Chapter 16
Mabilis talagang lumipas ang oras. One blink at hindi mo mamamalayan na tapos na ang pinakamasayang pangyayari sa buhay mo. Mapapalitan na iyon ng iba't-ibang mga emosyon at damdamin.
Nagkibit-balikat ako habang nakatingin sa aking sarili.
It's the day, bitches! Intramurals na!
Somehow, I felt excitement. Ngayon lang kasi talaga ako sasali sa mga pageants. Hindi naman ako kinakabahan or whatever should a contestant feel. Masaya ako 'cause it's a new experience na naman!
Maya-maya'y magsisimula na rin ang program. Nagre-ready na ang lahat sa backstage. Ayoko nga talagang mag-ayos dito dahil gusto ko silang i-surprise sa magiging itsura ko after the makeover. Pero dahil si Daddy ang nag-utos, hindi ako makapalag. Sandamakmak na sermon na naman ang ibibigay niya sa'kin. At kapag nagkataon, baka bukas pa kami makatapos.
"Pikit po tayo, Miss Victoria..." My make-up artist said. She's putting some eye shadow on my eyelids.
Hindi naman na bago sa'kin 'to. Kung tutuusin nga ay araw-araw akong nagme-make up. Kaya lang, kailangang mas bonggahan ngayon dahil it's my first time to join a beauty contest.
"'Couz!" Boses 'yon ni Scott at Rhys.
"Wait..." Sabi ko sa make-up artist ko kaya huminto muna siya sa pag-aayos sa'kin.
Si Rhys, Scott, Leigh at Shara ay nandito. Nangunot naman ang noo ko.
Sinabi ko na sa kanila na huwag akong puntahan. Kainis! I want to surprise everybody later on!
"Ang kukulit niyo naman!" Naiinis kong sabi. "Sabi nang hintayin niyo na lang ako sa stage, eh!"
"You know we can't do that. We're here to support you!" Malambing na sabi ni Scott.
"Sus. Ba't hindi na lang si Vance ang suportahan niyo?"
Si Vance ay lalaban din para sa Mister Intramurals. Hindi naman na nakakagulat dahil last year ay sumali rin siya. Siya pa nga ang grand winner, eh.
Rhys chuckled. "Gaguhan lang, Victoria? Alam naman nating ayaw no'n ang sinusuportahan siya."
"Tss. Kaartehan niya."
"Okay, girls!" Pumalakpak ang event organizer. "Magsisimula na ang show in five minutes. Better prepare yourself. Anytime ay lalabas na kayo on stage!"
"Hala, ang bilis naman." Takang sabi ni Leigh. "Mabuti na lang at hindi ako sumali riyan. Mukhang mahirap, eh."
Ginulo ni Scott ang buhok nito. "Next time..."
Sinamaan ko sila ng tingin. "Umalis na kayo. Baka hindi pa ako maayusan dahil sa inyo."
"Yes, senyora!" Sabay-sabay nilang sabi at saka umalis na.
Napailing ako. Lakas talaga ng mga tama.
A minute after, tapos na ang make-up ko. Dali-dali akong inalalayan ng make-up artist ko para pumasok sa loob ng dressing room.
Nang nasa loob na, nagulat ako nang makita ang ate ko.
Anong ginagawa niya rito?
"What the hell?!" Pareho naming sabi dahil nagulat siya sa biglaan kong paglitaw.
Umirap ako. "What the hell are you doing here?!"
"Obviously, tinutulungan ka. Hindi mo ba nase-see? Duh!"
Ngumiwi ako.
"Ready na ang mga isusuot ko..." I said in a low voice.
Ang ate ko kasi ay sumasali sa pageants. Sa katunayan, siya ang representative ng Pilipinas sa Miss Universe before. She successfully won kaya sobrang laking achievement niyon para sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/200163556-288-k98879.jpg)
YOU ARE READING
Embracing The Rain (Rain Series #2)
Romance[COMPLETED] Second story out of Rain Series. Victoria Yllena Altarieno is a famous campus queen on Shamxia University. She has everything. Money, shelter, gadgets, cars, and even boyfriends. Oo may 's' talaga sa dulo dahil Victoria is a cerified pla...