Chapter 4

33 3 1
                                    

Chapter 4

"And after that... naabutan ko silang nagme-make out!"

I groaned.

Ang daldal talaga ng pinsan kong 'to. Ang sarap tapalan ng duct tape!

"Seryoso, Ate?" Si Leigh, nakatakip pa ang kamay sa bibig. "Paano kung may ibang makakita sa inyo? PDA kaya iyon!"

"Naku, baby Leigh." Si Scott. "Walang rules pagdating diyan sa ate mo. May sariling patakaran iyan dito sa school."

"Saan ka nakakita ng estudyanteng nagpaalam mag-cutting?" Nagpipigil ang tawang sabi ni Rhys. "That's weird. Ate mo lang ang ganoon..."

Nagtawanan silang lahat.

Ayaw naman nila akong bully-hin, eh?

I sipped some lemonade. "Seriously, guys... ako talaga ang topic ninyo?"

"Eh sino ba dapat? Ikaw lang naman ang ma-issue rito..." Si Vance na naman.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kanina ka pa, Vance, ah. Isusumbong na talaga kita kay Tito."

Itinikom niya ang bibig niya. "Sabi ko nga, titigil na."

Ngumisi ako. 

Takot lang niyang ma-ground!

"Guys, I have to say something."

Napalingon kaming lahat kay Leigh. She looks so serious.

"May nanliligaw sa'kin..."

Naibuga bigla ni Scott ang iniinom niyang tubig.

"Yuck!" Daing ko. "Fuck you, Scott Brently! You're so gross! Yuck!"

"Sorry." He said at nagpunas ng bibig. "Nagulat lang..."

"Tang ina?" Mura ni Vance.

"Seryoso?" Si Rhys.

"Oh my god... a miracle!" Si Shara.

Sabay-sabay na sinamaan ng tingin ng boys si Shara.

"Bakit?" Tanong naman nito.

"Iyan na lang ang pag-asa sa ating magpi-pinsan! Hindi pwedeng mabahiran ng kasalanan 'yan!"

Napailing ako. "Hindi ba pwedeng magbago? Grabe, ah..."

"Bakit? May plano ka bang magbago?"

Ngumiwi ako. "Just an example. I love myself."

"Hmm..." Si Shara. "Sasagutin mo ba, Leigh?"

"Huwag!" Sabay-sabay na sigaw ng tatlo.

"Bakit?" Inosenteng tanong ng pinsan ko. "Gwapo naman siya tapos cute. Mabait din..."

"Kahit kaya niya pang pahupain ang traffic sa EDSA, hindi mo siya pwedeng sagutin! Hindi ka pwedeng mag-boyfriend!" OA na ani Rhys.

Kinalabit ko siya. "Hindi tayo taga-Manila. Don't act as if you're affected sa traffic sa EDSA."

"That's just an example situation! Wala ka bang common sense, Victoria?"

"Hindi ako bobo..." Depensa ko.

"Hindi naman bobo ang sinabi niya..." Nagtatakang tanong ni Scott.

I rolled my eyes. "Parang ganoon na rin 'yon."

"Ah, basta! Sasagutin ko si Love. Gwapo, eh."

"Love?" Kunot-noong tanong ni Vance. "Hindi pa naman kayo... may tawagan na agad?"

"What? No..." Litong sabi ni Leigh. "Love ang pangalan niya. Love. Love Santos..."

I gave her a disgusted look. "Ang bantot naman ng pangalan. Love? Seryoso? Kailan siya pinanganak? February 14?"

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now