Chapter 26
Sa isang condominium unit nakatira si Ridge. Malapit lang ‘yon sa mall kaya wala kaming naging problema sa biyahe.
I have no plans of staying here in his condo. Bukod sa little embarrassment ko towards him, I don’t trust him that much. Umaandar na naman ang pagiging paranoid ko.
Wait nga lang... kailan pa ako nagkaroon ng hiya?
Going back, I have this weird feeling kay Ridge. Parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. Yes, he’s definitely a stranger. Pero somehow, despite the trust issues, I think he’s not a bad person.
I don’t know why I’m so comfortable with him either.
Pagdating sa loob ng condo, pabato kong binigay sa kaniya ang phone. Nataranta siya at mabilis itong sinalo.
Natawa naman ako. “Happy now?”
Sumimangot siya. “Why did you throw the phone?”
I shrugged my shoulders. “Trip ko lang, bakit?”
“Okay, then.” Dumukot siya sa bulsa niya. Laking gulat ko nang bigla niyang ibato sa’kin ang wallet niya.
Napaatras ako at mabilis ‘yong sinalo.
Fuck him! Gumaganti!
“Why did you throw that fucking wallet at me?!”
He smirked. “Trip ko lang, bakit?”
“Ano bang laman nito?”
“Try mong buksan, baka malaman mo...” He sarcastically said.
I opened his wallet. Halos umasim ang mukha ko nang makitang makapal na cash ang laman niyon at tatlong credit card.
Siningil ko ba siya?
Sa inis ko ay binato ko sa kaniya ang wallet.
“Ouch! What the hell...” Napahawak siya sa noo niya dahil doon pala ‘yon tumama.
Halos matawa ako sa reaksiyon niya.
“Bakit mo binato? I’m just paying you for that goddamn phone!” Inis niyang sabi habang nakahawak pa rin sa noo niya.
I chuckled. “Sabi ko naman sa’yo, hindi ko kailangan ng pera. Kaya kitang paliguan niyan kung gusto mo pa...”
“That’s a one hundred and fifty thousand, woman. Alam mo bang malaking halaga iyan?”
“Baon ko lang ‘yan for one month, ‘no.”
“Seriously?” His lips parted. “You’re boastful.”
“No. Fun fact lang about me.”
Napailing siya. “Whatever...”
Nginisian ko lang siya at saka umupo sa sofa. I glanced at my wristwatch.
It’s 6 PM. Medyo madilim na rin sa labas dahil nga pagabi na.
I yawned and looked around at Ridge’s condo.
It is big yet simple. Malawak ang space sa living room. May iilang frame na nakasabit ngunit mga pang-design lang ‘yon. Mayroon din siyang fifty inches—na flat screen TV, I think. May mga flower vases pa na bumagay kung saan ‘yon nakapwesto.
Ang lamig din. I bet naka-todo ang aircon.
Sumulyap ako kay Ridge. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa bintana. Ano kayang balak niya? Tumulala lang?
I can’t help but to stare at his face. I can’t deny it. He’s really handsome. From his thick eyebrows, pointed nose, and red sexy lips. He’s also tall. And judging by his posture, mukhang may abs siya.
YOU ARE READING
Embracing The Rain (Rain Series #2)
Romance[COMPLETED] Second story out of Rain Series. Victoria Yllena Altarieno is a famous campus queen on Shamxia University. She has everything. Money, shelter, gadgets, cars, and even boyfriends. Oo may 's' talaga sa dulo dahil Victoria is a cerified pla...