"Naynay" sigaw ng isang batang lalaki habang tumatakbo papalapit sa isang babae na kabababa lamang ng bangka dala ang isang balde na may lamang isda. Halos araw araw ay sumasama ito sa pangingisda upang may maipangtustos sa gastusin nila sa pang araw araw na pamumuhay at may maipangdagdag sa kanyang iniipon na pang pamasahe para maka alis na sila sa lugar na iyon.
"Mag ingat ka" sigaw ng babae pabalik sa bata habang matuling naglalakad para ito ay salubungin.
"Naynay madami kang huli?" masayang tanong sa kanya ng bata nang nagtagpo silang dalawa saka sinipatsipat ang laman ng balde.
"Medyo madami dami din nahuli si Naynay" naka ngiti nitong sambit saka ibinaba ang bitbit nyang balde at kinarga ang bata na nasa anim na tanong gulang.
"Nakikita mo ba yung batyang buhat nina Tatay Berting?" tanong ng babae sabay turo sa dalawang lalaki na nagbababa ng mga batyang may lamang isda galing sa bangka.
"Opo Naynay" sagot naman ng bata habang tumatango.
"Si Naynay ang nakahuli sa mga isdang nasa loob ng batyang yun" pagmamalaki nya sa harap ng bata saka ginulo ang buhok nito.
"Talaga Naynay?" hindi makapaniwalang saad ng bata habang nagniningning ang kanyang mga mata.
"Oo naman ginalingan talaga ni Naynay ang panghuhuli para madami kang makain na isda at para na din marami tayong maibenta sa palengke" saad nito sa bata at saka hinalik halikan ang bawat parte ng katawan nito. Agad na bumunghalit ng tawa ang batang lalaki ng mapadapo ang kanyang mga halik sa kilikili nito, tirik na ang araw at pasado alas diyes na ng umaga. Ilang oras din pala silang namalagi sa dagat nina Mang Berting.
"Pinaliguan ka na ba ng Mama mo?" maya maya'y tanong nya sa bata pagkatapos nya itong kilitiin.
"Opo Naynay, naligo na ako kasama si Kuya kanina" masayang tugon ng bata.
"Nasaan pala ang Kuya Matthew mo?" tanong nyang muli, agad na nag-isip ang batang lalaki habang pinapalobo ang kanyang isang pisngi, tumingin ito sa babae ng naka ngisi.
"Yahh.. Mateo ang tagal mo namang sumagot" nailing iling na turan nito sa kalokohan ng bata.
"Kasama ni Mama si Kuya Matthew kumukuha sila ng mga gulay na ibebenta sa palengke Naynay. Hindi nila ako sinama, utos kasi ni Mama na bantayan po kita dito sa tabi ng dagat" sagot ng bata. Agad tumango tango ang babae senyales na naiintindihan nya ang sinabi nito.
"Anak" pagkuha ng isang matandang lalaki sa atensyon ng babae at ng bata na masayang nagtatawanan.
"Tay" naka ngiting baling ng babae kay Mang Berting habang pasan pa rin ang batang lalaki.
"Isasama na ba namin sa sasakyan ang mga nahuli mong isda?" agad na tanong ni Mang Berting pagkalapit nya sa dalawa.
"Opo Tay. Kayo na po ang bahala sa bentahan gaya ng dati sa inyo na ang kalahati" naka ngiting tugon nito na ikina ngiti din naman ni Mang Berting. Agad nagpaalam ang matanda sa dalawa at masayang umalis upang ihatid sa palengke ang mga isdang kanilang nahuli ngayong araw. Marahan namang ibinaba ng babae ang bata sa pagkakarga at saka binuhat ang balde sa isa nyang kamay habang ang isa naman nyang kamay ay nakahawak sa kamay ng bata.
"Halika ka na Mateo puntahan na natin ang Mama at ang Kuya mo siguradong nasa bahay na sila ngayon" masayang baling nito sa bata at nagsimula na silang maglakad papauwi patungo sa kanilang bahay na yari sa pawid at mga reta retasong tabla na pinagdugtongdugtong para gawing dingding.
Lisa's POV
"Laureent, Jazzy... naaasaaan kaaaayyyooo? Andito na si Dada" sigaw ko sa buong kabahayan matapos kong itunghay ang aking ulo mula sa pagkakaub-ob dito sa sofa. Linggo ngayon at sinusulit ko ang araw para makasama ang mga anak ko sapagkat bukas ay nakatakda na kaming magtungo sa islang napili namin upang isagawa ang medical mission, isang lingo din kami mamamalagi doon.