Lisa's POV
"Ano Lisa? Pakiulit nga? Anak ko lang?" nanigas ako ng marinig ko ang boses ni Jennie. Dahan dahan akong lumingon sa may pintuan at bumungad sa akin ang asawa ko na nakahalukipkip, matalim ang mga titig na ipinupukol nito sa akin.
"Mommy/Tita Jen" masayang sabi ng dalawang bata, malawak nyang nginitian ang mga ito. Napakadaya talaga ng babaeng to sa mga bata ang bait nya samantalang pagdating sa akin nagiging dragon sya na handa ng bumuga ng apoy ano mang oras.
"An..anong gina..gawa mo dito Love?" utal utal kong tanong sa kanya, sunod sunod na paglunok ang ginawa ko. Sobra sobrang nerbyos ang nararamdaman ko sa mga oras na to.
"Masama bang dalawin ko ang anak ko?" may diin ang pagsambit nya sa salitang anak ko habang nakataas ang kilay, agad akong umiling sa kanya. Inirapan nya ako at pumasok sa loob dumiretso ito sa gawi ng mga bata, hinalikan nya ang mga ito sa pisngi.
"Love" malambing kong saad, akmang lalapit na ko sa kanila ng bigla syang nagsalita.
"Labas" maikli nitong sabi habang nasa mga bata ang kanyang tingin.
"Love naman let me explain first" pagmamakaawa ko sa kanya.
"Labas" walang ekspresyon nyang sambit habang nakatingin na sa akin, galit na ang dragon. Napalunok ako at napakamot ng kilay. Agad akong tumayo, sinulyapan ko si Liam nakangisi ito sa akin habang kinakaway ang kanyang maliit na kamay na tila namamaalam. Tinalikuran ko sila at nagsimula ng maglakad papalabas, marahan kong sinara ang pinto at naupo sa isang tabi. Nakasimangot na pinagdikit ko ang tuhod ko at ipinatong ang baba ko rito. Napapatingin sa gawi ko ang mga dumadaang empleyado, nababakas sa kanilang mukha ang labis na pagtataka. Sa bagay sinong hindi magtataka kung makita mong nakaupo sa sahig ang CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo.
"May araw ka din sa akin Liam" mahinang bulong ko hangin. Maya maya pa ay dumating na ang tatlo na may mga dalang take out ng pagkain para sa tanghalian.
"Bakla ka anong ginagawa mo dyan?" natatawang tanong agad ni Kai ng mabungaran nila ako na nakaupo sa sahig.
"Yung witch sa loob pinalabas ako" nakasimangot kong tugon sa kanya.
"Oh nandyan si Kumander" nakangising sambit muli ni Kai.
"Paano yan Dude outside the kulambo ka na naman mamayang gabi" sambit ni Jeongyeon na sinundan nila ng malakas na tawa.
"Lisa wag kang mag-alala ipapahanda ko na ang sala" mapang asar na sabi ni Jisoo at marahang tinapik ang balikat ko.
"Gora na kami sa valor ng dragon, yung para sayo ibibigay na lang namin kay kumareng Jennie. Baka maboom boom pow kami ng asawa mo kapag isinama ka namin sa loob, sayang beauty ko naka preserve pa to sa pagkikita namin ni oppa D.O" malanding himig ni Kai habang naglalakad papasok sa loob.
"Pasensya ka na Lisa mahal ko pa ang buhay ko" nakangising sambit ni Jisoo at pumasok na din sa loob. Napatingin ako kay Jeongyeon, agad itong nag iwas ng tingin.
"Dude ipagdadasal na lang kita" mahina nitong sambit bago ako iwan at tuluyang sumunod kina Jisoo papasok ng opisina ko. Napabuga ako ng hangin, nakaramdam ako ng gutom naalala ko hindi nga pala ako nag almusal kanina. Napailing ako ng wala sa oras, iba talaga magalit ang maliit na dragon.
Jennie's POV
"Did you already had your lunch babies?" tanong ko kay Liam at Claire, naka upo ako sa sofa habang tiningnan silang dalawa na abala sa pagkukulay. Sandaling itinigil ni Liam ang ginagawa nya at tumingin sa akin.
"Not yet Mommy, Dada is busy talking to Tita Chu, Tita Joyo and Tita Kath" pagsagot ni Liam sa akin. Napakamot ako sa batok ko, lampas 12pm na hindi pa rin pinapakain ni Lisa ng tanghalian ang mga bata.
"Okay give me a second Mommy will order some food" nakangiti kong sabi sa kanila, tanging tanggo lang ang sinagot ng mga bata sa akin. Tumayo ako at nagpunta sa table ni Lisa, kinuha ko ang telepono pero bago pa man ako makapag-dial biglang bumukas ang pinto at iniluwa sina Kai, Jisoo at Jeongyeon may bitbit ang mga ito na plastic na may lamang pagkain.
"Mama" salubong ni Claire kay Jisoo, niyakap nya ito at nagpakarga. Hinalikan naman ni Jisoo ang pisngi ni Claire.
"Hi Tita Joyo, Tita Kath" bati naman ni Liam kina Jeongyeon at Kai. Binaba nila sa lamesa ang mga dala nilang pagkain, agad kinarga ni Jeongyeon si Liam.
"Hoy bruha ka bakit nasa labas ang asawa mo?" natatawang tanong ni Kai sa akin.
"Hayaan mo syang manigas sa labas" nakasimangot kong tugon.
"What the.. Liam, Claire saan nyo nakuha ang mga folders na to?" mahinang tanong ni Jeongyeon habang nasa kamay nya ang mga papel na kaninang kinukulayan ng mga bata.
"I got them from Dada's table Tita Joyo. Can you see our masterpiece, it's awesome right" pagmamalaking tugon ng anak ko.
"Presentation namin to para bukas" mangiyak ngiyak na sambit ni Jeongyeon, napangiwi ako siguro yun ang dahilan kung bakit sumisigaw si Lisa nang dumating ako kanina. Nakonsensya ako sa ginawa ko kay Lisa, agad akong tumayo.
"Pupuntahan ko lang si Lisa sa labas pakibantayan muna si Liam" pamamaalam ko sa tatlo.
"Wag na girl kami na lang ang lalabas papasukin namin si Lisa dito kawawa naman parang bata na iniwan ng nanay doon sa labas. Hiramin namin si Liam doon na lang kami kakain sa opisina ni Jeongyeon" mahabang suhestyon ni Kai na agad ko namang sinang ayunan. Mabilis silang lumabas ng opisina ni Lisa dala sina Liam at Claire. Maya maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Lisa, dirediretso lang itong nagtungo sa lamesa nya at tahimik na umupo roon.
"Psstt.. Love" pagtawag ko sa pansin nya, hindi nya ko nilingon tuloy lang sya sa pagbabasa ng mga files na nasa ibabaw ng lamesa nya.
"Isa Li...saaa" pagtawag ko ulit sa pansin nya.
"Hmm" tugon nya habang nasa mga files pa rin ang kanyang tingin.
"Bahala ka aalis na lang ako" nakasimangot kong turan at naglakad ng dahan dahan papunta sa may pintuan, hinihintay ko kung pipigilan nya ba ako pero nagkamali ako wala akong narinig na kahit na anong pagtutol mula sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, umupo ako sa sahig at umiyak.
"Hindi mo na ako mahal, siguro may iba ka na" humihikbi kong sambit sa harap nya, itinakip ko ang aking mga palad sa aking mukha. Maya maya ay naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere, pinasan ako ni Lisa. Dahan dahan syang umupo sa sofa habang naka kandong ako paharap sa kanya.
"May saltik na naman po ang mahal ko" nakangiti nyang sabi habang pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi.
"Nakakainis bakit hindi kita matiis dapat galit ako sayo eh" pagrereklamo nito sa akin na agad kong ikinangiti.
"Kasi mahal mo ko" nakangiti kong turan sa kanya.
"Sobra" maikli nyang tugon sa winika ko. Sa simpleng salitang lumabas sa bibig nya ay ang paggapang ng kilig sa buo kong katawan.
"Ilang beses ko pa bang kailangang ulit ulitin na wala na akong balak maghanap ng iba kasi sa piling mo lang kontento na ko" malambing nyang sambit habang nakangiti.
"Hmmpp.. bola Manoban" kinikilig kong wika sa kanya at marahang hinampas ang kanyang dibdib.
"Itanong mo sa akin. Kung sino ang aking mahal?
Itanong mo sa akin. Sagot koy 'di magtatagal" pagkanta nya sa harap ko habang nakatitig sya sa aking mga mata. Matagal tagal na din ng huli nya kong kantahan."Ikaw lang ang aking mahal. Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan. Ang aking tunay na nararamdaman" nakangiti lang ako habang nakatitig din sa kanya, bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko."Isa lang ang damdamin. Ikaw lang ang aking mahal
Maniwala ka sana. Sa aki'y walang iba" marahan nyang pinagdikit ang aming mga noo, unti unti kong ipinikit ang aking mga mata upang damhin ang kilig at saya na nararamdaman ko sa mga oras na to."Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran
At kahit sa'n pa man. Ang aking isisigaw
Si Jennie Kim ang aking mahal" ramdam ko ang sinsiredad sa bawat salita na binibigkas nya, puno ito ng pagmamahal."Mrs. Jennie Ruby Jane Kim Manoban mahal kita" mahina nyang sambit.
"Mahal din kita" maikli kong tugon at pinaglapat ang aming mga labi.