Lisa's POV
Isang malalim na buntunghininga ang hindi ko napigilang pakawalan bago tunggain ang laman ng basong aking tangan.
"Napakalalim naman nun, may problema ka ba?" tanong ni Jisoo na aking kainuman ngayong hapon, wala si Jennie pati ang mga bata nandoon ang mga ito sa bahay ni Mayor. Ayaw nya kong pasamahin dahil sosolohin nya daw ang mga bata, nakita ko ang pananabik sa kanyang mga mata kaya hindi na din ako tumutol pa at isa pa gusto ko ding mapag- isa at mag isip isip.
"Sa tingin mo paano ko sasabihin kay Jennie na ako ang naging dahilan kaya sila naaksidente? Paano ko aaminin sa kanya na sinaktan ko sya noon?" sa totoo lang ay kinakabahan ako sa pwede nyang maging reaksyon oras na malaman nya ang nangyari sa pagitan namin dati. Kahapon nung tinatanong nya ko kung nasaan ako ng gabing naaksidente silang mag-iina ay nakaramdam ako ng matinding takot. Paano kung iwan nya ko kapag nalaman nya na ang mga pahirap at pasakit na dinanas nya noon sa mga kamay ko.
"Hindi ko alam Lisa pero kung ako sayo hanggang maaga pa i-kwento mo na sa kanya ang lahat bago ka pa mahuli at sya mismo ang maka alala" payo ni Jisoo sabay lagok sa kanyang baso.
Tama si Jisoo kailangang aminin ko na kay Jennie ang totoo bago pa mahuli ang lahat bahala na kung magalit sya at ipagtabuyan ako, gagawin ko na lang ang lahat para bumalik syang muli sa akin.
Napangiti ako saka mabilis na tumayo, nagulat pa si Jisoo sa inakto ko.
"Hoy Lisa saan ka pupunta?" takang tanong nito sa akin ng magsimula na akong maglakad pababa ng hagdan.
"Sa mag-iina ko" maikli kong sagot bago muling maglakad papaalis.
Masaya kong binabagtas ang daan patungo sa bahay ni Mayor, nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Marami akong nakakasalubong na mga tao habang naglalakad at may hawak na tatlong pirasong bulaklak na pinitas ko sa harap ng bahay na tinutuluyan namin. Napapangiti ako kahit dayuhan kami ay magiliw kaming tinangggap ng mga taga isla, naiintindihan ko kung bakit ayaw umalis dito ng asawa ko napakababait ng mga taga rito at hindi ka ituturing na iba ng mga ito.
"Kaibigan daan muna dine at tayo'y tatagay" pag-aaya ni Jackson ng madaanan ko ang tambayan nila sa ilalim ng puno ng niyog, napailing ako may hawak na naman ang mga itong bote ng lambanog.
"Pasensya na kaibigan tatanggi muna ako sayo, pupuntahan ko pa kasi ang mag-iina ko kina Mayor" pagtanggi ko sa kanila na sya naman nilang ikinatango.
"Masaya kami para sayo kaibigan" saad ng mga ito bago ako tuluyang umalis at magpatuloy sa paglalakad.
Mabilis kumalat sa buong isla ang tungkol sa amin ni Jennie, maraming nakakita sa pagtatagpo namin ni Nayeon nung nakaraang araw kaya siguro marami na din ang naka alam.
Napahinga na naman ako ng malalim ng marating ko ang bahay nina Mayor, nasa harap pa lang ako ng pintuan ay sobrang kaba na ang aking nararamdaman. Mabilis akong kumatok at wala pang ilang segundo ay bumukas na kaagad ang pinto.
"Magandang hapon po Nanay Carmen" naka ngiti kong bati sa asawa ni Mayor.
"Magandang hapon din naman Miss Lisa, tuloy ka" naka ngiti din nitong ganting bati sa akin na syang ikinakamot ko sa aking batok.
"Lisa na lang po Nay" natatawang sambit ko, ilang beses ko nang paulit ulit na sinabi na wag na wag silang maging pormal sa harap ko dahil nakakahiya.
Natawa lang ito sabay iling saka ako inanyayahang pumasok, bumungad sa akin ang mga bata sa sala na masayang naglalaro kasama si Mayor.
"Dada" sabay sabay na sigaw ng mga ito pagkakita nila sa akin, nag unahan ang apat sa pagtakbo patungo sa gawi ko pati si Jazzy ay nakitakbo rin.
"Hindi naman halatang na miss nyo ko noh" natatawa kong turan sa kanila saka isa isa silang hinalikan, nahagip ng mga mata ko si Mayor na naka upo sa sofa at masayang naka tingin sa amin. Hinanap ng aking paningin ang asawa ko ngunit wala ito saan mang sulok ng sala, walang bakas ni Jennie.