Lisa's POV
"What the.. Jennie answer your phone" mahina kong bulong habang pinipilit macontact ang asawa ko, tatlong araw na ko dito sa ospital at kahit isang text o tawag wala akong natatanggap mula sa kanila. Kahit sino yung tawagan ko sa barkada cannot be reach, may signal naman ako o baka walang signal doon. Nanghihina akong napaupo dito sa upuan sa labas ng kwarto ni Tzuyu. Gusto ko nang makita ang pamilya ko, miss na miss ko na ang asawa at mga anak ko pero kailangan ko pang magtiis may apat na araw pang natitira. Wala sa sariling naitakip ko ang aking dalawang palad sa aking mukha.
"Lisa" pagtawag sa akin ni Tita Suzy, agad akong nag angat ng tingin. Okay na kami ni Tita humingi na ito ng pasensya sa nangyari sa pagitan naming dalawa nung nakaraang araw.
"Bakit po Tita?" tanong ko sa kanya.
"Iha ayaw kumain ni Tzuyu, hinahanap ka na nya sa loob" mahina nitong sagot.
Wala na akong nagawa pa kundi kusang sumama sa kanya sa loob at puntahan si Tzuyu.
"Ayaw mo daw kumain?" mahinahon kong tanong sa kay Tzuyu pagkarating ko sa kinaroroonan nya.
"Lisa feed me please" pagmamakaawa nitong saad.
Bumaling ako ng tingin kay Tita Suzy, marahan muna itong tumango bago ibigay sa akin ang plato na naglalaman ng pagkain ni Tzuyu. Labag man sa loob ko ay inabot ko ang plato at umupo sa tabi ng kama ni Tzuyu para subuan ito.
"Lisa ikaw muna ang bahala sa anak ko may aasikasuhin lang ako sa labas" huling wika ni Tita Suzy bago kami iwan ni Tzuyu.
Habang pinapakain ko sya ay naka ngiti ito sa akin, hindi ko maiwasang hindi isipin na sana si Jennie ang taong nasa harap ko ngayon. Sana ang asawa ko ang kasama ko ngayon at sya ang taong inaalagaan ko hindi ang babaeng nasa harap ko. Nagulat ako ng marahas na bumukas ang pinto ng kwarto ni Tzuyu at iniluwa nito si Jeongyeon at si Kai.
"Anong.. Paano?" hindi ko alam kong ano ang eksaktong itatanong ko sa kanilang dalawa sa sobrang gulat.
"Lisa wala kang kwenta" malalim ang boses na pagkakasabi ni Jeongyeon. Hindi ako nakapagsalita walang kahit na anong kongkretong pangungusap ang kaya kong buuin sa mga oras na to.
"Napaka iresponsable mong asawa Lisa, tatlong araw. Tatlong araw umiiyak si Jennie dahil sa kahangalan mo. Tatlong araw ka na naming pilit tinatawagan pero wala kang balak sumagot. Ni hindi mo nga alam na nasa ospital ang asawa mo, kaya mong alagaan ang ibang tao pero ang sarili mong asawa napapabayaan mo" may diing sabi ni Jeongyeon, napatayo ako sa sobrang gulat.
"Nasa ospital si Jennie" wala sa sarili kong nabanggit, kailan pa?
Lumapit sa akin si Kai at pinakatitigan si Tzuyu ng maigi bago bumaling sa akin ng tingin.
"Give me that" mataray nitong sabi sabay marahas na hinablot ang plato na hawak ko.
"Ikaw babae ka nakikita ko naman na kompleto pa ang dalawa mong kamay in fact sampu pa ang mga daliri mo diba?" taas kilay na sambit nito at walang sabi sabi na hinila ang dalawang palad ni Tzuyu.
"Dalawa pa ang kamay mo kaya I conclude hindi mo na kailangan pa ng taga subo o ng taong magpapakain sayo, wag kang maarte kaya mong kumain mag isa kahit wala si Lisa" may diin nitong sabi saka marahas na inilagay ang plato sa dalawa nitong kamay.
"At isa pa wag kang naninira ng pamilya, kahit anong gawin mo hindi mapapasayo si Lisa. Ipasok mong maigi ito sa kokote mo si Lisa ay para lamang kay Jennie, walang sayo Tzuyu" may bahid ng galit ang boses ni Kai habang binibitawan nito ang mga salitang iyon sa harap ni Tzuyu. Sasagot pa sana si Tzuyu ng kunin ni Kai ang kutsara na may lamang pagkain saka isinubo kay Tzuyu.