Chapter 20

1.9K 49 5
                                    

Sunday, family day kaya naisipan ng buong barkada na magkita kita. Para na din makapaglibang ang mga bata. Kasalukuyang nagbabyahe na sina Lisa at Jennie kasama ang mga bata patungo sa lugar kung saan nila napagkasunduan na magtagpo tagpo. Naisipan nina Lisa, Jisoo, Jeongyeon at Kai na maglaro ng basketball at makipagpustahan.

"Dada you should make us proud later, arasso?" pangungulit ni Liam kay Lisa.

"Don't worry okay, just watch me later" nakangiting tugon ni Lisa sa anak nya habang nagmamaneho. Sandali nyang sinulyapan si Jennie sa passenger seat habang kalong nito si Laureent at paulit ulit na hinahalikan ang pisngi ng bata pagkatapos ay sinulyapan nya din ng tingin sina Leo at Liam na naka upo sa likuran bago ituon muli ang kanyang paningin sa daan.

"Dada don't you dare make some mess" banta naman sa kanya ni Leo.

"Aye aye captain, promise lahat ng shoot ni Dada papasok sa ring. Naka three points nga ako sa puso ng Mommy nyo sa ring pa kaya" pagmamayabang nitong turan sa harap ng dalawang bata.

"Yahh Manoban yabang mo" pagtutol naman ni Jennie sa tinuran ng asawa nya.

"Why? Alam nyo ba mga anak na ang Mommy nyo ang unang na-inlove sa aming dalawa" naka ngisi ni Lisang turan sa dalawang bata na ikinataas ng kilay ni Jennie.

"Woohh really Mommy?" sabay na turan ng dalawang bata sa likuran ni Lisa, agad namang umiling si Jennie bilang tugon.

"Yah Lisa, boys wag kayong maniwala sa Dada nyo. Sa pagkakatanda ko sya ang unang umamin na mahal na nya ako" hirit ni Jennie at kinindatan si Lisa.

"FYI Miss Kim baka nakakalimutan kung sino sa ating dalawa ang tumakbo ng gabing yun at nag mukmok sa tabi ng puno kaya napaamin ako ng wala sa oras?" naka ngising pasaring naman ni Lisa kay Jennie, agad namang umirap ang huli.

"Eh sino ba yung nakipaghalikan sa ex sa may garden?" ganting tanong naman ni Jennie.

"Yah Jennie Kim kailangan pa bang ungkatin yun nakaraan na yan ang mahalaga ay ang ngayon at ang hinaharap na ikaw ang kasama ko" ngiting sambit ni Lisa at ginagap ang isang kamay ni Jennie, marahan nyang hinaplos ito roon.

"When I grow up I like to be Dada, such a sweet person" puring wika ni Leo na nagpangiti kay Lisa.

"How about my baby Liam what do you want to be when you grow up?" naka ngiting tanong naman ni Jennie sa pangalawa nilang anak.

"I want to be like you Mommy" maikling tugon ni Liam ba ikinanuot ng noo ni Lisa.

"Why?" takang tanong ni Lisa.

"I want to command and scare you Dada by just one look like Mommy do" naka ngising tugon muli ni Liam na nagpatawa ng malakas kay Jennie.

"Mommy si Liam binubully ako" parang bata na pagsusumbong ni Lisa kay Jennie habang nasa daan pa rin ang tingin.

"Lisa" pagtawag ni Jennie sa kanyang pansin.

"Hmm" maikling sagot nya habang diretso pa ding naka tingin sa daan.

"Look at me" maikling sambit ni Jennie, saktong huminto ang sasakyan sa kanilang unahan kaya nagkaroon ng pagkakataon si Lisa na sulyapan ang asawa nya ngunit hindi nito inaaasahan na kanina pa pala naka abang ang mga labi ni Jennie. Saktong pagharap ni Lisa ay naglapat ang kanilang mga labi at ginawaran sya ni Jennie ng isang maikling halik.

"I love you" malambing na sambit ni Jennie pagkatapos pakawalan ang mga labi ng asawa.

"I love you too" naka ngiti namang tugon ni Lisa saka muling pinatakbo ang sasakyan.

Maya maya pa matapos ang medyo mahabang byahe ay nakarating din sila sa kanilang destinasyon, sa Batangas naisipan ng magbabarkada na pumunta. May family resort ang pamilya nina Kai roon kaya walang problema sa accomodiation.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon