Chapter 47

2.3K 84 8
                                    

Lisa's POV

Halinhinang kong tinitingnan ang dalawang bata, sina Matthew at Mateo. Naka upo ako sa harap nila dito sa bahay ni Mayor, nakahalukipkip ang dalawang bata habang nakatitig din sa akin. Wala pa si Isay nag-aayos pa ito sa kwarto nila, naisipan ko kasing ipasyal sila bilang unang pangbawi.

"Uhmm, may dumi ba ako sa mukha?" alanganing tanong ko sa kanilang dalawa, agad silang nagkatinginang dalawa.

"Totoo bang kayo na ni Mama? Sinagot ka na nya?" magkakasunod na tanong ni Matthew sa akin, hindi nito sinagot ang tanong ko.

"Oo nung isang araw lang" kinakabahan kong sagot sa kanya. Napalunok ako ng lumapit silang dalawa sa harap ko.

"I.D?" nakalahad ang kamay na saad ni Mateo, napatanga ako sa mga nangyayari. Ito na naman yata silang dalawa at nang i-imbestiga.

"Ba..bakit?" nagtataka kong tanong.

"Gusto naming malaman ang buo mong pangalan para kapag sinaktan mo ang Mama namin madali ka naming mahahanap" sagot nito ng may pagbabanta sa kanyang boses.

"Hindi ko naman sasaktan ang Mama nyo, wag kayong mag-alala" naka ngiti kong wika, puno ng kasiguraduhan. Hindi ko na uulitin ang pagkakamaling nagawa ko noon.

"Basta gusto pa din naming makita, mabuti na yung sigurado" turan ni Matthew na ani mo'y isang matanda kung magsalita. Wala na din akong nagawa kundi hugutin ang aking wallet sa bulsa at kinuha mula doon ang aking driver license, ito lang ang tanging I.D na meron ako yung iba nasa bag ko na naiwan sa bahay.

"Pranpriya Lalisa Manoban?" sabay nilang bigkas, mabilis nilang binasa ang pangalan ko pagkalapat na pagkalapat ng I.D ko sa mga palad nila.

"Ako yun" natatawa kong wika.

"Ilang taon?" tanong ni Mateo kaya na din siguro walang pumapasa ni isa sa mga naging manliligaw ni Jennie napakahigpit ng mga anak namin.

"Uhmm kailangan ko pa bang sagutin yan?" hindi ko mapigilang hindi magkamot sa aking batok.

"Kailangan mong sagutin ang lahat ng tanong namin Ma'am para ipagkatiwala namin sayo si Mama" pagtutol nya sa tanong ko, what the... mukha ba akong kriminal at hindi gagawa ng maganda?

"Sige kung yan ang gusto nyo" pagpayag ko na lamang sa kagustuhan nila.

"Ilang taon ka na Ma'am Manoban?" pag-uulit na tanong nila.

"34" maikli kong sagot.

"Magkano sahod mo Ma'am? Kaya mo ba kaming buhaying tatlo?" sunod nilang tanong.

"Wala" agad silang nagkatinginan ng marinig nila ang sagot ko.

"Kuya wala daw trabaho paano yan? Pauwiin na natin to" rinig kong bulong ni Mateo sa kuya nya.

"Wala kang trabaho Ma'am, paano mo kami mabubuhay? Paano kami kakain kung wala kang trabaho?" nakapameyang na turan ni Mattew sa harap ko.

"Kawawa naman si Mama namin" dugtong pa nito na ikinatango naman ni Mateo bilang pagsang-ayon.

"Wala akong trabaho kasi ako ang boss, wala akong sahod kasi ako ang nagpapasahod" naka ngiti kong sagot sa kanila, bahagya akong natawa ng unti-unting nanlaki ang kanilang mga mata.

"Woaaahhhh, astiggggg" sabay nilang sigaw.

"Mayaman ka pala Ma'am" hindi makapaniwalang turan nilang dalawa.

"Hindi lang naman para sa akin yun eh, para sa inyo din" masaya kong wika sa kanila.

"Anong ibig mong sabihin Ma'am?" nagtatakang tanong ni Matthew. Bahagya akong lumuhod sa harapan nila at hinawakan ang magkabila nilang balikat.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon