Lisa's POV
Agad kong minulat ang aking mga mata, madilim na sa labas. Marahan kong inilinga linga ang aking paningin at napagtanto kong nasa loob na pala ako ng kwarto na inaakupa naming dito sa isla. Hinawakan ko ang baba ko at iginalaw galaw iyon, napalakas yung suntok sa akin ni Ka Berting.
"Kai" sigaw ni Jeongyeon, napatingin ako sa gawi nito papasok pa lamang sya sa loob ng kwarto.
"Bakit?" humahangos na tugon ni Kai kay Jeongyeon.
"Tawagin mo sina Chaeng sabihin mo gising na si Lisa, bilisan mo" utos sa kanya ni Jeongyeon. Agad na tumalima ng takbo si Kai papaalis ng makita nya na naka upo na ako sa kama.
"Ano bang nangyari Dude? Bigla bigla ka na lamang nawawala, pinag alala mo kami. Wala kang malay ng dinala ka rito ni Ka Berting, saan ka ba galing?" sunod sunod na tanong ni Jeongyeon saka umupo sa harap ko bakas sa mukha nito ang labis na pag aalala. Napatitig ako sa kawalan naalala ko ang mga nangyari at natuklasan ko bago ako panawan ng malay.
"Dude buhay sila" maikli kong turan habang nakatitig sa pader sa harap ko.
"Sinong sila? Sinong buhay?" naguguluhang tanong nito, humarap ako sa kanya habang isa isang naglalaglagan ang mga luha sa aking mga mata.
"Buhay ang mag-iina ko Dude, buhay sina Jennie" naka ngiti kong saad habang umiiyak.
"Imposible ang sinasabi mo Dude, paano mangyayari yun?" muling tanong ni Jeongyeon. Sinapo nito ang noo ko at dinama ako roon.
"Nabagok ba ang ulo mo kanina? Wala ka namang lagnat" saad nito, tinampal ko ang kamay nya na nakahawak sa noo ko.
"Hindi ako nabagok at lalong lalo na wala akong sakit. Nakita ko sina Jennie, Leo at Liam gamit ang dalawa kong mata Dude, buhay sila naiintindihan mo ba ako buhay sila Dude" masaya kong turan sa kanya habang naka hawak ako sa mga balikat nya, marahan ko syang inalog alog.
"Paanong buhay sila? Nakita ko yung mga sunog nilang katawan, magkasama tayo sa morge diba paano nangyaring buhay sila?" naguguluhang tanong nito, kahit man ako ay maguguluhan din kung yung mga taong inaakala mong patay na eh malalaman mong buhay pala ngayon.
"All this time pinaniwala tayo ni Nayeon na wala na sina Jennie. Pinaniwala nya tayo sa lahat ng mga kasinungalingan nya. Andito sila Dude, dito mismo sa islang to dinala sila ni Nayeon at tinago ng halos dalawang taon" paliwanag ko sa kanya.
"So that's the reason kung bakit biglaang naglaho si Nayeon na parang bula" wika nito habang nakahawak sa kanyang baba saka tumango tango na parang naliliwanagan na ito sa mga nangyayari.
"Pero bakit nya nagawang itago ang mag-iina sa ating lahat lalong lalo na sayo" muling tanong nito. Hindi na ko nakasagot nang biglang pumasok sina Chaeng.
"Lisa okay ka lang ba?" bungad na tanong ni Chaeng pagka pasok na pagka pasok nito sa kwarto namin kasunod nito sina Jisoo, Irene at Kai.
"Okay lang ako Chaeng" maikli kong sagot sa kanya.
"Saan ka ba galing at bigla ka na lang nawala kanina?" takang tanong ni Jisoo.
"Sinundan ko si Ka Berting kanina" sagot ko sa kanila hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Kai.
"Tapos?" tanong naman ni Kai.
"Nakita ko si Nayeon, andito sya kasama sina Jennie, Leo at Liam. Buhay sila, buhay ang mag-iina ko" paglalahad ko sa kanila ng nakita at nalaman ko kanina.
"Pero bakit naman nya itatago sina Jennie?" this time si Irene naman ang nagtanong.
"Umamin sa harap ko si Nayeon matagal na daw nyang gusto si Jennie kaya nagawa nya itong itago" sagot ko habang nakatingin sa kanilang lahat. Kita ko ang pag kagulat sa kanilang mga mukha.
"Totoo ba lahat ng yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Chaeng, tumango lamang ako sa kanya.
"Kaya pala, kaya pala hindi nya ko magawang balikan. Kaya pala napakabilis nya kong bitawan at iwan iba pala talaga ang may ari ng puso nya" natatawang saad ni Jeongyeon, tumatawa man ito ay bakas sa mukha nito ang sakit at ang lungkot.
"Napakagaling nyang magpanggap, napaniwala nya ko na ako ang mahal nya. Bakit hindi ko yun nakita? Bakit hindi ko yun naramdaman?" dugtong pa ni Jeongyeon.
"Hayaan mo na yun andito naman ako para sayo. Ako na lang kasi Jeongyeon, ako na lang. Ako na lang ulit" umaarteng saad ng bruhang si Kai saka kunwaring yayakapin si Jeongyeon. Natawa kaming lahat ng agad syang naka tikim ng batok mula kay Jeongyeon.
"Maiba tayo Lisa" nabaling ang atensyon naming lahat kay Irene.
"Anong plano mo ngayong alam mo na ang totoo? Kukunin mo na ba ang mag iina mo?" magkakasunod na tanong ni Irene.
"Gustuhin ko man ay hindi maaari, hindi nila ako maalala" malungkot kong saad sa kanila. God knows kung gaano ko kagustong kunin at bawiin kay Nayeon ang mag iina ko ngunit natatakot ako na baka kapag lalo kong pinilit ay mas lalo silang mawala sa akin.
"Wala naman sigurong masama kung paunti unti mong ipapakilala sa kanila ang sarili mo Lisa. Unti untiin mo hanggang sa sila na mismo ang makakaalala sayo" pagpapalakas ng loob ni Jisoo sa akin. Napangiti ako bakit nga ba hindi, kung yun lang ang tanging paraan kahit araw araw ay kukulitin ko sila para maalala nila kung sino ako sa buhay nilang tatlo.
~
"Bakit kailangan pa nating umalis?" tanong ni Isay kay Nayeon, kasalukuyan itong nag iimapake ng mga damit nila.
"Wag ka ng maraming tanong pa basta mag impake ka na din ng mga damit nyo ng mga bata" sagot ni Nayeon, nayayamot na ito sa kakatanong ni Isay pero hindi nya pwedeng ipakita rito na nayayamot na sya.
"Kung wala kang planong sabihin ang rason pasensya na pero hindi kami aalis dito ng mga anak ko. Nandito na ang buhay naming mag iina. Alam kong niligtas mo kami pero sana wag mong kontrolin ang buhay namin, yung pagkakaligtas mo sa amin tatanawin ko yung malaking utang na loob pero pasensya ka na hindi kami sasama sayo sa pag alis" may diing sambit ni Isay.
"Kailangan nating umalis Isay, yun lang ang rason wala ng iba. Wala ka nang dapat na malaman pa" turan ni Nayeon habang naglalagay sya ng mga damit sa loob ng bag. Ngunit maya maya ay natigilan din ito ng biglang mapagtanto nya ang kanyang huling sinabi.
"May dapat ba akong malaman? Yung babae kanina anong koneksyon ko sa kanya, ramdam ko Nayeon may ugnayan kaming dalawa. Tapatin mo nga ako totoo bang patay na ang asawa ko tulad ng sinabi mo sa akin dati?" nagugulumihanang tanong ni Isay.
"Wala kayong ugnayan. Hindi natin kilala ang tao na yun, matagal ng patay ang asawa mo Isay" pagtanggi na sabi ni Nayeon.
"Sige maniniwala ako sayo higit kanino man kasi kaibigan kita sana lang ay totoo lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig mo pero buo na ang desisyon ko Nayeon dito lang kami ng mga bata" tugon ni Isay saka ito umalis sa harap ni Nayeon.
Tila nawasak ang puso ni Nayeon ng marinig nya mula kay Isay na hanggang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Na kahit anong gawin nya ay hanggang doon na lamang ang kaya nitong isukli sa kanya. Napangiti ito ng mapait, alam kasi nya na kahit nakalimutan man ng isip nito ang babaeng kaharap nito kanina ay kilala pa rin ito ng puso nya. Pero magkaganun pa man ay hindi nya isusuko si Jennie na mas kilala na ngayong bilang si Isay. Nangako sya na lalaban sya hanggang sa makuha nya ang puso nito at mapalitan ang pwesto ni Lisa roon.