Chapter 43

29 3 0
                                    

Chapter 43

When I woke up the next day, walang nagbago. Nandito pa rin ako sa gitna ng gubat-nakaupo habang nakagapos ang mga kamay at paa.

No one saved me. No one. Inaasahan kong sasagipin ako ni William o kahit ni Elmrix man lang pero... wala. Umasa lang ako sa wala.

Hindi kaya nila alam na... nandito ako?

I gasped at Ridge. Kanina pa siya nakatanaw sa akin and I hate it.

"Where's Tricia?"

Napabuntonghininga si Ridge. "Finish your food..."

"Where's Tricia?" Ulit ko pa. It was the fifth time I asked about that and yet, wala pa rin siyang matinong sagot.

Tinitigan niya ako.

"In Batanes."

Namilog ang mata ko.

What the hell? Tumuloy siya nang mag-isa? Ano iyon? Hindi man lang ba siya nagtaka about my absence?

"Eh... ako?" I asked again. Wala akong pakialam kung naririndi na siya. "Nasaan ako?"

"In the middle of the forest?"

Seriously? Napakatino niyang kausap!

"Kainin mo na 'yang pagkain mo..."

I frowned. "Paano naman ako kakain? Nakatali ang kamay ko, hello?!"

"Here..." Akmang susubuan niya ako pero iniwas ko ang mukha ko.

"I said, eat up."

"Sabihin mo muna kung nasaan ako."

"Let's have an agreement, then." Pinagsalikop niya ang mga kamay niya. "One question, magtatanggal ka ng isang pirasong suot mo..."

"What?!" I growled. "Are you planning to... rape me?!"

Itinuro niya ang isa sa mga puno. Doon ko lang napansin na may tree house pala sa itaas.

Shara is there. Nakapangalumbaba siya na para bang pinagmamasdan ang bawat galaw namin.

"Nakadepende sa kaniya ang lahat ng gagawin ko..."

I rolled my eyes.

I won't risk myself just for those information! Isaksak niya na lang sa baga niya! Letse!

"As if naman papayag ako sa gusto mong mangyari..."

"You can ask me anything, I'll do you a favor..." Aniya kaya natigilan ako. "Well... except from making you escape here."

"Ayoko pa rin..." Sininghalan ko siya ng tingin. "You're a deceiver."

"You can ask me anything about Elmrix, too."

Kumunot ang noo ko. "You knew him... all along?"

"Of course!" He chuckled. "He's my cousin!"

My lips parted.

So I was being stupid since the very beginning?

Now I have a lot of moments to repent on. Patuloy nilang dinadagdagan ang listahan.

"Ano na? Are you in?"

I almost forgot the initial topic.

Okay... should I just... follow his suggestion? Maaari ko naman iyong magamit para makatakas ako.

Ayoko nang maghintay ng ilan pang araw bago gumawa ng paraan. This is an opportunity, I guess.

I sighed. "Fine..."

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now