Chapter 15

20 4 0
                                    

Chapter 15

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Minsan ay bigla-bigla na lang akong matitigilan, manlalamig, o kaya ay bumibilis ang tibok ng puso ko. I never felt those since I had this encounter with Elmrix.

Si Elmrix, kahit hindi ko siya nakikita at hindi ko nararamdaman ang presensiya niya, parang lagi akong kinakabahan sa t'wing binabanggit o naririnig ko ang pangalan niya.

And that's what I exactly feel for William! Every time he's around, every time he shows this so-called care and affection, para akong nadadala ng emosyon ko.

Galit ako. Naiinis ako, Sinaktan niya ako last time pero bakit lumalambot na naman ako? Ugh! I'm really frustrated!

Marupok ka lang kasi, Victoria.

Inis akong napairap sa naisip ko.

"Are you sure you're okay?" It's his voice. Malambing tapos may pagka-husky.

Tang ina naman! Why does he have to do this?

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Napapapikit kong tanong, pinipigilang mapangiti.

"Sa clinic."

Bahagya akong nagulat. "Bakit kailangan mo pa akong buhatin?"

"I'm sorry. I just figured out that you might run away since you don't like me around."

"Bilisan mo." I demanded. "Kinikilig... I mean, gusto ko nang mag-alcohol. Baka kumapit sa'kin ang bacteria ng babaeng 'yon..."

Tumango lang siya.

Habang nasa daan, dinig na dinig ko ang mga estudyanteng nagbubulungan. Hindi ko lang alam kung bulong pa ba 'yon or whatever dahil naririnig ko rin naman. Fully.

"Sino 'yong lalaking 'yon?"

"Akala ko ba ay si Aerol ang boyfriend niya?"

"May bago na naman?"

"Hindi pa ba kayo sanay?"

Kung hindi lang ako binuhat nitong bodyguard ko, malamang pipila silang lahat sa clinic. Alam naman nilang ayokong pinagchi-chismisan ako lalo na't nasa loob pa ng university!

Maya-maya'y ramdam kong binaba ako ni William sa clinic bed.

"Nurse?" Pagtawag nito.

Sumilip ako. Mukhang walang tao.

"Nurse? Hello?"

Wala ulit sumagot.

"Nurse..."

"Mamamaos ka riyan kakatawag, hindi mo ba nakikitang walang tao?"

That's right, Victoria. Huwag mong ipakitang kinikilig ka sa mga ginagawa niya. Magmatigas ka lang. I repeatedly chanted in my head.

Ayokong makita niyang apektado ako sa mga actions niya. After all, wala namang meaning ang mga iyon.

"Ah, yeah. Sorry..." Sabi na lang niya at kumuha ng isang cotton ball at alcohol. Lumapit siya sa'kin.

"Don't!" Pigil ko agad sa kaniya.

"Why? Gagamutin ko lang ang mga kalmot mo—"

"I don't want to!"

Obviously, kinalmot ako ng impaktang 'yon. Bago ako makaalis sa office ay hindi pa siya nakontento. Nagkaroon tuloy ako ng kalmot sa braso.

And as of alcohol... hindi ko kayang tiisin iyon. I mean... ang sakit kaya niyon i-apply sa sugat!

"That wound is prone to infection. It needs to be cleaned."

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now