Chapter 43

2K 61 4
                                    

Lisa's POV

"Anong gusto nyo paglaki?" tanong ko sabay sulyap kina Matthew at Mateo. Nandito kaming tatlo sa ilalim ng puno ng niyog habang nakasakay sa duyan. Nasa munisipyo si Isay kaya naipuslit ko ang dalawang bata at hiniram sa asawa ni Mayor. Walang nakakaalam na asawa ko si Isay at mga anak ko sina Matthew at Mateo dito sa buong isla tanging kami lamang magkakabarkada ang nakakaalam.

"Ako po gusto kong maging isang magaling na pintor" naka ngiting sagot ni Matthew saka humigop sa hawak nyang buko gamit ang straw.

"Ako naman po gusto kong maging si Mama paglaki ko" masayang sagot naman ni Mateo.

"Bakit naman?" takang tanong ko.

"Gusto kong tumulad kay Mama pinagsisilbihan nya ang mga tao rito sa isla" Napa ngiti ako kahit nakalimutan nila kung sino sila at ang mga pagkatao nila ay alam pa din nila ang gusto nilang makamit sa buhay.

"Na.." hindi ko matuloy ang itatanong ko tila may kung anong bumara sa aking lalamunan magkaganun pa man ay sandali akong tumighim at pinilit magsalita.

"Na..nasaan ang Papa nyo?" alinlangan kong tanong sa kanila. Gusto kong malaman kung anong kasinungalingan ang sinabi at itinatak ni Nayeon sa mga mura nilang isipan.

"Wala na po kaming Papa" malungkot na sagot ni Matthew.

"Bakit naman? Nasaan sya?" tanong kong muli.

"Patay na daw po sabi ni Naynay, namatay daw po sa aksidente" sagot nyang muli. Napakunot ang noo ko, walang hiya talaga ang babaeng yun pinatay pa ako ng wala sa oras.

"Pwede nyo akong tawaging Dada kung okay lang sa inyo" naka ngiti kong saad na ikinatingin nilang pareho sa akin.

"Kung okay lang sa inyo pwede ko bang ligawan ang Mama nyo?" maya maya'y tanong ko ng hindi sila sumagot, humihingi na din ako ng pahintulot sa kanilang dalawa. Kung kinakailangan kong humingi ng permiso para mapalapit sa kanila ay gagawin ko. Mariin akong tinitigan ni Mateo habang nakahalukipkip, mula ulo hanggang paa ang paghagod na ginawa nya sa kabuuan ko.

"Pwede kang manligaw kay Mama kung marunong kang magluto" nakataas ang kilay nitong sambit, napalunok ako at pinag isipang mabuti ang isasagot sa kanya.

"Eh syempre naman marunong akong magluto" sagot ko habang nagkakamot ng kilay.

"Pancit Canton nga lang" pabulong kong dugtong.

"Maghugas ng pinggan?" tanong naman ni Mattew.

"Syempre naman ako pa" naka ngisi kong sagot, siguradong sigurado ako sa sagot ko napakadaling maghugas ng mga plato sisiw. Pero pwede din namang paper plate na lang ang gagamitin para itatapon na lang pagkatapos, wala ka ng po-problemahin na hugasan nakatipid ka pa sa tubig.

Nakahawak sa baba si Mateo habang tumatango tango, kinakabahan ako pasado kaya sa kanya ang naging sagot ko.

"Eh maglaba? Magsibak ng kahoy? Mag igib ng tubig? Maglinis ng bahay?" sunod sunod na tanong ulit ni Mateo.

"Ilang taon ka na? Yung totoo wala ka pa bang asawa? Kung magiging kasintahan ka ni Mama kaya mo ba kaming buhayin? Magkano ang sinasahod mo kada buwan? May kotse ka ba? Bahay? Lupa?" pag atake naman ni Matthew. Langya para silang mga imbestigador kung makatanong. Para silang matatanda kung makapag isip.

"Sandaleee" pagpigil ko sa kanila.

"Ano bang gusto nyo? Ang magkaroon ng manliligaw ang Mama nyo o ang magkaroon kayo ng katulong?" natatawang tanong ko sa kanila, daig ko pa ang nasa job interview sa tindi ng mga tanong ng dalawang bata na to.

"Gusto lang namin makasigurado sayo kung sakaling pumayag kaming ligawan mo si Mama" saad ni Matthew na tinangunan naman ni Mateo bilang pagsang- ayon.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon