Lisa's POV
"Love.. tama na yan" pagpapatahan ko kay Jennie pero parang wala itong naririnig patuloy pa rin ito sa pag iyak. Basang basa na ang laylayan ng damit na suot ko sa kakapunas ng kanyang mga luha.
"Patayin na natin yung T.V para tumigil ka na sa kakaiyak" banta ko sa kanya at akmang aabutin ko na ang remote nang tiningnan nya ko ng masama, napatigil ako at napalunok.
"Sige subukan mo Lalisa Manoban, tingnan lang natin kung makakatulog ka ng maayos sa sala ngayong gabi" banta nya sa akin habang humihikbi. Namumula na ang kanyang ilong at maga na ang mga mata sa kakaiyak, napangiti ako kahit may pagka amazona ang babae na to sobrang mahal na mahal ko to.
"Bakit ka ngumingiti?" mataray na tanong nito at hinampas ang binti ko, nakaupo kami ngayon sa sofa. Nakasandal sya sa balikat ko habang nakayakap sa aking bewang, ang isang braso ko naman ay naka akbay sa kanya. Mag aalas otso na ng gabi at tulog na ang mga bata habang kami ni Jennie heto nanunuod ng movie sa netflix, lately sa mga characters ng mga movies sya naglilihi hindi nya ko titigilan hanggang hindi nya napapanuod yung mga movies na gusto nya kahit antok na antok na ko kailangan ko syang samahang manuod kundi sa sala ako matutulog.
"Ang cute mo kasi" naka ngiti kong tugon sabay pisil sa kanyang matambok na pisngi.
"Kasalanan ko ba kung nakakaiyak yung movie?" sabi nito habang pinupunasan ang kanyang mga luha.
"Ikukuha na lang kita ng gatas gusto mo ba?" tanong ko naman sa kanya. Napakunot ang noo ko ng marahan itong umiling.
"Ayaw ko ng gatas" parang bata nitong sambit.
"Ano palang gusto mo?" tanong ko sa kanya, nag angat ito ng tingin saka tumingin sa akin.
"Ikaw" maikli nyang tugon, seryoso ang kanyang mukha. Ngingiti na sana ako dahil sa sobrang kilig ng bigla syang tumawa ng malakas.
"Joke lang, sige na pagtimpla mo na ako ng gatas" tumatawang sabi nito habang itinutulak ako patayo. Napairap ako sa kanya saka napagpasyahang tumayo.
"Nini the witch" mahina kong bulong habang papalakad patungo sa loob ng kusina.
"Ano Lisa may sinasabi ka?" sigaw na tanong nya, automatic na napairap akong muli hindi naman nya kita kasi nakatalikod ako sa kanya.
"Sabi ko I Love You" sigaw ko ding tugon, bago nagtimpla ng gatas nya.
Nang matapos akong magtimpla ay bumalik na ako sa kinaroroonan nya at pabalang na inilapag sa mesa ang baso, napatingin sya sa gawi ko.
"Galit ka?" mataray nitong tanong pagkaupong upong ko pa lamang sa tabi nya, hindi ako nagsalita at tanging iling lang ang isinagot sa kanya.
"Galit ka eh" sambit nito habang nakaharap sa akin.
"Hindi nga" malamig kong tugon sa kanya. Maagap nyang ginagap ang aking magkabilang pisngi at iniharap ako sa kanya.
"Paano ko ba papawiin ang galit na nararamdaman mo?" mahinang tanong nya habang naka ngiti. Hindi ako nagsalita tinitigan ko lang sya sa kanyang mga mata, syempre kailangan ko ding magpalambing at magpakipot paminsan minsan. Unti unti nyang nilapit ang kanyang mukha papalapit sa akin saka pinagdikit ang aming mga noo.
"Kapag ba may ginawa akong kasalanan mapapatawad mo pa ba ako?" tanong nya habang nakatitig sa aking mga mata, napalunok ako bago nagsalita.
"Depende sa kasalanan na nagawa mo Love. Ano bang kasalanan mo?" sagot ko sa kanya.
"Kung kasalanan ang mahalin ka ng higit pa sa buhay ko patawarin mo sana ako Hal" malambing nyang sambit, napangiti ako ng marinig kong tawagin nya kong muli ng Hal.
"Pinatatawad na kita BB ko" maikli kong sagot sa kanya, isunobsob nya ang mukha nya sa aking leeg at paunti unti'y inamoy ako roon hanggang sa ang pag amoy amoy na ginagawa nya kanina ay napalitan ng mumunting mga halik. Napatili ako ng mag umpisa na syang kilitiin ako sa leeg, alam na alam nya talaga kung saan ang kahinaan ko.
"Yah Jennie Kim Manoban" pagtili ko sa pangalan nya.
"Shhh.. wag kang maingay baka magising ang mga bata" mahinang turan nito na halos pabulong na, sandali syang tumingin sa akin bago tumayo at kumandong paharap sa akin.
Bahagya nyang ipinulupot ang kanyang mga binti sa aking bewang at ipinatong sa aking balikat ang isa nyang kamay habang ang isa naman ay nasa mukha ko at pa unti unting pinalakad ang kanyang daliri sa aking mukha mula sa aking pisngi patungo sa aking mga labi.
"No matter how many years pass by in our marriage, there will be two moments when I will like to be with you" medyo pabitin nitong sambit habang nakatitig sa aking mga mata.
"What is it?" takang tanong ko sa kanya, nakaalalay sa kanyang likod ang dalawa kong kamay.
"I want to be with you now and forever" sambit nito habang naka ngiti.
"And I want to be with you until my last breath" turan ko sa kanya saka pinaglapat ang aming mga labi.
Bahagya nyang inihilig ang kanyang ulo sa aking dibdib habang magkayakap kami dito sa sofa. Walang nagsalita sa aming dalawa, nabalot kami ng katahimikan at ninanamnam ang init na nagmumula sa isa't isa. Sa gitna ng katahimikan ay biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at hindi na nag abala pang tingnan kung sino ang tumatawag agad ko itong sinagot.
"Hello" bungad ko sa taong tumatawag.
"Lisa" boses ni Tita Suzy ang nasa kabilang linya, umiiyak ito.
"Bakit po Tita?" tanong ko sa kanya, ramdam ko na nag angat ng tingin si Jennie sa akin.
"Iha si Tzuyu, pwede ka bang pumunta rito hinahanap ka ni Tzuyu hindi sya tumitigil sa pag iyak iha. Pakiusap puntahan mo sya Lisa" pagmamakaawa nito sa akin.
"Si..sige po Tita" sagot ko habang naka tingin kay Jennie, bakas sa mga mata nito ang lungkot at tampo.
"Salamat iha" tugon ni Tita Suzy bago ako babaan ng tawag.
"Uhmm.. Love" tawag ko kay Jennie pagkatapos kong ibaba ang cellphone ko. Hindi ito nagsalita nakatingin lamang ito sa akin.
"Love.. si Tzuyu kailangan nya ako" nag aalangan kong sambit sa kanya.
"Narinig ko" malamig nitong tugon saka mabilis na umalis sa pagkakakandong sa akin at tumayo, tumayo na din ako.
"Love" pakiusap kong himig sa kanya, sa totoo lang ayaw kong pumunta kay Tzuyu at umalis sa tabi ni Jennie kaso naaawa ako kay Tzuyu ilang beses na itong nagtangkang magpakamatay.
"Sige na Lisa hinihintay ka na ni Tzuyu" pagtataboy nito sa akin.
"Jennie naman eh" malungkot kong sambit.
"Okay lang nga, puntahan mo na si Tzuyu" nakahalukipkip nitong sabi sa harap ko.
"You don't sound like you mean it" reklamo ko sa kanya.
"Bakit? Kung sasabihin ko bang hindi okay hindi ka aalis? Nag oo ka na sa Mama nya diba so I think my decision is not needed here" ramdam ko na pinapakalma nya ang sarili nya at sinusubukang hindi magalit.
"Jennie please intindihin mo naman yung sitwasyon ni Tzuyu may sakit yung tao.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng putulin nya ito.
"Kaya nga okay diba? Okay lang, okay lang lagi. Okay lang sa akin pagdating kay Tzuyu" may diing sabi nito. Hindi ako nakapagsalita tila natuod ako sa aking kinatatayuan.
"Sige na Lisa umalis ka na baka kung mapano pa si Tzuyu" walang gana nitong sabi bago ako talikuran at naglakad paakyat sa kwarto namin, malakas na isinara ang pinto.
Wala sa sariling napa upo ako sa sofa at nasapo ang aking mukha gamit ang aking mga palad, napakahirap naman ng sitwasyon na kinalalagyan ko. Napukaw ang pagmumuni muni ko ng tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito at binuksan ang mensahe.
"I need you now Lisa" basa ko sa text galing kay Tita Suzy, kahit hindi nila sabihin alam kung galing ito kay Tzuyu.
Agad akong tumayo at sinulyapan muna ang kwarto namin ni Jennie bago ako lumabas ng bahay namin.
"Sorry Love but Tzuyu needs me" bulong ko sahangin bago paandarin ang sasakyan patungo sa ospital kung saan naroon siTzuyu.