Chapter 49

2.2K 80 7
                                    

"Bakit kailangan mong gawin yun?" takang tanong ni Kai kay Jeongyeon, matapos nilang umalis sa inuman ay napagpasyahan nilang hindi muna umuwi sa bahay. Nakaupo sila ngayon sa tabing dagat, hindi uminom si Kai samantalang si Jeongyeon ay naka tatlong bote ng lambanog kanina.

"Ang alin?" maikling sagot ni Jeongyeon habang nakatitig sa dagat.

"Bakit kailangan mong tanggapin ang hamon ni Sana?" muling tanong ni Kai. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ni Jeongyeon bago harapin ang naka kunot noong si Kai.

"Simple lang, ayaw ko kasing mawala ka Kai" pag-amin nito, seryoso ang mukha ni Jeongyeon habang binibigkas ang mga salitang iyon. Napamaang si Kai sa kanyang mga narinig mula mismo sa bibig ni Jeongyeon.

"Sa mga panahong hindi ko na alam kung sino ako you was always there. Oo aaminin ko hanggang ngayon half of me is still aching because of what Nayeon did but I guess hindi naman agad agad mawawala yung sakit lalo na kung alam mo na ginawa mo ang lahat para sa kanya" saad nito, isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan muna nito bago muling nagsalita.

"Pero as the days go by I realize something, na hindi ko na pala sya mahal. Maybe nanghihinayang lang ako sa memories but I don't love her anymore and it was because of you Kai"

"Ako? Paanong ako?" takang tanong ni Kai habang nakaturo sa kanyang sarili.

"You showed me one important thing Kai that no one has ever been able to show me before. Not that I'm beautiful, not that I'm smart, not that I'm sweet, none of that. You showed me something more important than any of those things. You showed me that I was important, that there is a reason why I have to fight. You made me feel like the world was lucky to have me and I don't know if anyone will ever make me feel that way again" mahabang paliwanag ni Jeongyeon.

"Honestly, I don't know what to say right now Jeongyeon. I can't think straight" nalilito at naguguluhang sagot ni Kai, first time na may nag confess sa kanya at sa hindi inaasahan kaibigan nya pa ang taong ito.

"It's fine, we don't need to rush things" naka ngiting saad ni Jeongyeon.

"Pwede humingi ng pabor?" dugtong na tanong pa nito.

"Sige hangga't kaya kong gawin bakit hindi" sagot ni Kai.

"Can I lay my head in your lap?" nag-aalangang tanong ni Jeongyeon. Napangiti naman si Kai, hindi nito akalain na magkakaroon sila ng ganitong ugnayan. Agad nitong inayos ang kanyang pagkakaupo saka mahinang tinapik ang kanyang mga binti.

"Halika, sulitin mo na habang libre pa" natatawa nyang saad.

Mabilis namang humiga roon si Jeongyeon saka naka ngiting pinagmasdan ang mga bituin sa malawak na kalangitan.

"I don't know where I'm gonna be five years from now, but I will pray to God it's somewhere with a beautiful view and beside you" malambing na saad nito saka unti-unting inabot ang pisngi ni Kai gamit ang isa nyang daliri.

"Seryoso ka ba o baka naman bored ka lang?" tanong ni Kai sa babaeng nakahiga sa kanyang mga binti.

"Sa tingin mo ba tatanggapin ko ang hamon ng Sana na yun kung hindi ako seryoso sayo, bakit kailangan pa kitang pag-aksayahan ng oras at panahon kung hindi ka mahalaga" nakasimangot na sagot ni Jeongyeon

"Hindi ka pa rin naniniwala? Kailangan pa ba kitang halikan?" seryosong tanong ni Jeongyeon, agad naalarma si Kai at mabilis na tinakpan ang bibig nito gamit ang isa nyang palad.

"Ayyssttt.. oo na naniniwala na"

"Bakla ka pala eh takot kang mahalikan ng babae" kantyaw ni Jeongyeon.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon