Kai's POV
"Jeongyeon tara na" pagtapik ko sa balikat nya, nagising ako na wala sya sa bahay kaya minabuti kong lumabas at hanapin sya sa gitna ng gabi. Natagpuan ko ito sa tabi ng dalampasigan habang nakatitig sa gitna ng karagatan.
"Uy sis tara na uwi na tayo" pagtapik kong muli sa kanya nang hindi ito tumugon sa unang pagtawag ko sa kanya.
"Kai pangit ba ako?" wala sa sariling tanong nya. Napahinga ako ng malalim nang makita ko ang isang bote na wala ng laman sa tabi nya at nasisiguro kong iyon ang alak na binigay ng tatlong lalaki kanina ng ihatid nila si Lisa sa bahay.
"Hindi ka pangit sis okay pero mas maganda pa rin ako sayo" pagbibiro kong sagot, nagbabakasakaling tatawa ito ngunit nagkamali ako nagsimula na itong umiyak na ikinaalarma ko.
"Hala sis nagbibiro lang ako" taranta kong saad sa kanya.
"Uy sis mas maganda ka sa akin wag ka na umiyak" pagpapatahan ko sa kanya ng hindi pa rin ito tumitigil sa pag iyak. Lumuhod ako sa harap nya at hinawakan ang kanyang baba para iharap sa akin ang kanyang mukha. Patuloy pa rin sa pag agos ang kanyang mga luha, mapula na din ang kanyang mga mata sa kakaiyak.
"Hindi ba ako kamahal mahal Kai? May mali ba sa akin?" magkakasunod na tanong nya sa akin. Agad akong umiling at pinunasan ang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi.
"Lahat ng tao karapat dapat mahalin at isa ka na doon Jeongyeon. Siguro ay hindi lang talaga si Nayeon ang taong para sayo. Walang mali sayo, wag mong isipin na may kapintasan ka kaya ka nya iniwan. Kamahal mahal ka Jeongyeon makakahanap ka din ng isang taong mamahalin at papahalagahan ka" naka ngiti kong saad sa kanya.
"Bakit hindi na lang ikaw Kai? Kaya mo ba akong mahalin at ingatan?" tanong nyang muli sa akin. Bumilis ang kabog ng dibdib ko, sunod sunod na paglunok ang tanging nagawa ko ni ang gumalaw at sumagot ay hindi ko magawa. Sandali kaming nagkatitigan, ngayon ko lang napansin ang maamong mga mata ni Jeongyeon. Tila nahihipnotismo ako nang unti unting naglalapit ang aming mukha, wala akong mahanap na kahit anong pagtutol mula sa kawatan ko.
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng maglapat na ang aming mga labi, nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Napatitig ako kay Jeongyeon, nakapikit ang mga mata nito at tila ninanamnam ang bawat sandali. Wala na din akong nagawa pa at unti unti ding ipinikit ang aking mga mata para sabayan ang bawat pag galaw ng mga labi ni Jeongyeon.
~
Isay/Jennie's POV
"Merry Christmas Isay" pagbati ng babaeng nasa harap ko ngayon. Ito ang dayuhan na nambubulabog sa buhay ko ilang linggo na ang nakakaraan.
"Wag mo kong sundan Lina" mataray kong sagot sa kanya, kasalukuyan akong patungo sa palengke dito sa isla. Naiwan ang dalawang bata sa bahay ni Mayor, dalawang taon na rin ang nakakaraan ng kunin akong katiwala ni Mayor at bigyan ng posisyon sa munisipyo. Mabait si Mayor at ang asawa nito sa aming mag-iina at isa pa wala ang mga itong naging anak kaya minsan ay hinihiram nila sa akin ang dalawang bata.
"Lisa ang pangalan ko hindi Lina" natatawang saad nito.
"Wala akong pakialam sa pangalan mo, wag mo kong sundan" pairap kong turan at saka ito nilampasan. Nagtuloy ulit ako sa paglalakad pero ramdam ko na nakasunod ito sa akin. Maya maya ay huminto ako sa paglalakad ng hindi ko na naramdaman ang pagsunod nya sa akin agad na lumingon sa kanya, napataas ang kilay ko ng nakikipagtawanan ito sa isang babae na nagtitinda ng gulay dito sa palengke. Mas lalo pang tumaas ang kilay ko ng hampas hampasin sya sa braso ng babaeng haliparot. Mabilis akong nagtungo sa kinaroroonan nya at hinila sya papalayo sa babaeng iyon.
"Teka lang nag uusap pa kami" pagpigil nya sa akin.
"Oh bumalik ka na doon, baka nakakalimutan mo dayuhan ka rito. Wala kang kakilala rito kaya kung ako sayo piliin mo ang mga taong kakausapin mo" may diin kong sambit sa kanya at marahas na binitawan ang kanyang kamay.
"Uy concern sa akin si Isay. Concern ka ba o nagseselos?" mapanudyo nitong tanong habang taas baba ang kanyang kilay.
"Ako magseselos? Nahihibang ka na ba dayuhan?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Bakit naman ako magseselos?
"Aminin mo na kasi hindi naman ako magagalit" pang aasar nito sa akin. Naiiling na naglakad akong muli, natatawa naman itong nakasunod ulit sa akin.
"Maligayang pasko Isay, ito nga pala para sayo at ito naman para kina Matthew at Mateo" naka ngiting bungad ni Daniel habang inaabot sa akin ang tatlong regalo, isa sa mga manliligaw ko. May kaya ang pamilya nito at may pwesto ang mga ito sa palengke.
"Sige na Isay tanggapin mo na ang munting regalo mula sa gwapong tulad ko" dugtong nitong muli, gusto kong masuka sa aking narinig. Ayan ang ayaw ko sa kanya napakayabang kaya siguro sa tagal tagal nitong nanliligaw ay wala akong balak sagutin ang taong ito.
"Sayo na ang mga regalo mo hindi namin yan kailangan ng mga anak ko" mataray kong sabi sa kanya saka naglakad muli. Hindi pa man ako nakakahakbang ng naramdaman ko ang kamay ni Daniel na pumigil sa akin.
"Mapapasakin ka rin Isay" naka ngisi nitong saad.
"Bitawan mo ko ano ba" iritable kong sabi kay Daniel saka nagpupumiglas mula sa kanyang pagkakahawak. Napangiwi ako sa sakit ng humigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking braso.
"Pre hindi ba tinuro sayo ng nanay mo na ang mga babae dapat ginagalang hindi sinasaktan" pagsabat ni Lisa saka hinila ako papalapit sa kanya.
"Sino ka ba bakit ka nakikialam?" galit na tanong ni Daniel.
"Ako lang naman ang kasintahan ng babaeng hinaharas mo. Kaya kung ako sayo tatantanan ko na si Isay" matapang na sagot ni Lisa na ikinalaki ng mga mata ko.
"Ikaw kasintahan ni Isay? Nagpapatawa ka ba?" natatawang saad ni Daniel.
"Mukha ba akong nagpapatawa?" seryosong tanong ni Lisa.
"Gusto ko ng pruweba baka sakaling maniwala ako na magkasintahan nga kayo" naka ngising wika ni Daniel.
Walang pagdadalawang isip na marahan akong hinila ni Lisa at saka ito tumitig sa akin, nababakas sa mga mata nito ang labis na pagmamahal. Nakaramdam ako ng kakaiba sa kung paano ito tumitig sa akin para bang sanay na ako sa mga titig na yun.
Napalunok ako ng nilapat ni Lisa ang kanyang labi sa aking labi. Inilagay nito ang aking mga braso sa kanyang magkabilang balikat. Bahagya nya akong hinapit sa bewang papalapit sa kanya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at tila may mga paru paro sa loob ng aking tiyan. Unti unti kong ipinikit ang aking mga mata at nagpatangay sa mga halik ng babaeng dayuhan na para bang sanay na ko sa kanyang mga labi. Ilang minuto ding naglapat ang aming mga labi ng putulin nya iyon at naka ngiting tumingin muli sa akin.
"I love you Love" mahina nitong bulong sapat lamang para aking marinig saka kinintalan ng halik ang aking noo bago ako yakapin ng mahigpit.
Nagsisimula na akong maguluhan, sino ba ang dayuhan na ito. Bakit parang kilala ko ang taong ito? May koneksyon ba ako sa kanya at bakit tila komportable ako kapag nandyan sya sa tabi ko?
~
Merry Christmas 😘