Chapter 7 (CONTINUATION)

2.7K 80 2
                                    

Lisa's POV

Isang malakas na tapik ang naramdaman ko dahilan para magising ang diwa ko, bahagya kong minulat ang aking mga mata. Pamilyar ang lugar na bumungad sa akin, dahan dahan akong kumurap.

"Lisa" mahinang tawag sa akin, agad kong binaling ang aking paningin sa aking gilid. Unti-unting nanglaki ang aking mga mata sa sobrang gulat, napabangon ako sa pagkakahiga.

"Jennie?" hindi makapaniwalang bigkas ko sa taong nasa harap ko. Inilibot ko ang paningin ko at napagtanto ko na nasa kwarto kami ng asawa ko.

"Okay ka lang ba Love?" bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.

"Totoo ba to? Ikaw ba ang asawa ko?" tanong ko sa kanya sa labis na tuwa agad ko syang sinunggaban ng mahigpit na yakap.

"Bakit may iba ka pa bang asawa?" ganting sagot na tanong din nito sa akin, kumalas ito sa pagkakayakap at labis labis ang pagtataka na nakikita ko sa kanyang mga mata.

"Ibig sabihin hindi ka nawawala, hindi nyo ko iniwan ng mga bata" mahina kong sambit habang nakatulala sa kawalan, ginagap nya aking mukha at pinaharap sa kanya.

"Ano bang pinagsasasabi mo Lisa? Kanina pa kita ginigising pinag-alala mo ko ng sobra. Kanina ka pa umiiyak, akala ko hindi ka na magigising" bakas sa boses ng asawa ko ang pag-aalala. Agad kong dinama ang pisngi ko at ramdam ko ang pagkabasa mula rito.

"Kung ano man ang napanaginipan mo hinding hindi mangyayari ang lahat ng yun, hindi ka namin iiwan ng mga bata. Tandaan mo yan Love" malambing nitong sabi at hinalikan ang aking mga labi. Muli syang humiga sa kama at pinaunan ako sa kanyang braso. Nakahinga ako ng maluwag panaginip lang pala ang lahat.

"Love" mahina nitong tawag sa akin. Niyakap ko sya ng mahigpit bago ako sumagot.

"Hmm" paghimig kong tugon sa kanya.

"Ano ang napanaginipan mo?" tanong nya sa akin, marahan akong bumagon at sumandal sa headboard. Bumangon din sya at isinandal ang kanyang ulo sa dibdib ko, bahagya ko syang niyakap.

"Nagka aberya daw ang sinasakyan nyong eroplano papuntang Davao, ikaw at ang mga bata. Kahit anong paghahanap ko sa panaginip ko hindi ko na daw kayo makita. Sa panaginip ko labis ang sakit na nararamdaman ko akala ko hindi ko na kayo makakasama, akala ko tuluyan mo na akong iniwan. Natakot ako Love na hindi ko na kayo makakasama at mayayakap pang muli" mahina kong pagsasalaysay sa kanya, kumikirot na naman ang puso ko habang inaalala ang laman ng panaginip ko. Hinawakan nya ang aking kamay na nakayakap sa kanya at pinaglakip ang aming mga palad.

"Hindi kami aalis ng mga bata ng hindi ka kasama Love, saan man tayo magtungo sisiguraduhin ko na lagi tayong sama sama" malambing nitong turan, dinala nya ang aking kamay sa kanyang mga labi at marahang dinampian ng isang halik.

"I love you Love" naka ngiti kong sabi.

"I love you too Love, kalimutan mo na ang panaginip mo dahil kahit kailan hindi ako mawawala sayo" naka ngiti din nitong sambit habang nakatitig sa akin. Sa mumunting mga salita na nanggaling sa kanyang bibig lahat ng pangamba at agam agam na aking nadarama ay biglang naglaho. Nanatili lang kaming magkayakap, walang gustong magsalita ni isa sa aming dalawa.

"Anong oras na Love?" maya maya'y tanong ko sa kanya. Inabot nya ang cellphone na nasa lamesa sa tabi nya at sinilip ang oras.

"Alas otso na ng umaga Love" sagot nya habang binabalik ang cellphone sa lamesa.

"Baba na tayo Love luto tayo ng breakfast habang hindi pa gising ang mga bata" pag aaya ko sa kanya na agad naman nyang sinang ayunan. Dahan dahan akong kumalas sa yakap nya at mabilis na tumayo. Hahakbang na sana ako patungo sa pintuan ng maramdaman ko na hindi pa sya bumabangon kaya nilingon ko ulit ang kinaroroonan nya.

"Love tara po" mahina kong pag aaya muli sa kanya. Hindi sya sumagot bagkos ay tumalikod ulit ito sa akin habang naka simangot. Napapakamot ako ng kilay habang tinatahak muli pabalik ang kinaroroonan nya.

"Ano bang problema ng mahal ko?" malambing kong tanong sa kanya, bahagya ko syang niyakap patalikod.

"Hindi mo na nga ako binati ng good morning hindi mo pa ako hihintayin" masungit nitong sambit, napa ngiti ako ng bahagya umiiral na naman ang pagiging isip bata ng maganda kong asawa pero kahit may pagka isip bata sya minsan sobrang mahal ko ang babae na to. Dinaganan ko sya ng marahan sapat na bigat lamang para hindi sya mahirapan, hinaplos ko ang maganda nyang mukha.

"Sorry na po mahal ko, hindi na kita binati kasi mas maganda ka pa sa umaga" naka ngiti kong sabi sa kanya.

"Talaga?" parang bata nitong tanong.

"Syempre ikaw yata si Jennie Manoban, ang nag iisang dyosa sa paningin ko" sambit ko sa kanya sabay kindat.

"Tara na nga sa baba puro ka kalokohan" naka ngiting turan nya habang namumula ang kanyang pisngi. Tumayo na ako sa pagkakadagan sa kanya at hinila sya papa upo.

"Karga Love" naka nguso nyang sabi, balik pagkabata na naman ang isip nya. Walang pag aalinglangang tumalikod ako sa kanya para pasakayin sya sa likod ko, sa pangalawang pagkakataon naisakay ko ulit sya sa likod ko at gaya ng unang beses labis labis ang kabog ng dibdib ko sa sobrang saya.

"Love naalala mo yung unang beses kitang kinarga sa likod?" tanong ko sa kanya habang palabas kami ng kwarto.

"Oo paano ko ba yun makakalimutan eh ibinagsak mo ko sa upuan ng araw na yun, iniwan mo pa ako habang namimilipit sa sakit dahil sa paa ko na natapilok" mataray nitong sagot.

"Nung mga oras na yun hindi naman ako masyadong lumayo sayo, nasa malapit lang ako Love. Hindi kita kayang iwan, nung mga panahon ding yun unti unti na akong nahuhulog sayo" paliwanag ko habang dahan dahan akong bumababa sa hagdan, mahirap na baka mahulog ang buhay ko. Hindi ako nakatanggap ng ano mang sagot, isinobsob nya sa aking leeg ang kanyang mukha hanggang marating namin ang kusina ganun pa rin ang posisyon nya.

"Love" pagtawag ko sa kanya ngunit wala akong natanggap na kahit anong tugon. Dahan dahan ko syang inupo sa kitchen counter at marahang inalis ang mga hibla ng buhok na tumatakip sa kanyang maamong mukha kaya pala hindi sya sumasagot nakapikit pala sya.

"Aw nakatulog pala ang baby ko" nakangisi kong sabi, nanatili itong nakapikit.

"BB ko" pag uulit kong tawag sa kanya ngunit hindi pa rin ito tumutugon. Nakikita ko na gusto na nyang ngumiti pinipigilan nya lang kaya walang patumpik tumpik na nilapat ko ang aking labi sa kanyang labi, matagal bago ako gumalaw. Ramdam ko ang pag ngiti nya habang palalim ng palalim ang aming mga halik. Hinila nya ko ng marahan para maglapat ang aming mga katawan, pinulupot nya sa bewang ko ang kanyang mga binti habang nakahawak ang dalawa nyang kamay sa mga balikat ko. Ibinaba ko ang aking labi sa kanyang leeg, dahan dahan kong pinasadahan ng halik ang kanyang leeg.

"Lo..ve" mahinang ungol ni Jennie habang nakapikit. This time nakahawak na sya sa buhok ko at idinidiin ang ulo ko sa leeg nya. Unti unting bumaba ang aking labi patungo sa dibdib nya, bawat nadadaanan ko ay marahan kong nilalagyan ng mumunting marka.

"Liiiiiisssaahh hhhmmmm" ungol ni Jennie sa pangalan ko. Sobrang init ng nararamdaman ko kaya napagdesisyonan kong hubarin ang suot nyang pang itaas, akmang huhubarin ko na ang damit nya ng biglang may sumigaw.

"My god" malakas na sigaw ni Chaeng habang nakatikip ang kanyang mga kamay sa mata ni Claire. Para kaming nabuhusan ng malamig na tubig ni Jennie sa sobrang gulat.

"Get a room guys" nakangisi namang wika ni Jisoo.

"Mga bakla kayo ng taon dito nyo pa talaga naisipang gumawa ng milagro sa kusina nyo. Imbes na magluto kayo ng almusal para sa mga anak nyong nagugutom nagkakainan kayong dalawa dyan. Ano to sex on the kitchen? Live show? Sana nagdala kami ng popcorn" mahabang lintaya ng baklang si Kai.

Nagkatinginan kami ni Jennie at sabay na napangiti, minsan talaga masarap ding pumatay ng mga taong panira ng moment.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon