Chapter 48

2.2K 62 4
                                    

"Oh itali mo to sa noo mo" pag uutos na saad ni Jackson kay Jeongyeon sabay lahad ng kanyang palad na may hawak na isang bandana.

"Para saan yan?" takang tanong naman ni Jeongyeon habang nakatingin kay Jackson.

"Basta sumunod ka na lang sa master mo, binilin ka sa amin ni Lisa kaya kailangan ka naming gabayan" taas baba ang kilay na sagot nito.

Wala na ding nagawa pa si Jeongyeon kundi kunin ang bandana at itali sa kanyang noo habang si Jackson ay nagtali din sa kanyang noo.

"Ano ba talaga ang kinalaman ng pagtatali ng bandana sa gagawin natin?" tanong muli ni Jeongyeon hindi ito mapakali hangga't hindi nito nalalaman ang sagot sa kanyang tanong.

Huminga muna si Jackson ng malalim habang naka pikit bago sya sinagot.

"Wala lang pinatali ko lang yan sa noo mo" naka ngising sagot ni Jackson.

"Tang*na mo Jackson, ipapaalala ko lang sayo kaya kong pumaslang ng tao" hindi na napigilang magmura ni Jeongyeon, babatukan na sana nito ang lalaking kaharap ng dumating sina Jisoo, Mino at Bambam. May tulak tulak ang mga ito na isang kariton na may nakatakip na puting tela habang papalapit sa kinaroroonan ng dalawa.

"Nakahanda na kami Jackson" seryosong saad ni Bambam sabay yuko bilang pag galang.

"Ito na ba lahat?" pagsisigurado ni Jackson saka sinipat sipat ang kariton na natatakluban ng puting tela.

"Oo, pinakyaw na namin ang lahat ng tinda sa merkado" sagot ni Mino, agad na napatango si Jackson.

Lumapit naman si Jeongyeon kay Jisoo at agad na nag-usisa mula rito.

"Anong laman ng kariton na yan ha Jisoo?" takang tanong ni Jeongyeon.

"Yan ang makakatulong sayo para sa nalalapit mong laban" sagot ni Jisoo habang taas baba ang isa nitong kilay.

"Nakahanda ka na ba Jeongyeon?" seryosong tanong ni Mino.

"Tatagan mo ang loob mo hindi biro ang gagawin nating pagsasanay pwede mo itong ikamatay" dugtong naman ni Bambam na ikinatango naman nina Mino at Jackson. Seryoso ang mukha ng mga ito at hindi nakikitaan ng ano mang kalokohan.

Sunod sunod ang paglunok na nagawa ni Jeongyeon, nabalot ng takot ang kanyang buong pagkatao. Malapot at malamig na pawis ang lumalandas sa kanyang noo sa sobrang nerbyos. Wala sa sariling napatango sya bilang tugon habang si Jisoo naman ay hindi alam kung matatawa ba o mananatiling seryoso sa isang tabi.

"Ano.. ano ba ang laman ng kariton na yan?" kabadong tanong ni Jeongyeon. Agad syang sinulyapan ni Mino bago sumagot.

"Ang laman ng kariton na ito ang makakapagpabago ng buhay mo Jeongyeon"

"Buksan nyo na" hudyat ni Jisoo, isa isang humawak ang tatlo sa magkabilang sulok ng tela saka nila ito hinatak. Agad na lumantad ang mga bote na may lamang lambanog, sa tansya ni Jeongyeon ay nasa limampung bote ang laman ng kariton.

"Mga hayop kayo may balak ba kayong patayin ako, ang dami nyan oh" galit na sigaw nya sa harapan ng mga ito.

"Shhhhh" pagpapatahimik sa kanya ni Jackson sabay lagay ng isa nitong daliri sa kanyang labi.

"Wag mo silang sigawan baka magtampo sila sayo" malumanay na saad ni Jackson bago kinuha ang isang bote at bahagyang ikiniskis iyon sa kanyang isang pisngi. Kumuha din sina Mino at Bambam ng tig isang bote at agad na pinaghahalikan.

"Okay lang wala kaming jowa, lambanog lang sapat na" sabay sabay na sigaw ng tatlo.

Napailing si Jisoo habang nakamasid sa kanila.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon