Chapter 32

20 1 0
                                    

Chapter 32

Napakapit ako sa bowl matapos kong magsuka for the fourth time around.

I groaned.

Fuck. Nahihilo pa rin ako.

Ramdam kong inalalayan ako ni Leigh mula sa likuran ko.

"Ayos ka na ba, Ate?"

I just nodded. This is a disaster!

Ang simpleng birthday ng pesteng si Harhyson ay nauwi sa inuman. Akala ko, sandali lang kami iinom. But, guess what? Inabot kami ng 11 PM! At... nakaapat na bote agad kami ng whiskey!

Inayos ko ang damit ko. Nasa likod ko pa rin si Leigh habang inaalalayan ako. I feel so dizzy!

Ang tagal na kasi simula noong huli akong uminom ng alak kaya ganito kalala ang epekto nito sa'kin. I've been trying to be better recently-at heto ang kinalabasan niyon.

"Alam niyo, mga p-pinsan..." Ngingisi-ngising ani Rhys, siya ang pinakalasing sa amin ngayon. "Hindi ko naman talaga mahal 'yang si Kariza, eh!"

Namumungay ang mga mata ni Scott. "Huh? Bakit naging girlfriend mo?"

"R-Rebound siguro..." Gumegewang na naupo si Vance sa sofa.

"Rebound nga s-siguro si Kariza. Kasi, isa lang ang laman ng puso k-ko..." Nahihirapan nang magsalita si Rhys, namumuo na ang luha sa mata.

Namilog ang mata ko.

He's crying! I can't believe he's crying!

Nagkatinginan kami ni Shara.

Never in my life ko siyang nakitang umiyak sa harapan namin!

Napailing ako. Baka naman lasing lang talaga ako kaya kung anu-ano ang na-i-imagine ko?

"Hey..." Tinapik ni Scott si Rhys sa balikat. "Huwag ka ngang umiyak. Hindi siya worth it."

My cousin sarcastically laughed. "Pero... mahal ko pa rin talaga siya."

"It doesn't matter! I-focus mo na lang ang atensiyon mo kay Kariza. Siya ang girlfriend mo, hindi ba?"

Pagod na tumango si Rhys.

"Men are solid lovers..." Mayabang na sumagot si Scott. "Ang t-tagal natin bago... makamove-on. Samantalang 'yang mga babae, wala pang isang linggo, may kapalit na kaagad!"

Agad na sumabat si Shara, lasing na rin ang gaga. "Hoy, Scott Brently! Kung makapagsalita ka nang ganiyan, parang hindi ka playboy, ah! Eh halos araw-araw nga may bago kang b-babae!"

He just chuckled. "Still, we can't move on... that... fast."

"So..." Namewang ang mataray kong pinsan. "Sinasabi mo bang... mas madaling mag-move on ang mga babae kaysa sa mga lalaki?"

Tumango lang si Scott. Maya-maya'y mukhang nahimasmasan siya dahil bigla siyang binatukan ni Shara.

"Hmm! Gago." Pipikit-pikit na rin si Shara. "Akala mo... ganoon lang kadali sa'min 'yon?!"

"Ang sakit naman." Napahimas si Scott sa batok niya. "Nawala yata ang kalasingan ko."

"Don't generalize women kasi, Kuya Scott." Sumabat na si Leigh na siyang pinakamatino sa'ming lahat dahil nakatatlong maliit na lagok lang yata siya ng whiskey. "Iba-iba kami ng characteristics, 'no..."

"Bakit? Kami ring mga lalaki, ah!" Protesta ni Vance. "Porke't mga babae kayo, feeling niyo siguro kayo ang laging t-tama!"

Leigh rolled her eyes. "Eh 'di wow, Kuya. Bahala ka riyan..."

Embracing The Rain (Rain Series #2)Where stories live. Discover now