Chapter 46

25 3 1
                                    

Chapter 46

"Are you okay?" Tanong ko kay Ate habang inaalalayan siya papasok sa kwarto niya.

"A-Ayos lang. Salamat..."

I just smiled at her.

After the exposure of the truth, isang sampal ang inabot ni Ate kay Lolo Tom habang masasakit na salita naman ang natanggap niya galing sa mga tita at tito namin.

At si Daddy... he's so speechless. Nagwalk-out lang siya matapos marinig ang balitang iyon.

I mean... our family doesn't like the idea of Ate, getting pregnant while still studying. Ate promised them the same thing, too. So yes, she needs to face the consequences of breaking her promise.

Our life is such a mess. Damn it.

Nakasuporta pa rin ako kay Ate hanggang sa makaupo siya sa kama niya. Kinumutan ko siya and gave her a glass of water.

Lumagok siya ng tubig bago tumingin sa akin.

"Umalis ka na.."

I licked my lips. "Okay. Magpahinga ka na."

Nag-iwas lang siya ng tingin bilang sagot.

Nahihirapan siya. Well, sino ba ang hindi? Ako man ay nahihirapan na rin dahil sa sitwasyon namin ngayon.

I turned my back at her at umalis na sa kwarto niya. Saktong paglabas ko naman ay nakasalubong ko si Kuya Cristof.

Ang tang inang 'to... nagpakita pa talaga siya?

Namewang ako. "What are you doing here?"

Mukha siyang stressed, siguro ay... dahil na rin sa nangyayari ngayon.

I rolled my eyes. Pake ko naman! Siya ang dahilan kung bakit nabuntis si Ate!

"G-Gusto kong makausap si Ana..."

"What?" Agad kong pagtutol. "Tarantado ka talaga, eh, 'no?"

"I know. I'm such a jerk..."

Natawa ako. "You're selfish. Putok ka nang putok tapos ngayon... ano? Kaya mo bang panindigan ang kapatid ko? Ang galit ng pamilya namin towards her?"

"Paninindigan ko ang bata..." Matapang niyang sagot.

"As you should! Kayong mga lalaki kasi... you just fuck. Fuck and fuck! Tapos kapag nabuntis ang babae, parang kayo pa 'tong galit!"

"I'm not. I'll take responsiblity of your sister and our child..."

"Tang ina mo..." Napahilot ako sa sentido ko. "Sana man lang ay pinagtapos mo muna ng pag-aaral ang kapatid ko. Hindi ba uso ang proteksyon nowadays? You knew damn well na may kasunduan sila!"

Hindi siya nakasagot.

Oh, he's indeed a problem. Kung hindi ko pa supalpalin, hindi pa yata magigising sa katotohanan!

"Ayusin niyo iyan..." Sinamaan ko siya ng tingin. "Mag-usap kayong dalawa. Make sure you won't do anything that will frustrate her. Buntis siya, baka gusto mong mawalan ng anak nang hindi oras?"

He sighed.

"Alis. Nagdidilim ang paningin ko sa'yo..."

Tinanguan niya lang ako at nilagpasan. Ako naman ay patakbong pumunta ng kwarto ko.

I just want to cry.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Gusto kong magwala. Gusto kong manakit. Gusto ko silang saktan isa-isa para mabawasan man lang ang nararamdaman ko.

I laid on my bed.

Can I just... take a break from all of these?

Kung ito na ang pinakamatindi kong karma, I don't think I deserve it. Yes, I've been evil all my life. Pero hindi sapat iyon para maranasan ko ang lahat 'to!

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now