Chapter 10 (FAMILY DAY)

2.5K 71 15
                                    

Jennie's POV

"Mommy I don't want to go" nakasimangot na sambit ni Leo habang sinusuot ko sa kanya ang sapatos nya.

"But baby magagalit sayo ang teacher mo kapag hindi tayo pumunta, gusto mo ba yun?" mahinahong tanong ko sa kanya.

"But Mommy it's a family day, it's only the two of us. Dada can't go with us" pangangatwiran nya sa akin, bakas sa boses nya ang lungkot.

"Baby kahit dalawa lang tayo family pa rin naman tayo ah" ngiting tugon ko sa kanya sabay gulo ng kanyang buhok.

"But Mommy we're not a family without Dada. I'm shy my other classmates has complete family while me I only had you there" nakasimangot na wika nya. Napakamot ako ng kilay, what to do now.

"Wait me here baby I will just make some call" turan ko sa kanya bago lumabas ng kwarto nila ni Liam. Buti na lang at wala dito sina Liam at Laureent kinuha muna sila nina Mama at Papa, sabik na sabik sa apo.

Nagtungo ako sa kwarto namin ni Lisa para kunin yung cellphone ko. Medyo nagtatampo ako kay Lisa, first time ni Leo mag-attend ng family day sa school nila pero asan sya na kay Tzuyu. Don't get me wrong, pinipilit kong intindihin yung sitwasyon nya. Naaawa din naman ako kay Tzuyu kahit may pagka bitch ang babae na yun but still sana naman kami muna ng anak nya ang pinili nya kahit ngayon lang simula kasi ng kausapin sya ng Mama ni Tzuyu most of her time nasa kanila na. Agad akong nag dial sa cellphone ko at maka ilang ring lang sinagot na din ang tawag ko.

"Hello Best" bungad ko kay Nayeon.

"Oh Best ang aga mo namang napatawag?" May problema ba?" sunod sunod na tanong nya sa akin.

"Eh kasi I need you and the gang, I really need your help guys" sagot ko sa kanya.

"About what?" takang tanong ulit nya sa akin.

"About Leo, family day nila ngayon ayaw nya pumunta kasi dalawa lang kami. Nahihiya sya kasi yung iba nyang classmate kompleto yung pamilya samantalang sya kami lang dalawa" mahabang paliwanag ko sa kanya.

"Nasaan si Lisa? Wait don't tell me mas inuna nya si Tzuyu kaysa sa inyo ni Leo" bakas sa boses nito ang pagka irita.

"Parang ganun na nga pero mas kailangan sya ni Tzuyu ngayon" mahina kong sambit. Labag man sa loob ko na payagan si Lisa na umalis kanina wala na din akong magagawa pa.

"Hay ewan ko sayo Best masyado kang mabait, wait anong oras ba yung start ng program?" tanong nya sa akin. Tiningnan ko muna yung orasan bago ako sumagot.

"In an hour best" sagot ko sa kanya.

"Sige, hintayin nyo na lang kami doon. Sa school na lang kami didiretso ni Jeongyeon" napangiti ako sa naging pasya nya. Nagpasalamat muna ako bago ko ibinaba ang tawag.

Binalikan ko si Leo sa kwarto nila at naabutan ko sya na nakasimangot habang naghihintay.

"Baby si Tita Nabong at Tita Joyo muna ang mag a-attend para kay Dada, okay lang ba?" tanong ko sa kanya, unti unting nagliwanag ang kanyang mukha.

"Is that true Mommy? Yes we are four now" masaya nyang sambit.

"Yes baby wala namang trabaho ngayon si Tita Joyo kasi saturday, close ngayon ang office ni Dada. Sige na baby mag prepare ka na, aalis na tayo" nakangiti kong sabi. Agad naman syang tumango at inayos ang laman ng bag na dadalhin nya.

Nang makarating kami ni Leo sa school nya hinatid ko sya sa teacher nya kasama ng ibang mga bata bago ako nagtungo sa bakanteng lamesa. Hindi din naman nagtagal ay dumating na din sina Nayeon at Jeongyeon.

"Grabe best ang tagal nyo ah, muntik na kayong hindi umabot" pagmamaktol ko sa kanilang dalawa, konting oras na lang mag uumpisa na ang program.

"Ay wow best hiyang hiya naman kami sayo. On the spot ka ba naman tumawag tapos traffic pa" nakasimangot na tugon ni Nayeon.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon