Chapter 30

2.5K 56 9
                                    

Jennie's POV

Marahan kong minulat ang aking mga mata, agad kong kinapa ang katabing espasyo kung may tao ngunit wala akong nakapa. Napabuntunghininga ako ng mapagtanto ko na sa opisina nga pala dito sa bahay namin natutulog si Lisa. Mag-iisang buwan na ngunit ganun pa rin ang trato nito sa akin. Wala sa sariling bumangon ako sa kama at dumiretso sa banyo para maghilamos. Ngayong araw ang kaarawan ni Leo pero mamayang hapon pa ang selebrasyon. Hindi pa man ako nakakalabas ng kwarto ay rinig ko na ang kaguluhan sa labas. Napapangiti ako habang nag aayos sa harap ng salamin, hindi ko sigurado kung sinu sino sa barkada ang naririto sa bahay ngunit malakas ang pakiramdam ko na mas excited na ang mga ito kaysa sa akin.

"Magandang umaga Best" naka ngiting bungad ni Nayeon sa akin paglabas ko ng kwarto.

"Magandang umaga din best, ang aga nyo naman" natatawang tugon ko sa kanya saka nilinga linga ang buong paligid. Nandito sina Nayeon, Jisoo at Chaeng. Abala ang mga itong mag sabit at maglagay ng mga balloons at decoration sa bawat kanto ng bahay. Napa tingin ako sa labas yung mga caterers ay narito na din at nag aayos na ng mga mesa at upuan sa labas.

"Hi Jen" bungad na bati ni Jeongyeon pagpasok pa lamang nito sa pinto ng bahay kasunod nito si Kai na tinanguan lamang ako. Hindi ko sigurado kung okay pa ba kami ni Kai buhat ng mangyari ang komprontahan sa pagitan naming apat.

"Jeongyeon akin na yang regalo nyo ni Kai ilalagay ko na sa labas" saad ni Jisoo sabay kuha sa mga regalo na dala nina Jeongyeon at Kai.

"Si Lisa?" baling na tanong ko kay Chaeng, pasimula ng magising ako ay hindi ko na nakita ni anino nito.

"Umalis na kanina may pupuntahan daw sya, hahabol na lang daw mamaya" sagot nito na ikinalungkot ko. Napakawala ko bang kwentang asawa? Sarili kong asawa hindi nagpaalam sa akin at kailangang sa bibig pa ng pinsan nya ko pa malalaman.

"Ahh" sagot ko sabay tango ng bahagya. Mahina nitong tinapik ang balikat ko bago pumunta kina Kai na nagsasabit na ng tarpaulin na may picture ni Leo at may naka sulat na "Happy 7th Birthday, John Leo!" na ipinagawa namin ni Nayeon nung nakaraang araw.

"Uy Jen nasaan pala ang mga bata?" takang tanong ni Jeongyeon habang palinga linga dito sa loob ng bahay.

"Sina Leo, Liam at Laureent na kina Mama, isasama daw kasi nilang magsimba ang mga bata iuuwi na lang daw dito mamaya pagtapos nilang magsimba samantalang si Jazz nasa kwarto natutulog" sagot ko kay Jeongyeon.

"Oh sige tulong muna ako sa labas" paalam nito sa akin.

Sa sobrang sipag ng buong barkada wala ng natirang gawain para sa akin halos lahat sila na ang gumawa. Kaya nagtungo na lamang ako sa kusina para mag almusal. Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa labas para i-check kung maayos na ba ang lahat.

Jisoo's POV

"Happy Birthday John Leo" sigaw ng mga kaklase ni Leo. Hindi masyadong bongga ang birthday party ng bata ayon na din sa request nito. Ang sabi ni Jennie ay gusto daw nito na sa bahay na lang ganapin ang handaan at tanging mga kaklase lamang ang papuntahin kahit kaya naman nilang magbayad sa mamahaling hotel.

Taga kuha ng mga larawan ang nakatuka na gawain sa party na to, gusto ko ngang mag magic at maging isang clown kaso hindi ako hinayaan ni Jennie baka magsialisan daw ang mga bisita ni Leo at isa pa wala daw syang pang bayad sa talent fee ko.

"Miss photographer pa picture naman dyan oh" naka ngising tawag sa akin ni Nayeon habang karga si Laureent, katabi nito ang mama at papa ni Jennie na hawak si Jazz at kandong naman si Liam.

"1..2..3.. smile" sigaw ko, agad naman ang mga itong nag pose. Tiningnan ko ang larawan at unti unting napa ngiti, ang cute ng mga bata. Bumaling naman ako ng tingin sa asawa ko at sa anak namin. Mahinang nagbubulungan ang mga ito saka tatawa. Nakakandong si Claire kay Chaeng habang sinusubuan ito ng huli. Patago ko silang kinunan ng larawan saka bahagyang lumapit sa kanila.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon