Chapter 32

2.5K 76 24
                                    

Lisa's POV

Kabado kong hininto ang sasakyan sa labas ng bahay namin ni Jennie. Nakasara na ang mga ilaw at tahimik ang buong kabahayan. Tulog na kaya sila ng mga bata? Hinihintay pa rin kaya ako ni Jennie sa pag uwi gaya ng madalas nitong gawin kada gabi? Ilan lamang sa mga tanong na bumabagabag sa akin ngayon. Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan ko bago ko kunin ang mga bulaklak na para kay Jennie bago bumaba ng kotse. Alam kong hindi sapat ang mga bulaklak para mapatawad nya ko pero sana bigyan nya pa ako ng isa pang pagkakataon para ituwid ang mga maling nagawa ko at ayusin ang lahat ng gusot sa pagitan naming dalawa.

Marahan kong pinihit pabukas ang pinto, tanging tunog na nagmula sa pinto ang aking narinig. Malamig na hangin ang agad na sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob ng bahay.

"Love" pagtawag ko kay Jennie pagkasara ko ng pintuan ngunit walang tao sa sala.

"Love" pagtawag kong muli habang patungo sa gawi ng kusina ngunit gaya kanina ay wala ding tumugon sa tawag ko. Wala ding tao sa kusina pagpasok ko kaya agad akong nagtungo paakyat sa kwarto ng mga bata para doon naman sila tingnan ngunit kagaya ng sa sala at sa kusina ay wala ding tao roon. Napadaan ako sa opisina ko dito sa loob ng bahay, parang may nagtutulak sa akin na pasukin ko ang silid na yun. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras agad kong pinihit ang door knob at dahan dahang pumasok, wala namang nagbago kung ano ang dating ayos nito ay ganun pa din hanggang ngayon. Lalabas na sana ko para magtungo naman sa kwarto naming mag asawa nang mahagip ng mga mata ko ang isang bagay na alam ko sa sarili ko ay tinago ko. Nakapatong iyon sa ibabaw ng lamesa ko, nanlaki ang mga mata ko hindi to pwede. Pinilit kong maihakbang ang aking mga paa patungo sa lamesa, nanginginig kong inabot ang bagay na yun saka dahan dahang hinugot ang laman habang malakas na kumakabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nawasak ang puso ko ng mailabas ko na ang papel, isa isang nag unahan ang aking mga luha sa pagkawala mula sa aking mga mata.

"Lisa gumising ka, panaginip lang to" pagsampal ko sa sarili ko ngunit kahit ilang beses ko pang sampalin ang aking sarili ay hindi maipagkakailang ito na ang realidad. Umiiyak kong tinitigan ang annulment paper at ang pirma ni Jennie sa ibabang bahagi nito.

Patakbo akong lumabas ng kwartong yun at agad na nagtungo sa kwarto naming mag-asawa. Mabilis kong binuksan ang lahat ng closet namin at ng mga bata ngunit nanghihinang napaluhod ako sa sahig nang makitang wala na ang mga gamit nila at tanging mga gamit ko na lamang ang natira.

"Noooo.. you can't do this to me Jen" umiiyak kong sigaw sa loob ng kwarto iyon.

"You can't leave me like this, I love you" sigaw kong muli sa hangin na para bang nandito sya at nakikinig. Sa kalagitnaan ng aking paghihinagpis ay nahagip ng aking paningin ang isang puting papel na nakaipit sa isa sa aking mga damit. Dahan dahan ko iyong inabot at gaya kanina ay parang sasabog ang aking dibdib sa tindi ng kaba na aking nararamdaman. Nanginginig kong binuksan ang naka tuping papel saka iyon inumpisahang basahin.

"Lisa,
It's me, you probably don't want to hear any single words from me but this is the last time. Kung nababasa mo na ang sulat na ito malamang ay wala na kami sa bahay. Gaya ng kagustuhan mo ay umalis na ako kasama ang mga bata para makapamuhay ka ng maayos. Pasensya na kung hindi na kami nagpaalam sayo pero alam ko namang wala ka ng pakialam sa amin. At gaya din ng gusto mo ay pinirmahan ko na ang annulment, malaya ka na, malaya na kayo ni Tzuyu. Masakit sa akin na palayain ka Lisa, masakit sa akin ang iwan ka pero ito ang hiniling mo kaya wala akong magagawa. Kahit wala ka ng pakialam gusto ko lang din sabihin na wag kang mag alala sa mga bata itataguyod ko sila ng mag-isa at papalakihin ng maayos. Alagaan mo sana ang sarili mo Lisa, kumain ka sa tamang oras. Wag mong masyadong isubsob ang sarili mo sa trabaho"

Unti unting nadudurog ang puso ko habang binabasa ang sulat. Ang tanga tanga ko para humiling sa kanya na palayain at iwan ako. Kahit nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa mga luha ay pilit ko pa ring itinuloy ang pagbabasa.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon