Chapter 5
"Tang ina ka naman, Victoria..." Napahilot si Ate sa kaniyang sentido. "Away na naman? First day mo pa lang sa school! Wala ka ba talagang patawad, ha?!"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Huwag mo nga akong sigawan! You're neither Mom nor Dad."
"I'm still older than you! I have the right to remind you what to do!" Bulyaw niya sa'kin. "My god, dapat ko bang ipaalala to you na you're just fourteen? Ang bata mo pa to fight like that!"
Napangiwi ako.
Paulit-ulit na lang ang point niya!
"You know what..." Sabi ko. "Kahit na mas matanda ka sa'kin, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para pagsabihan mo ako nang ganiyan. You're not my parents. Sila lang ang may karapatan na sumbatan ako sa kung ano mang nagawa ko..."
"I'm just correcting you! Ang pangit ng katwiran mo!"
"Don't act as if you know everything! Can't you see? Nabugbog ako!"
Naningkit ang mata niya. "That's your fault, not mine. Kung hindi mo pinatulan 'yong babae... eh 'di sana, wala kang galos ngayon!"
"Pinatulan ko siya dahil siya ang nangunguna! Fuck! Manahimik ka na nga at baka pati ikaw ay patulan ko!"
Dinuro niya ako. "Matuto kang rumespeto, Victoria Yllena. Hindi porke't nato-tolerate ng mga magulang natin ang ugali mo ay ganoon na rin ang gagawin ko..."
"Oh, come on!" I rolled my eyes. "Let's just stop this shit! Sumasakit na ang ulo ko!"
"Diyan ka naman magaling, eh. Kaya tumitigas 'yang ulo mo dahil sa ugali mong iyan!"
"Pwede ba, Ate?!" Kanina pa ako naiinis. "Let's just stop! Rinding-rindi na ako sa boses mo!"
"You deserve that!"
"I don't!"
"Ma'am..."
"Ano?!" Sabay naming sigaw ni Ate nang biglang sumulpot ang katulong namin.
Napaatras ito. "Ah... e-eh, pinapatawag na po ni Sir si Ma'am V-Victoria—"
"Damn it..." Napamura ako.
"Iyan na, sige! Patay ka kay Daddy!" Pananakot pa ni Ate.
Inirapan ko na lang siya at bumaling sa maid. "Nasaan si Daddy?"
"Sa library po..."
I nodded. "Okay, get lost now."
Nanginginig itong tumango at saka nagtatakbo paalis sa harapan namin.
I sighed. Ipagdadasal ko na lang na sana... hindi ako i-ground ni Daddy.
"Good luck, sister!" Ate sarcastically shouted.
"Fuck you!" Sigaw ko pabalik.
🌩🌩🌩
Pagkaupo ko pa lang sa upuan, napatalon na ako sa gulat nang hampasin ni Daddy ang mesa.
"Victoria Yllena Altarieno..." His voice thundered. "What did you do this time?"
I bit my lip. I'm not scared of anyone, except my father. Siya lang talaga ang kinatatakutan ko. His aura is normally scary—which is why... when he's mad, he's scarier than usual.
"Answer me!"
"Hon..." Hinimas ni Mommy ang balikat ni Daddy.
"Calm down, Daddy."
"Calm down?!" Sigaw niya kaya napapikit ako. "First day of school, may kalokohan kang ginawa. How can I calm down?!"
"But it's not my fault! It's hers! I just got pissed because she's ruining my image!"

YOU ARE READING
Embracing The Rain (Rain Series #2)
Romance[COMPLETED] Second story out of Rain Series. Victoria Yllena Altarieno is a famous campus queen on Shamxia University. She has everything. Money, shelter, gadgets, cars, and even boyfriends. Oo may 's' talaga sa dulo dahil Victoria is a cerified pla...