Chapter 33

20 2 0
                                    

Chapter 33

Nagising ako dahil sa biglang pagtunog ng aking cellphone. Nakapikit ko iyong kinuha mula sa side table at pinindot ang answer button.

Sino naman 'to? Ang aga-aga pa, eh!

"Hello, Miss Victoria..."

"Zyra?" I groaned at my personal assistant's voice. "Anong oras pa lang, ah? Bakit?"

Nakapikit pa rin ako habang nagsasalita. Hindi kasi ako makadilat dahil kumikirot ang ulo ko dulot ng hangover.

"I just want to inform you about your schedule this day-"

"Nang ganito kaaga?" I cut her off. "Seriously?"

She laughed. "It's already six, Miss. At may pasok kayo ng seven sa Shamxia-"

Mabilis akong napabalikwas ng bangon.

What the hell!

"Whole day?!" Gulantang pa rin ako.

Bahagya siyang napahalakhak. "Half day, Miss. This afternoon po kasi ang shoot ninyo sa commercial ng cologne, so..."

Napahilot ako sa sentido ko nang kumirot na naman ang ulo ko. "Okay, okay. What time exactly?"

"1 PM po ang shoot. Bawal daw ma-late sabi ni Direk."

I nodded. "Thank you..."

"Welcome, Miss."

Inis kong binato ang phone ko sa kama at nagmamadaling pumasok sa banyo. Sana lang ay may naka-stock akong uniform dito sa condo. Madalang lang kasi akong pumunta rito kaya wala akong masiyadong mga damit.

Hindi na ako nagtagal sa bathroom dahil maghahalughog pa ako ng uniform ko. Good thing, may nakita akong nakatupi sa closet.

Napasimangot ako nang makitang lukot 'yon, hindi pa napaplantsa.

Ugh! Kainis.

Nagmamadali ko 'yong pinasadahan ng plantsa, walang choice. Sumulyap ako sa wrist watch ko. 6:15 AM na.

Fuck this! Hindi ako pwedeng ma-late just like the old days!

Sinabunutan ko ang buhok ko.

Pagkatapos magplantsa ay sinuot ko na iyon agad. My uniform is all set. Matatagalan lang ako sa pag-aayos ng sarili ko. I mean... I'm already beautiful pero hindi kasi ako sanay nang wala akong make-up pagpasok.

I went to the kitchen. Naabutan ko si William doon na naghahain ng mga pagkain sa dining table.

Wait... saan kaya siya natulog kagabi? Sa couch? Hindi ko na kasi siya nakausap simula noong...

I shook my head.

Fuck. I don't want to bring it up again! It's embarrassing!

Nakakainis dahil naaalala ko pa rin 'yon. I wish I can just forget that scene in my mind! Bakit ba kasi ang talas ng memorya ko?

"Morning..." He said.

I just nodded and greeted him back.

"May pasok ka pala?"

"Yeah." Cool kong sagot.

I can feel the awkwardness between us. Mukhang nagsisisi na tuloy ako na nasabi ko 'yon kagabi.

Bakit ba kasi wala man lang filter 'yang bibig mo, Victoria?

I glanced at my wrist watch again. It's already 6:25. Mayroon na lang akong more than half an hour para mag-prepare.

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now