Chapter 13 (DISSEMBLE THE TRUTH)

2.4K 63 4
                                    

Jennie's POV

Manaka nakang paghalik sa aking buong mukha at mga labi ang naging dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Unang bumungad sa akin ang naka ngiting mukha ni Lisa.

"Good morning Love" pagbati nito sa akin saka binigyang muli ng halik ang aking mga labi.

"Good morning" ganting bati ko habang nakatakip sa aking bibig, nakakunot noo nya itong tinanggal.

"Don't, kahit ano pang amoy ng hininga mo tatanggapin ko. Kahit ano pang kapintasan ang meron ka mamahalin pa rin kita" nakangiti nitong sabi na nagpangiti rin sa akin.

"Magaling ka na ba?" tanong ko sa kanya, agad itong tumanggo.

"Magaling ang nurse ko eh" maikli nyang tugon, sobrang saya ang nababakas sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa aming dalawa kapag nalaman na nya ang totoo, ngayon pa lang natatakot na ko.

"Sya nga pala Love nagluto ako ng breakfast" masiglang sabi nito at tumayo na sa kama, umupo na din ako at sumandal sa head board.

"I know hindi ako kasarapang magluto, hindi ako ganung kagaling pero asahan mong niluto ko yan mula sa puso ko. Sana matikman mo ang walang hanggang pagmamahal ko sayo" malambing nitong sabi habang inihahanda sa harap ko ang pagkain.

"Love kahit wala kang gawin mamahalin pa rin kita, ikaw lang hanggang sa huling hininga ng buhay ko" ganting tugon ko sa kanya na agad naman nyang ikinangiti ng malawak.

Inisa isa kong tingnan ang mga pagkaing naka hain sa aking harapan, tipikal na pagkaing pang-agahan pancakes, toasted bread at kape.

"Diba may check up ka ngayon sa ob?" tanong nya habang kumakain kami.

"Oo this morning yung schedule ko" sagot ko sa kanya habang itinatabi ang kubyertos na ginamit ko sa tabi ng plato, napansin ito ni Lisa.

"Uy Love kumain ka pa baka magutom yung baby natin" masaya nyang sabi habang nakatutok sa tapat ng bibig ko ang kutsarang may lamang pagkain. Agad akong natigilan sa narinig ko mula sa kanya, hindi ako nakapagsalita.

"Sasamahan kita magpa-check up, gustong gusto ko ng makita ang anak ko" excited na sabi pa nito.

"Love nangangawit na ko" naka nguso nitong reklamo habang nakataas pa rin ang kanyang kamay na may hawak na kutsara, alanganin akong ngumiti bago tinanggap ang pagkain na isinusubo nya sa akin. Napatitig lang ako sa kanya habang nakangiti itong nagsasalita, sa mga oras na to wala akong naiintindihan sa lahat ng sinasabi nya. Kung ano anong bagay ang pumapasok sa utak ko ngayon, mga tanong na alam ko naman ang sagot. Mga bagay na alam kong mangyayari sa oras na malaman nya ang totoo, nakikita ko na kung paano nya ko kamumuhian at alam ko hindi na kami babalik pa sa dati kapag nagkabukuhan na. Isang tanong lang ang nananatili sa isip ko na pilit kong hinahanapan ng kasagutan, mamamahalin mo pa rin ba ako sa kabila ng panglolokong ginagawa ko sayo?. Nagulat ako ng may pumatak na tubig sa ibabaw ng kamay ko na nakapatong sa aking mga binti.

"Love bakit ka umiiyak, may masakit ba sayo?" nag aalalang tanong nya sa akin, agad na dinama ko ang aking mga pisngi hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Love may nararamdaman ka ba? Saan ang masakit?" tanong nyang muli sa pangalawang pagkakataon, bakas sa mukha nya ang labis na pangamba. Tanging iling lang ang naisagot ko sa kanya. Mabilis nyang pinahid ang mga luha na naglalandasan sa aking mga pisngi.

"Kung may bumabagabag sayo o may nararamdaman ka sabihin mo sa akin, asawa mo ko Jennie susubukan kong alisin lahat ng pangamba at takot na nararamdaman mo sa abot ng makakaya ko. Mahal kita kaya ayaw kong mahirapan ka lalong lalo na ang masaktan ka" mahabang paliwanag nya sa harap ko, bawat salita ay ramdam ko ang senseridad sa kanya. Lalong kumikirot ang dibdib ko, bumibigat ang pakiramdam ko.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon