Chapter 4 (Another Blessing)

4K 83 3
                                    

Lisa's POV

"Lisa bantayan mo mabuti sina Leo at Liam" bilin sa akin ng asawa ko habang nginunguso ang dalawa, akay ko si Leo habang karga ko naman si Liam.

"Yes boss" nakangiti kong tugon sa kanya, tanging tango lang ang sinagot nito sa akin at naglakad na habang karga si Laureent na nakasakay sa baby carrier. Pumasok kami sa isang amusement park bakas sa mukha ng mga bata ang labis na excitement.

"Dada we will ride that right?" tanong ni Liam habang nakaturo sa roller coaster.

"Yes baby" tugon ko sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Dada can you put me down I want to walk too just like kuya Leo" sambit ni Liam habang nagpupumiglas, wala na din akong nagawa kundi ibaba sya at akayin na lamang.

"Dada we will ride the ferris wheel first" sambit naman ni Leo habang nakaturo sa umaandar na ferris wheel.

"No we will ride the roller coaster first" reklamo ni Liam.

"I am the eldest so I will decide on what ride we will go first" malumanay na paliwanag ni Leo, tumigil sa paglalakad si Liam at hinarap ang kuya nya.

"Nooooo" himutok ni Liam, malapit nang magdikit ang kanyang mga kilay at handa ng suntukin si Leo.

"We will try all the rides here" pagsabat ko sa kanila ngunit tila wala ang mga itong narinig nagsukatan sila ng tingin. Umupo ako kalebel nilang dalawa sinulyapan ko muna si Jennie na nauuna nang maglakad sa amin.

"Enough guys, do you want me to call Nini the witch. She will eat you alive I swear" pabulong kong pananakot sa kanila. Hininaan ko ang pagsasalita para hindi marinig ni Jennie, gusto ko pang mabuhay ng matagal. Umiling ang mga ito at agad nag iwasan ng tingin sa isa't isa.

"Don't fight again okay" turan ko na ikinatango nilang dalawa.

"Sorry kuya Leo" mahinang sambit ni Liam, lumapit ito sa kuya nya at agad yumakap niyakap naman ito pabalik ni Leo ng mahigpit. Napangiti ako sa nasaksihan ko, hinawakan kong muli sila at inakay sabay sabay kaming naglakad.

"Dada" tawag ni Liam sa akin agad ko syang nilingon.

"Yes baby?" tugon ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Did Mommy know about the witch Nini?" seryoso nitong tanong sa akin, hindi ako nakatugon sa kanya.

"Liam Dada didn't know much better if we ask Mommy later" pagsabat ni Leo na agad kong ikinaputla.

"Don't, if Nini the witch find out that your Mommy already knows about her she will eat your Mommy alive. Do you want that to happen?" pagpigil ko sa gusto nilang gawin, kapag nalaman ni Jennie sigurado akong hindi na ako sisikatan pa ng araw.

"We don't want to lose Mommy" sagot ni Liam.

"So let's keep it a secret, just between the three of us okay?" kabadong tanong sa kanila.

"Okay Dada" sabay nilang tugon, nakahinga ako ng maluwag. Thank you Lord safe ako sa maliit na dragon. Makalipas ang ilang minutong paglalakad napagpasyahan na sa roller coaster muna unang isasakay ang mga bata.

"Are you sure you can ride to this my babies?" huling tanong ko kina Liam at Leo nakasakay na kaming tatlo sa roller coaster. Hindi sumakay si Jennie nasa baba lang ito habang karga pa rin si Laureent.

"Yes Dada we sure we can" sagot nilang dalawa.

"Okay hold my hand later if you guys start to feel nervous" pagbibigay ko ng instruction sa dalawang bata. Mabagal na nagsimulang umandar ang sinasakyan namin hanggang sa bumilis ito. Masayang kumaway ang mga bata kay Jennie. Ilang minuto din kaming nakasakay at mabilis na  nagpaikot ikot sa ere, bakas sa mukha ng dalawa kong anak ang labis na saya. Maya maya pa ay unti unti na ding tumigil ang sinasakyan naming roller coaster mabilis na bumaba ang dalawa at parang walang nangyaring nagtungo sa pwesto ni Jennie samantalang ako hilong hilo at gusto nang masuka. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanila pakiramdam ko tutumba ako ano mang oras.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon