Chapter 56

2.3K 63 0
                                    

"Hold my hand" saad ni Lisa habang inilahad kay Jennie ang kanyang kamay matapos nitong bumaba ng sasakyan nila habang karga si Jazz. Naka ngiti namang inabot ni Jennie ang kamay ni Lisa upang mabilis na makababa sa sasakyan. Nang makababa na si Jennie ay isa-isa namang inalalalayan ni Lisa ang tatlo pa nilang anak sa pagbaba na naka pwesto sa back seat.

"Dada ito ba ang bahay natin?" pagtatanong ni Leo habang pinagmamasdang maigi ang harap ng bahay na kanilang binabaan.

"Hindi ito ang bahay natin" malumanay na sagot ni Lisa. Nasa syudad na ang mag-anak kaninang hapon ay tuluyan na nga nilang nilisan ang isla kasama sina Chaeng, Jisoo, Jeongyeon at Kai. Matagal din bago sila nakalulan ng bangka, matagal na pagpapaalaman at habilinan ang nangyari kanina sa isla bago sila umalis. Hindi din maiwasan ang pagiging emosyonal ng lahat lalong lalo na si Jennie, dalawang taon itong nanirahan sa islang iyon kaya karamihan ng mga taga roon ay napamahal na sa kanilang mag-iina lalong lalo na si Nanay Carmen na sobrang higpit ng naging yakap sa mag-iina na ani mo'y ayaw na ang mga itong bitawan.

"Kanino ang bahay na iyan Love?" takang tanong naman ni Jennie, karga na nito si Jazz na marahang pinaglalaruan ang kanyang mukha. Nagkatinginan sina Lisa at Laureent bago nag ngitian sa isa't isa.

"Bakit hindi mo katukin Love para malaman mo kung kaninong bahay iyan" naka ngiting sagot ni Lisa.

"Lisa hindi ako nakikipagbiruan" seryosong turan naman ni Jennie.

"Sige na Love katukin mo na, trust me hindi kita ipapahamak" saad ni Lisa saka kinuha si Jazz mula sa mga bisig ng asawa at marahan itong itinulak papalapit sa pintuan ng bahay.

Nagpakawala muna si Jennie ng isang malalim na buntunghininga bago nito tuluyang katukin ang pintuan.

"Sino yan?" ani ng isang boses ng babae sa loob, hindi sumagot si Jennie bagkos ay kumatok muli ito.

"Sandali lang" sagot na naman ng tinig, matinding kaba ang lumukob sa buong pagkatao ni Jennie habang dahang dahang bumubukas ang pintuan. Hindi nito matiyak kung bakit sya kinakabahan lilingon na sana ito sa kinatatayuan nina Lisa ng tumambad sa kanyang harapan ang isang ginang, naka awang ang bibig nito habang isa isang nag uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.

"Je..Jennie, anak"

Lisa's POV

"Je..Jennie, anak" napa ngiti ako ng malawak ng marinig ang tinig ng Mama ni Jennie. Matapos ng mahabang byahe ay dito ko piniling dalhin sina Jennie, dito sa bahay ng mga magulang nya. Alam ko ang pakiramdam ng isang magulang na nangungulila sa kanilang anak at alam ko kung gaano kagustong makita ni Mama ang nag-iisa nyang anak.

"Sweetheart sino yan?" tanong ng boses ng Papa nya, maririnig ang mga yabag na patungo sa pintuan.

"Jen" maikling sambit nito pagbungad nya pa lang sa may pinto, bakas sa mukha nya ang pagkagulat hindi ko kasi sila inabisuhan na ngayon ang uwi namin gusto ko silang sorpresahin.

"Mama, Papa" mahinang sambit naman ng asawa ko sapat lamang para aking marinig, humihikbi nitong sinunggaban ng yakap ang dalawa. Isa-isa na ding naglalandasan sa aking mga pisngi ang mga luha na kanina ko pa pilit pinipigilan.

"Anak kooo" humahagulhol na wika pa ng Mama ni Jennie nababakas sa kanyang mukha ang labis na pananabik at ang saya na muling masilayan si Jennie.

"Dada sino sila?" takang tanong ni Liam.

"Sila ang lolo at lola nyo, mga magulang sila ni Mama" sagot ko.

"Tara puntahan natin sila" naka ngiti ko pang dugtong, magkakahawak kamay kami ng mga bata na naglakad patungo sa kanila.

"Mamita" masayang tawag ni Laureent sabay takbo agad naman itong kinarga ng Mama ni Jennie at pinagpupulog ng mga halik ang buong mukha nito.

"Leo, Liam" baling naman ng Papa ni Jennie sa dalawa naming anak na lalaki, nagtago ang mga ito sa likuran ko habang mahigpit na nakakapit sa magkabilang laylayan ng aking damit.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon