Chapter 11

2.3K 67 6
                                    

Third Person's POV

Sa mansyon ng mga Manoban, unti-unting binuksan ni Liam ang kwarto nina Lisa at Jennie. Nagtungo sya sa gilid ng kama kung saan nakahiga pa si Lisa at mahimbing na natutulog, wala na sa bahay sina Jennie at Leo maaga ang mga itong umalis. Si Leo para pumasok sa ekswelahan habang si Jennie ay nagtungo naman sa kanilang kompanya.

"Dada wake up" mahina nitong wika sabay tapik sa kama gamit ang kanyang maliit na kamay, hindi natinag nito si Lisa nanatili pa rin itong tulog.

"Dada I am hungry, give me some food" nakasimangot na sabi nya kay Lisa pero tulad kanina ay hindi nito natinag ang huli bagkos ay tumagilid pa ito patalikod sa kanya.

"Yah Lisa Manoban how dare you to ignore your handsome son? I will tell this to my Mommy just wait. I'm so sure she's gonna choke you to death" nakangising bulong ng bata, sumuko na ito sa pag gising kay Lisa. Pinasadahan nya ng tingin ang buong kwarto ng mag asawa. Umagaw sa atensyon nya ang malaking picture na nakasabit sa dingding, kakalagay pa lang nito roon kaya ngayon lang ito nakita ng bata. Litrato ito ng mag-asawa nung araw na ikinasal sila, nakayakap si Lisa sa likod ni Jennie at masaya silang naka tingin sa harap ng camera.

"My Dada and my Mommy is the real definition of the word love" nakahawak sa babang sambit nito sa sarili.

Naramdaman ni Liam na tila may nakamasid sa kanya kaya agad nyang nilingon ang kinaroroonan ni Lisa, nakatingin ito sa kanya habang nakangiti.

"Great Dada you're awake now I been calling you nonstop but you're too busy in your dream land" naka simangot nitong sambit habang naka cross arms, tipid na ngiti lang ang tanging sinukli ni Lisa.

"I am sorry baby, can Dada sleep a little more? I'm so tired baby" nanghihinang turan ni Lisa sa anak nya.

"Yes Dada but just a little more sleep okay, I'm just here I will watch you while you're sleeping" masiglang tugon ni Liam at agad na nagtungo sa kinaroroonan ng nakapikit na si Lisa at hinakawan ang kamay nito.

"Aww Dada you're burning" daing na saad nito pagkatapos bumitaw sa kamay ni Lisa, nagpanic si Liam nang makita nya kung paano mangatog sa lamig si Lisa. Inilibot nya ang kanyang mga mata para hanapin ang cellphone ni Lisa at hindi nabigo ang bata ng makita nya ang hinahanap nya sa ibabaw ng lamesa. Pilit nya itong inaabot ngunit masyadong mataas ang kinalalagyan nito.

"Please don't make it hard for me" pagmamakaawa nyang bulong habang tumitingkayad para maabot ang cellphone. Nang hindi nya ito maabot ay naupo sya sa sahig at naghanap ng bagay na pwedeng makatulong sa kanya, nagliwanag ang kanyang mukha ng mahagip ng kanyang paningin ang isang upuan. Hinila nya ito papunta sa harap ng lamesa at dahan dahang umakyat roon.

"Wow Liam you're so smart" puri nya sa sarili, hawak na nya ang cellphone ni Lisa.

"I know right" tugon nya din sa sinabi nya habang nakangiting nakatingin sa repleksyon nya sa salamin na nakapatong din sa lamesa. Bumaba na sya sa upuan, agad nyang binuksan ang cellphone at kinalikot ito maya maya pa ay itinapat na nya ito sa kanyang tenga.

"Hello" bungad na tugon sa kanya ng taong tinawagan nya.

"Hello Tita Joyo" tugon nito kay Jeongyeon.

"Oh little buddy anything I can do for you?" sagot ni Jeongyeon sa kanya.

"I want to know if my Mommy was there with you?" tanong na tugon nya.

"Sorry buddy but Jennie is not here, I think she's in your another company" tugon ni Jeongyeon.

"Okay Tita Joyo thanks anyway, bye bye" paalam nito bago tapusin ang tawag. Muli ay kinalikot nya ang cellphone para hanapin ang contact ni Jennie, hindi din naman nagtagal ay nakita nya ang isang pangalan na naka save sa phonebook ni Lisa.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon