Chapter 29
"I don't understand why you keep on pursuing that girl..."
Umigting ang panga ng pinsan kong si Mikel.
"You don't need to understand. Nasaktan ko siya. Hindi man lang ako nakapagpaliwanag kung anong nangyari sa'min ni Janeia..." Naiinis niyang sagot.
Hanggang ngayon ay sinusubukan niyang lumapit kay Charmaine, ang best friend niya before na mahal na niya ngayon. Lumipat kasi ito ng eskwelahan matapos maka-graduate bilang tenth grade.
I kinda... like that girl's attitude. I mean... she's annoying pero it's amazing na palaban siya with limitations.
I don't have plans seeing Mikel today, actually. Nagkita lang kami sa coffee shop kung saan ko naisipang tumambay at mag-isip-isip.
"May kasalanan din naman siya." Nakangiwing sabi ko. "Hindi ka niya hinayaang magpaliwanag man lang..."
"I understand. Magiging sarado talaga ang isip ng kahit na sino kung ganoon..."
Napatango ako at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. "So... kamusta na kayo ng fiancé mo?"
Sumimangot siya. "Hindi ko siya fiancé."
Denial, eh? "In fairness kay Tita, napaka-advance niyang mag-isip. Hindi ka pa nagka-college... kasal na agad ang nasa isip."
Napailing siya. "Ewan ko ba..."
"Nagkanda-leche leche tuloy ang love life mo..."
Napahilamos siya ng mukha. "Sundan ko na kaya si Charmaine sa Manila?"
I sighed. "Kapag kayo, kayo talaga hanggang sa huli. Love will find a way."
"Hindi pwedeng iasa ko na lang sa ganiyan ang—"
"At ano? Sisirain mo ang pag-aaral mo?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. "You have your own life, Mikel. Spare yourself."
"Sa tingin mo ba ay makakapag-aral ako nang maayos kung ganitong... araw-araw ko siyang hinahanap?" He bit his lip. "I miss her so much..."
Love can really change a person... truly.
"Patay na patay ka sa kaniya, ano?"
"Kung alam mo lang..." Nagbuntonghininga siya. "Ang tagal-tagal kong naghintay. Ang tagal-tagal kong nagtimpi noong mga bata pa kami, tapos..."
Tinapik ko ang balikat niya at bahagyang sumipsip ng kape.
"Ikaw? Kamusta ka na?"
I shrugged my shoulders. "Okay pa..."
"Wala ka bang boyfriend man lang?"
I shook my head. "No time for that. Career over boys lang for me."
"That's nice..." He smiled.
Napangiwi ako.
Anong nice doon? Eh ilang taon na rin akong tigang!
"Siguro... full schedule ka na niyan?" Ngumisi siya. "Full time model and advertiser. Wow, just... wow."
I chuckled. "No. Actually, I'm going to Batanes the day after tomorrow." Dahil na-locate na sa wakas si Elmrix.
I feel so satisfied.
"Oh? Batanes?" His lips parted. "Vacation?"
"No..." Nangingiti kong sabi. "May aasikasuhin lang.."
"Paano na ang studies mo niyan?"
"Shamxia can understand. Besides, pwede naman akong mag-switch to home school."
YOU ARE READING
Embracing The Rain (Rain Series #2)
Любовные романы[COMPLETED] Second story out of Rain Series. Victoria Yllena Altarieno is a famous campus queen on Shamxia University. She has everything. Money, shelter, gadgets, cars, and even boyfriends. Oo may 's' talaga sa dulo dahil Victoria is a cerified pla...