Lisa's POV
Mahigpit ang naging laban, habang tumatagal ay lalong umiinit dito sa loob ng court at tila nagkakapisikalan na. Nariyan ang mga palihim na sikuhan at sukatan ng tingin sa pagitan nina Seulgi at Jeongyeon.
"Jeongyeon wag kang magpapadala sa pang iinis ni Seulgi" paalala sa kanya ni Jisoo habang nasa gilid kami ng court. Nagtawag ng water break sina Hanbin, lamang sila ng limang puntos laban sa amin.
"Namumuro na sa akin ang osong yan, malapit ko na yang masapak" tiim bagang na saad ni Jeongyeon.
Nilingon ko ang kinaroroonan ng grupo nina Hanbin naka tingin din sa gawi namin si Seulgi habang naka ngisi kay Jeongyeon.
"Sister mukhang trip ka nilang asarin naku wag kang papakabog" saad ni Kai naka tingin din pala sa grupo nina Hanbin.
Isang kalabit ang pumukaw sa akin mula sa likod na agad kong kinalingon. Napangiti ako ng mabungaran ko si Liam na may dalang towel.
"Mommy wants to give you this but I don't want her to get tired so I volunteer myself" paliwanag nito saka inabot sa akin ang towel.
"Thank you baby" naka ngiti kong saad sa kanya.
"I'm so upset right now" napalaki ang mga mata ko sa tinuran nya.
"Why?" takang tanong ko habang nagpupunas ng pawis.
"You only shoot five times Dada, what happen? I'm so dissapointed" nakahalukipkip na reklamo nito.
"The game is not yet over just sit there and watch me okay" saad ko kay Liam habang ginugulo ko ang kanyang buhok, tumango ito at nagsenyas na ako lang ang titingnan nya habang tinuturo ang kanyang mga mata bago kumaripas ng takbo pabalik sa kinaroroonan nina Jennie. Napailing ako sa kakulitan na meron ang anak ko.
Pagpito ng referee ay agad na kaming pumunta sa kanya kanya naming pwesto, nasa panig namin ang bola. Habang hawak ni Jeongyeon ang bola ay nakita ko kung paano gumuhit sa kanyang mukha ang inis, kaharap nito si Seulgi na mahinang bumubulong na tanging sila lang ang nakakarinig habang naka ngisi. Nagulat na lang kaming lahat ng malakas na itapon ni Jeongyeon ang bola at kwelyuhan si Seulgi na hanggang ngayon ay naka ngisi pa din.
"Jeongyeon" tawag ko sa kanya ngunit hindi nya ko nilingon, maging ang referee ay wala nading nagawa kahit ilang ulit na itong pumito ng sunod sunod. Pumunta muna ako sa gawi nina Jennie at ng mga bata siniguro ko na hindi sila masasaktan sa gulong magaganap bago ulit bumalik sa kinaroroonan nina Jeongyeon.
"Ano bang problema mo?" tiim bagang na tanong ni Jeongyeon.
"Ang dali mo namang mapikon" tugon ni Seulgi saka ngumiti ng nakakaloko kay Jeongyeon.
"Don't you dare lay your hands on her. Ako mismo ang huhukay sa libingang paglalagyan mo" banta ni Jeongyeon. Marahas na iwinaksi ni Seulgi ang kamay ni Jeongyeon na nakahawak sa kanyang kwelyo at pinagpagan ang kanyang damit.
"Sa pagkakaalam ko wala ka ng karapatan na pagbantaan ako, ang tapang mo naman para sabihin sa harap ko yan" seryosong sabi nito.
Hindi na ko nakatiis nilapitan ko si Jeongyeon at agad na hinila papalayo kay Seulgi ngunit marahas nitong iwinaksi ang aking kamay at walang ano ano'y sinapak si Seulgi sa mukha. Lahat kami ay nagulat sa bilis ng pangyayari, sa mga oras na ito ay nagpapalitan na sila ng suntok.
"Hoy mga vakla kayo wag kayong mag away, awatin nyo sila" pagtili ni Kai.
"Ba..bakla ka?" nanlalaki ang mga matang tanong ni D.O. Tumikhim muna si Kai bago nagsalita.
"Ako bakla? Nang iinsulto ka ba? Mukha ba akong bakla ha pre?" matapang na tanong ni Kai habang tinutulak tulak ang balikat ni D.O
"Gusto mong suntukin kita para patulan mo din ako" dugtong pa nito, pabulong nyang sinabi ang bandang dulo.