Chapter 12

27 3 0
                                    

Chapter 12

"Hey, baby..." Kitang-kita ko kung paano pinulupot ni Scott ang kaniyang braso sa isang magandang babaeng nakapwesto malapit sa bar counter.

Lumingon naman kaagad ang babae.

"Oh, hey..." Bati nito nang makabawi.

"What's your name, beautiful lady?"

The innocent girl smiled. Ang bilis naman nitong magpauto sa pinsan ko. "The name is Desiree Kate."

Dinig kong bumuntonghininga si Rhys sa tabi ko. "Gaano kaya katagal magbobolahan ang dalawang 'yan?"

Pati si Vance ay umingos. "Ang hina talaga ng technique."

"Maghintay lang kayo." Singit ni Shara at lumingon sa kapatid niya. "Maybe he's... trying to get the woman's heart. Gentleman si Scott, unlike you two."

"Gumamit ka nga ng kuya kay Scott..." Saway ko sa kaniya.

"Ikaw rin. Magka-age lang tayo, remember?"

"I don't feel like it." Sabi ko na lang. "Ikaw na lang. Kapatid ka niya at mas matanda siya sa'yo, hindi ba?"

Umirap lang siya sa kawalan at nanood ulit kay Scott.

"Desiree Kate." He said. "What a beautiful name. Just like the woman herself."

Kitang-kita ko kung paano namula ang pisngi ni Desiree.

"Can I ask for a favor?" Sa wakas ay nagtanong na siya.

"Uh, yeah? Sure..."

"Can you..." Scott trailed. "I mean... can I kiss you?"

"OMG! Heto na!" Tumili ako.

Nagliwanag naman ang mukha ng dalawang lalaki.

"Ang tagal naman..." Naiinip na sabi ni Vance.

"Manood na lang kayo."

"W-What?" Tanong ng babae.

Hindi na sumagot si Scott at bigla na lang hinalikan si Desiree.

Nag-iwas agad ako ng tingin. "My god. This is so... gross."

"Hala. 'Yun pala 'yung torrid?" Inosenteng tanong ni Leigh.

Nasulyapan ko ang kamay ni Scott na dahan-dahang gumapang papunta sa bulsa niya. He gets his phone and recorded everything.

He's really serious about the dare, huh?

"Ngayon ko lang nakitang ganito si gago." Si Vance.

A minute after, binaba na ni Scott ang phone niya at humiwalay kay Desiree.

"Thank you..." Sabi ni Scott.

Nakatulala lang si Desiree at dahan-dahang napahawak sa labi niya.

Usually, a girl's initial reaction must be a slap on the boy's cheeks or something brutal. What's up with this woman?

Or the question must be...

What's up with my cousin? 

Nang makontento ay umalis na rin si Scott sa harapan ni Desiree at nagmamadaling tumakbo papunta sa amin.

"Woah..." Namamanghang sabi ni Rhys. "That was fast!"

"Anong fast?" Pag-epal ni Vance. "Ang tagal din kayang nambola ni Scott!"

"Tss. Whatever." Sabi nito at kinalikot ang phone niya.

Itinaas niya iyon at pinakita sa'min na nai-send na niya kay Tita Shanne ang video nila ni Desiree. It's legit. Nakita ko pa kasi ang conversation nila ni Tita. Kumpleto rin ang video.

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now