Chapter 15

2K 56 1
                                    

Jennie's POV

Ngayong araw ang laban ni Leo sa poster making contest na sinalihan ng school nya at dahil magaling ang anak ko sya ang napili nila para mag represent at dalhin ang pangalan ng school nila.

Nandito pa kami sa bahay at halata sa mukha ni Leo ang labis na pangamba at pag aalala.

"Mommy where is Dada?" tanong nya sa akin habang binibihisan ko sya, bakas sa mukha nya ang labis na lungkot.

"Baby may importante lang ginagawa si Dada" sagot ko sa kanya, maagang umalis si Lisa para puntahan na naman si Tzuyu tumawag ang Mama nito at sinabing nagwawala daw ang anak nya at hindi nila kayang pigilan hindi daw ito kakaain at iinom ng gamot hangga't hindi nakikita si Lisa. Ayaw kong sabihin sa kanya na hindi makakasunod si Lisa at ayaw ko din sabihin na baka makahabol pa ang Dada nya. Ayaw kong umasa ang anak ko at bigyan sya ng false hopes.

"But she promise Mommy, Dada promise to me" naiiyak nyang sabi, may namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Baby don't cry okay. I'm sure na babawi sayo ang Dada mo" pagpapagaan ko sa loob nya saka sya hinalikan sa noo. Tumango lamang sya bilang tugon, pinaupo ko sya sa kama at sinuotan ng sapatos.

"Baby dito ka muna hintayin mo si Mommy, maliligo lang ako" sambit ko sa kanya bago ko sya iwan sa kwarto nila.

Pumasok na ako sa kwarto naming mag-asawa para maligo pero bago pa man ako makapasok sa banyo ay idinial ko muna ang number ni Lisa umaasang sasagot sya sa tawag ko. Nakakarami na ako ng dial ay hindi pa rin nya sinasagot ang tawag ko kaya napagpasyahan ko na lang na itigil na ang pagtawag sa kanya, naligo na lang ako at nagbihis. Nagpatuyo lang ako ng buhok at nagsuklay saglit naglagay na din ako ng konteng make up saka nag ayos ng mga gamit na dadalhin namin ni Leo.

Makaraan ng ilang oras na byahe ay nakarating din kami sa isang mall dito kasi gaganapin ang contest.

"Baby don't be afraid okay, nandito lang si Mommy susuportahan kita. Kapag kinakabahan ka na tingnan mo lang ako malapit lang ako sayo" naka ngiti kong paalala sa anak ko habang naglalakad kami papasok papunta sa venue.

"Yes Mommy, I love you" kinakabahan man ay pinilit nitong ngumiti sa akin.

"I love you too" tugon ko sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.

Nakaupo na si Leo kasama ang ibang mga batang kalahok sa patimpalak habang ako naman ay naka upo sa unahan malapit sa entablado kung saan naroroon sina Leo. Sinigurado ko na madali nya kong makikita kung sakaling hanapin nya ako.

Ilang sandali pa ay magsisimula na ang contest, binigyan na din ng mga event coordinator ang lahat ng kalahok ng mga coloring materials at 1/8 illustration board. Nakita ko kung paano nag sign of the cross at nagdasal ang anak ko, napadasal na din ako. Tumingin muna sya sa gawi ko I mouthed "I love you" to him and he answered "I love you too Mommy" bago nya itinuon ang pansin nya sa mga gamit nya at nag umpisa na syang gumuhit.

Sa pangalawang pagkakataon ay sumulyap syang muli sa gawi ko bakas sa kanyang mukha ang labis na kaba, nginitian ko sya para maramdaman nya na andito lang ako sa tabi nya kahit wala si Lisa para suportahan sya.

Halos trenta minutos na ang nakakaraan ng magsimula sila sa pag guhit at sa loob ng trenta minutos na yun ay maka ilang beses syang lumingon sa gawi ko unti unti akong nakaramdam ng pagkabagabag ng makita ko sa kanya ang pamumuo ng kanyang mga luha sa sulok ng kanyang mga mata. Agad kong kinuha ang cellphone ko at kinontak muli si Lisa nagbabakasakali na makakausap ko na sya at hindi naman ako nabigo ng pagkaraan ng dalawang ring ay sinagot na nya ang aking tawag.

"Hello Love?" bungad nya sa akin.

"Lisa nasaan ka na? Kanina pa nagsisimula ang contest" singhal na tanong ko sa kanya.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon