Chapter 9 (Tell Me)

2.3K 69 3
                                    

Lisa's POV

"Ano sa tingin nyo?" nag-aalala kong tanong kina Jeongyeon at Jisoo dito sa loob ng office ko wala ang baklitang si Kai may rampa daw sya ngayon, kwenento ko sa kanila yung paghingi ng pabor ng Mama ni Tzuyu at ang pagpayag ko sa gusto nyang mangyari. Humihingi ako ng opinyon sa kanila kung dapat ko pa bang ipaalam kay Jennie o hindi ang sitwasyon ko, nakakaramdam na din ako ng guilty sa tuwing tinitingnan ko ang asawa ko. Nagkatinginan muna sila bago lumingon sa gawi ko.

"Kung ako ang tatanungin mo kailangan malaman ni Jennie ang ginagawa mo sa lalong madaling panahon" payo ni Jisoo na sya namang sinang ayunan ni Jeongyeon.

"Kasi kapag nalaman ng asawa mo yan sa iba at hindi mismo galing sa bibig mo ewan ko na lang kung saan ka pupulutin Dude" natatawang sambit ni Jeongyeon, bahagya akong napalunok sa narinig ko mula sa kanya.

"Hindi malabong sa sala ka matutulog habang buhay" dugtong pa nya na syang ikinatawa ni Jisoo ng malakas, kaibigan ko ba talaga ang mga to?

"Kung ako sayo sisimulan ko na ang maglinis ng pi-pwestuhang sahig sa sala nyo, i-mop mong maigi para di ka tabihan ng mga ipis" mapang aasar na saad sa akin ni Jisoo at sabay silang nag high five ni Jeongyeon. Gustong gusto talaga nila kapag sa sala ako pinapatulog ni Jennie.

"Yung ginagawa mong paglilihim sa asawa mo is technically a cheating" naiiling na turan ni Jisoo this time seryoso na ang mukha nya, napakunot ako ng noo. Ako magche cheat kay Jennie? Malabo ata yun, yun na yata ang pinaka bobong desisyon na gagawin ko sa buong buhay ko.

"Teka wala naman akong ginagawang masama at hindi ko magagawa ang mag cheat sa asawa ko. Bakit ko naman ipagpapalit yung asawa ko eh sya lang ang pinaka magandang babae sa paningin ko" nakangiti kong sabi, kailangan ko ding i-flex ang kagandahang taglay ni Jennie.

"Dude you don't have to have sex to be a cheater. Once you start hiding something, lying about where you're going and who you're with, you're already on your way" paliwanag ni Jeongyeon na nagpabura sa ngiti ko. Napayuko ako at napahinga ng malalim, tama sila sa ginagawa kong paglilihim kay Jennie para na din akong nangangaliwa.

"Paano yan one week na ang nakakaraan" kinakabahan kong sambit sa kanila. Ngayon pa lang pumapasok na sa isip ko ang imahe ni Jennie kung sakaling magalit ito kapag sinabi ko na sa kanya, ngayon pa lang nakakaramdam na ako ng takot.

"Face the consequence Lisa, pinasok mo yan dapat alam mo kung paano ka lalabas" tugon ni Jisoo sa tinuran ko. Agad akong tumingin sa gawi nya, seryoso ang mukha nya.

"Yah Kim Jisoo hindi mo ko tutulungan? Sabihin ko kaya sa asawa mo na pinsan ko na may humalik sa pisngi mo nung huling beses tayong nagpunta ng bar" nakangisi kong pananakot sa kanya, aksidente lang naman yun kaya napagdesisyonan naming apat na wag ng ipaalam kay Chaeng baka pag-awayan lang nila.

Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Jisoo kung kanina para itong isang leon na matapang ngayon para na syang isang maamong kuting.

"Syempre tutulungan kita, nagbibiro lang ako kanina" pagpapalusot nya, napairap ako sa kanya kahit kailan talaga ang manok na to sarap nyang ihawin ng buhay.

"Sabihin mo na naghahanap ka lang ng tamang tyempo para ipaalam sa kanya at wala ka talagang intensyon na maglihim" payo ni Jeongyeon, buti pa to eh kahit papaano maaasahan. Napatango ako sa tinuran nya, buo na ang pasya ko sasabihin ko na sa kanya mamaya pag dating ko ng bahay tutal hindi ko naman pupuntahan si Tzuyu ngayong araw.

"Teka maiba tayo, kailan mo balak yayain si Nayeon?" tanong ni Jisoo kay Jeongyeon pati ako gusto ko din yang itanong sa kanya matagal na. Napakunot ang noo nito, bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"Yayain saan?" takang tanong nya, wala sa sariling mahina kong natampal ang noo ko, minsan may pagkabobo din tong si Jeongyeon.

"Dude yayain para magpakasal, wala ka bang balak lumagay sa tahimik?" tanong ko sa kanya.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon