girlfriend mo! Hindi ba't siya naman talaga ang gusto mong makasama?"
Nasa tapat na kami ng canteen nang huminto kami. Natural, marami ang mga chismosa sa paligid. Dinig na dinig ko pa nga ang mga sinasabi nila.
Nakakainis. Gusto ko silang hagisan ng granada para mamatay na lahat ng mga toxic sa mundo!
Kumunot ang noo niya. "I said I'll be following you no matter what..."
I gritted my teeth. "Why don't you just follow what I'm saying? Get lost!"
I walked out. Ayoko talagang makipag-usap sa kaniya hangga't maaari.
Padabog akong dumiretso sa table naming magpipinsan. Nasa bungad lang iyon so I'm pretty sure they saw how I and my bodyguard fought.
Ugh!
Inis akong umupo. "Life sucks!"
"Wooah..." Sumipol si Rhys. "Ang angas niyo kanina ni Wil, Tori."
Umirap ako. "Hindi nakakatuwa, Rhys. Ang sarap mong batukan."
"What? Ang cute niyo kaya. Para kayong mag-asawa na nag-aaway dahil nagseselos si misis."
Sininghalan ko siya ng tingin. "Mag-asawa?! To hell with that!"
"Bakit ba inis na inis ka sa kaniya?" Usisa ni Vance.
"Oo nga, Ate. Dapat hindi mo siya inaaway nang ganoon..." Gatong pa ni Leigh.
"Huwag niyo nang masiyadong ipitin 'yang si Tori. Alam naman nating lahat na kaya nagkakaganiyan 'yan ay dahil tinanggihan siya ni William last night..."
Sinamaan ko ng tingin si Shara.
"Oh, Scott? Bakit tahimik ka riyan?" Tanong ni Vance sa pinsan kong kanina pa nakatulala.
Kumurap-kurap lang ito.
"For sure, napagalitan siya ni Tita Shanne." Malungkot na sabi ni Leigh.
Simula kaninang umaga ay parang wala na sa sarili si Scott. Hindi na namin ito pinapansin dahil alam namin na na-ground siya ni Tita Shanne.
YOU ARE READING
Embracing The Rain (Rain Series #2)
Romance[COMPLETED] Second story out of Rain Series. Victoria Yllena Altarieno is a famous campus queen on Shamxia University. She has everything. Money, shelter, gadgets, cars, and even boyfriends. Oo may 's' talaga sa dulo dahil Victoria is a cerified pla...