Lisa's POV
"Hay sa wakas nandito na tayo sa isla" masayang saad ni Kai habang papadaong ang bangkang sinasakyan namin sa dalampasigan ng islang napili naming tulunganan maghahapon na ng marating namin ang lugar. Magkakasama kami nina Jisoo, Chaeng, Kai, Jeongyeon at Irene na nagtungo rito. Nagsama din kami ng dalawang doctor at tatlong nurse para mag-assist sa lahat ng mga taong nakatira rito sa isla, nagdala din kami ng mga pagkain para sa lahat at mga laruan para sa mga batang naririto. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, hindi naman namin first time mag conduct ng medical mission pero bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Huminga muna ako ng malalim bago bumaba ng bangka, naka ngiti kaming sinalubong ng mayor ng isla.
"Magandang hapon ho sa inyo Miss Manoban, salamat naman ho at nakarating kayo ng ligtas" naka ngiti nitong salubong sa grupo namin at isa isa kaming kinamayan.
"Lisa na lang po Mayor" ganting ngiti ko sa kanya saka tinaggap ang kanyang kamay.
"Halina ho kayo at makapagpahinga at makakain, alam kong pagod kayo sa paglalakabay papunta dito sa amin" pag anyaya nito sa amin saka kami iginaya papunta sa bahay na tutuluyan namin ng pitong araw.
"Ka Berting" tawag ni Mayor sa isang matandang lalaki na sa tansya ko ay nasa limampu pataas ang edad.
"Bakit ho Mayor?" tanong nito habang lumalapit sa gawi namin.
"Sila nga pala ang grupo nina Miss Manoban. Dito muna sila mamamalagi ng isang linggo. Sila ang tutulong sa atin para sa kailangan nating pang mediko at mga gamutan" pagpapakilala sa amin ni Mayor kay Ka Berting.
"Ay sya nga ho, maraming salamat ho sa tulong ninyo sa amin dito sa isla" masayang turan ni Ka Berting sa harap namin.
"Walang anuman po, masaya po kaming makatulong sa inyo" naka ngiti namang sagot ni Irene.
"Ay sya halina kayo at dadalhin ko kayo sa bahay na tutuluyan ninyo habang kayo ay naririto sa amin" muling paanyaya ni Mayor sa amin saka bumaling muli kay Ka Berting.
"Ka Berting kayo na ang bahala sa ibang gamit, dalhin nyo na lamang doon" huling saad nito saka unang naglakad paalis. Sumunod naman kami sa kanya, habang naglalakad kami papunta sa bahay na tinutukoy nya ay matyaga akong nagmasid masid sa kapaligiran. Napaka aliwalas ng simoy ng hangin at napaka pino ng buhangin na aming natatapakan. Napakalinis tingnan ng buong isla at halata mong naaalagaan ang buong kapaligiran. Nilinga linga ko ang aking paningin at napansin ko na napaka busy ng mga taong naka tira rito, abala ang lahat sa kanya kanya nilang ginagawa ngunit magkaganun pa man ay bakas pa rin sa mga ito ang saya. Ni isa sa kanila ay hindi nababakasan ng kahit ano mang pagod, naka ngiti nila kaming hinaharap habang dumadaan kami sa kanilang harapan. Nasa unahan si Irene at kausap si Mayor habang naka sunod naman sa kanya sina Kai at Jeongyeon na matamang nakikinig. Sina Jisoo at Chaeng naman ay abala sa pagkuha ng mga larawan samantalang ako ang nasa huli at tahimik na naglalakad habang nagmamasid pa rin. Sa aking paglalakad ay agad akong napatigil para hanapin ang cellphone ko sa aking bag, kukumustahin ko ang dalawang bata na naiwan ko. Nang mahanap ko na ito ay agad akong nag angat ng tingin at napansin na medyo malayo na ang agwat sa akin nina Chaeng kaya agad akong tumakbo para sana makahabol ngunit hindi ko napansin ang isang batang lalaki na tumatakbo din sa harap ko. Nabangga ko ito ng hindi sinasadya na agad nitong ikina upo sa buhangin.
"Boy okay ka lang?" tanong ko agad sa bata saka lumuhod sa harap nya naka yuko ito at hindi nagsasalita na agad kong ikinaalarma.
"Boy may masakit ba? Pasensya ka na hindi ko naman sinasadya na maba.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag angat ito ng tingin. Unti unting kumabog ang dibdib ko ng makita ko ang mukha ng batang lalaki.
"Okay lang po ako mam, pasensya na din po kung nabangga ko kayo" naka ngiti nitong sambit saka agad na tumayo.
"Sige po, pasensya na po ulit" dugtong pa nito at tuluyan ng tumakbo papalayo. Hindi ako nakagalaw, ang batang yun kamukha nya ang anak kong si Leo. Kung paano ito ngumiti ay kawangis na kawangis ni Leo. Kung susumahin ay ka edad nito ang anak ko kung nabubuhay pa ito.
"Lisa" pagkuha ni Chaeng sa aking pansin. Mabilis akong tumayo sa pagkakaluhod at mariing ipinikit ang aking mga mata para pigilan ang mga luhang nagbabadya na sa pagtulo. Agad kong iwinaksi sa aking isipan ang imahe ng batang lalaki, siguro ay sa pagkasabik ko sa mga anak ko ay kung anu ano na ang pumapasok sa aking utak. Siguro ay kamukha lamang nito ang aking anak.
"Pasensya na may nabangga lang akong bata. Halika na" naka ngiti kong baling sa kanya, kahit may alinlangan sa kanyang mukha ay agad naman itong tumango at nagsimula ng maglakad. Agad akong sumunod sa kanya saka naglakad patungo sa bahay.
~
Mag aalas siete na ng gabi ay hindi pa rin ako dalawin ng antok kahit anong baling ko sa aking higaan ay hindi ako makatulog. Sinilip ko sa kabilang higaan sina Kai at Jeongyeon mahimbing na ang mga itong natutulog, kanina pa kami nakapag hapunan. Tatlo ang kwarto dito sa bahay na pinagamit sa amin, kaming tatlo nina Kai ang magkakasama, sina Chaeng, Jisoo at Irene naman sa isa samantalang sama sama naman sa isang kwarto ang dalawang doctor at tatlong nurse na kasama namin, malaki ang kwartong inaakupa ng mga ito kaya siguradong kasya sila doong lima.
Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga at napagpasyahang lumabas para maglakad lakad sa tabi ng dagat. Sinilip ko muna ang dalawa kung tulog na ba ang mga ito at ng masiguro ko na mahimbing na ang mga ito ay dahan dahan akong nagsuot ng jacket at naglakad papalabas patungo sa dalampasigan. Mariin kong pinagmasdan ang bilog na buwan, napaka kalma ng kalangitan sari saring mga bituin ang aking natatanaw mula sa pinaka maningning hanggang sa pinaka malaki. Tanging huni ng mga kuliglig at paghampas ng alon ang aking naririnig. Sa di kalayuan ay may nahagip ang aking mga mata na bulto ng dalawang tao, isang babae ang naglalakad mula sa isang bangka habang karga ang isang batang lalaki. Nagtatawan ang mga ito at masayang nagke-kwentuhan, sumulyap ang mga ito sa gawi ko saka naglakad muli papalayo. Napanganga ako at nagulat sa kanilang mga mukha.
"Jennie? Liam?" wala sa sariling natanong ko ang aking sarili. Kahawig ng babae si Jennie habang ang batang karga naman nito at may hawig kay Liam. Agad akong tumayo at mabilis silang sinundan, malayo na ang agwat ng mga ito sa akin kaya lakad takbo ang ginawa ko para masundan ang mga ito.
"Jennie... Liam..." pagtawag ko sa kanila habang tumatakbo, kung gaano ako kabilis tumakbo ay ganun din kabilis ang ginawa ng mga itong pagtakbo papalayo. Sa kakatakbo ko ay hindi ko napansin ang isang batong naka usli sa buhangin dahilan para masubsob ako sa buhanginan. Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang sarili ngunit sa pagtunghay ko ay nawala na ang babae at ang batang hinahabol ko mula kanina. Inikot ko ang aking pangingin ngunit wala na akong naaninaw ni kahit isang anino. Mariin kong kinurap kurap ang aking mga mata saka ito kinusot kusot, totoo ba ang nakikita ko o ilusyon ko lang lahat ng ito.