Lisa's POV
"Gusto mo?" naka ngiting tanong ni Isay habang may hawak na isang disposable cup na may lamang pritong crickets o yung mga kuliglig, napalunok ako at saka mabilis na umiling. Kamaru daw ang tawag doon sabi nya kanina hinuhuli daw ang mga kuliglig na ginagawang kamaru sa mga palayan kaya safe kainin, pasimula ng sunduin ko sya sa munisipyo ay hinila nya ko papasok dito sa loob ng palengke kung sa maynila may night market aba meron din pala dito sa isla at iba't ibang mga pagkain ang tinitinda nila rito. Mga pagkaing hindi ko pa nakikita at hindi ko kilala. Nakita ko kung paano isawsaw ni Isay sa suka ang isang pirasong kamaru, napa ngiwi ako ng isubo nya yun at saka nginuya nguya habang nakapikit.
"Ahhhh" wika nito saka itinutok sa bibig ko ang lutong insekto, sweet sana eh kaso yung sinusubo nya parang hindi ko kayang kainin.
"Hindi mo ibubuka ang bibig mo!" may diin nitong sabi ng hindi ako tumugon. Hindi ko mawari kong ibubuka ko ba ang bibig ko o papanatilihin ko lamang itong naka tikom. Hindi ko alam kung kanino ba dapat akong matakot, sa dragon bang si Isay o sa kawawang cricket pero sa huli ay muli akong umiling bilang sagot.
"Isa Lisa, nangangalay na ko. Kakainin mo to o makikipaghiwalay ako sayo" may pagbabanta sa tono ng kanyang boses. Nanlaki ang mga mata ko, seryoso ba sya kakasagot nya lang sa akin kanina makikipaghiwalay na agad sya sa akin.
"Seryoso ako Lisa kung di mo ibubuka yang bibig mo pasensyahan tayo" naka ngisi nitong sambit, napakamot ako ng batok iba talaga kapag may girlfriend kang magaling mang blockmail.
"Ito na oh, kakainin ko na yan" napipilitan kong sambit saka ibinuka ang aking bibig. Napapikit ako ng lumapat sa dila ko ang basang kamaru. Naka ngiwi kong nginuya ang isinubo ni Isay, naka ngiti naman ito habang masaya akong pinagmamasdan.
"Sige Lisa kaya mo yan, konting nguya pa. Sige na lunukin mo na" bulong ng aking isipan habang nasa bibig ko ang kamaru. Pinilit kong lunukin ang pagkain na iyon, medyo malasa naman sya kaso hindi pa din maaalis sa utak ko na kuliglig yung kinakain ko sa mga oras na to.
"May.. may tubig ka ba dyan?" alinlangan kong tanong sa kanya, gusto kong masuka hindi ko kinakaya ang mga nangyayari. Agad nya kong inabutan ng tubig, mabilis kong tinunga ang laman ng bote.
"Masarap naman diba?" naka ngiti nitong tanong pagkatapos kong uminom, nakikita ko na masaya si Isay kaya agad akong tumango kahit labag sa loob ko.
"At dahil dyan halika bili ulit tayo, libre ko" sabay tayo nya at agad akong hinila patayo para pumunta ulit doon sa tindahan ng kamaru.
"Sandali Isay" pagpigil ko sa kanya, tumigil naman ito at humarap sa akin.
"Uhmmm.. bakit?" takang tanong nya.
"Pwede bang ibang pagkain naman ang tikman natin hehe" wika ko sa harap nya, ayaw ko na kumain ulit ng kamaru. Baka may ibang masarap na pagkain yun na lang sana kawawa naman ang mga kuliglig, kumukonti na ang populasyon nila.
Sandali itong natahimik at tila nag-iisip, pinagmasdan ko lamang sya habang nakahawak ang isa nitong kamay sa kanyang baba. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko magmula ng dumating kami rito sa isla at natuklasan na buhay ang mag-iina ko. Gusto ko na silang i-uwi sa syudad at ibigay ang lahat ng nararapat sa kanila na pinagkait ni Nayeon sa loob ng dalawang taon lalong lalo na sa dalawa kong anak. Pupunan ko ang lahat ng pagkukulang ko at ang mga panahong dapat na masaya kaming magkakasamang mag-anak.
Maya maya pa ay naramdaman ko na pinagdaop nito ang aming mga palad at saka ako hinila patungo sa gusto nyang puntahan. Napangiti ako habang nakatingin sa aming magkalapat na mga kamay, hindi ko inaaasahang mangyayari pa ang mga bagay na ganito. Kung kailan malapit ko nang matanggap na wala na talaga silang tatlo ay saka naman sila ipinakita sa akin ng tadhana bawing bawi ang lahat ng pagdurusa at sakit na naramdaman ko noon.