Chapter 40
Three days have passed and I can say that... medyo humupa na ang issue ko kahit papaano. Wala na rin masiyadong nasasabi ang mga tao since I think naubusan na sila ng mga salitang gagamitin laban sa akin.
Iyon nga lang, hindi pa totally maganda ang takbo ng career ko right now. Cancelled lahat ng mga shoots ko—at saka na lang daw iyon itutuloy. Hindi pa sure kung kailan.
Honestly, that's kind of... a good thing for me. Finally, makakapagpahinga ako briefly from that toxic environment.
"Anong ginagawa mo rito?" Nagulat sila Jenna, Pat, Major, at Bryce nang makita ako sa harapan nila.
Sumadya talaga ako rito dahil gusto kong kausapin si Ridge tungkol sa pagpunta namin sa Batanes bukas. Hindi naman kasi nagbago ang isip ko. Gusto ko pa ring tumuloy. Hindi ko lang sasabihin kay William ang plano ko.
"Kausapin ko lang si Sir..."
Napatango-tango sila.
"Girl, rest day muna tayo, 'no?" Ani Bryce. "Grabe, postponed lahat ng projects and schedules..."
May issue din siya, as you know. Kaya tulad ko, makakapagpahinga muna kami from these kinds of shit.
"Sa labas na muna ako..." Bulong sa akin ni William.
I forgot that he's with me...
I giggled at my own thoughts.
I smiled at him. "Sandali lang 'to. Wait for me..."
He smiled back, kissed my cheeks, and left us.
Napangisi ako at muling binaling ang atensiyon ko sa apat kong kaibigan. Nalaglag ang kanilang mga panga because of what they have witnessed.
"What?" Painosenteng tanong ko.
They're thinking about us, probably!
"Okay? Hmm..."
"What the hell was that?"
"Suspicious..."
Humalakhak ako.
"Anong nangyari sa inyo?" Usiserang tanong ni Bry. "Bakit may pahalik-halik?"
"Huh? What do you mean?"
"Bodyguard mo iyon, duh!"
"Oo nga. Alam ko naman. Pero hindi ba... normal lang naman iyon sa mga in a relationship?"
"What?!" Sabay-sabay nilang tanong.
"Yes, guys."
They were all shocked, obviously. Siyempre, parang kailan lang ay nagra-rant pa ako sa kanila tungkol sa pag-ibig kong hindi masuklian ni William—which turned out to be false, anyway.
"What the fuck? Sayang!"
Pinagkunutan ko ng noo si Bry. "Anong sayang?"
"Balak kong agawin iyon sa'yo!"
Nanliit ang mata ko. "Sorry, taken na siya."
"Ano ba iyan? Bakit hindi ka man lang nagpakipot?" Ani Major. "He rejected you, right?"
"Magpapakipot pa ba ako? He said that he loves me too, so... anong magagawa ko?"
Nagtawanan kami.
"Pero seryoso... kayo na?" Tanong ni Pat.
Tumango ako. "Bakit ba parang ayaw niyong maniwala?"
"Hindi, ah!"
"Hmm... 'kay."
YOU ARE READING
Embracing The Rain (Rain Series #2)
Romance[COMPLETED] Second story out of Rain Series. Victoria Yllena Altarieno is a famous campus queen on Shamxia University. She has everything. Money, shelter, gadgets, cars, and even boyfriends. Oo may 's' talaga sa dulo dahil Victoria is a cerified pla...