Chapter 31

2.3K 77 10
                                    

Chaeng's POV

Lulan ng aking sasakyan ay mabilis kaming sumibat patungo sa direksyon ng ospital nina Tzuyu, katabi ko si Jeongyeon sa passenger seat habang nasa likod naman si Kai at si Hanbin. Hindi na sumama sina Suho at Chanyeol rarampa pa daw ang mga ito ngayong gabi at maghahanap ng mga lalaki. Bago pa man kami umalis ng lumang warehouse ay natawagan ko na si Jisoo, inalam ko sa kanya kung nandoon pa ba sina Lisa at Tzuyu sa party ngunit agad daw ang mga itong umalis bago pa man matapos ang party ni Leo. Nakumpira ko din na hindi na nagpakita pa si Jennie sa mga bisita at nagkulong na lamang sa loob ng kwarto kaya wala na ding nagawa ang mga magulang nito kundi maagang tapusin ang party ni Leo.

Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng makarating kami sa harap ng ospital, agad kong pinarada ang sasakyan saka mabilis na bumaba kasunod sina Jeongyeon at Kai habang hilahila ang bugbog saradong si Hanbin.

"Ma'am mawalang galang na po pero wala na pong mga doctor na pwedeng gumamot sa kasama nyo" pagpigil sa amin ng guard bago pa man kami makapasok ng entrance.

"Kilala ko ang may-ari ng ospital na to baka gusto mong mawalan ng trabaho kapag hindi mo kami pinapasok" mahinahon kong saad sabay titig sa kanya ng matalim.

"Ahh..ehh sige po Ma'am may mga nurse naman po sa loob" takot na saad nito sabay bukas ng pinto para makapasok kami.

"Thank you" maikli kong saad at tuluyan ng pumasok sa loob, hindi naman mahirap hanapin ang kwartong inaakupa ni Tzuyu palibhasa anak ng may-ari kaya special treatment ang bruha. Pagdating namin sa harap ng kwarto ay agad kong sinipa ang pinto ng may kalakasan, gulat ang rumihestro sa mga mukha ng taong nasa loob kasama na rito si Lisa.

"What the ..." hindi na natapos ni Lisa ang kanyang sasabihin ng itinulak ni Jeongyeon papasok si Hanbin napasubsob ito sa sahig, kita ko ang pagkagulat ng mag-inang Tzuyu at Suzy.

"Anong ibig sabihin nito Chaeng?" naguguluhang tanong ni Lisa, unti-unti na din akong humakbang papasok ng kwarto ni Tzuyu.

"May gustong sabihin sayo si Hanbin Lisa kaya makinig kang mabuti" tugon ko sa kanya saka mahinang sinipa si Hanbin.

"Lisa... hindi ko anak si Jazz, walang nangyari sa amin ni Jennie ng gabing yun set up lang ang lahat" umpisa ni Hanbin, napapangiti ako ng makita ko ang unti-unting pamumutla ng mukha ni Tzuyu. Samantalang hindi naman nakagalaw si Lisa sa kinauupuan nito. Dahan dahang inangat ni Hanbin ang kanyang isang kamay at nanginginig na itinuro ang mag-ina.

"Si Tzuyu at ang mama nya Lisa, sila ang nag utos sa akin para guluhin ang buhay mo. Pinangakuan nila ako na ipapagamot nila ang nanay ko pagkatapos ko kayong paghiwalayin ng asawa mo. Patawarin mo ako Lisa wala akong choice kaya pumayag na din ako" isa-isa nang naglalaglagan sa mga mata ni Hanbin ang mga luha, bakas sa boses nito ang pagsisisi.

"Totoo ba?" may diing tanong ni Lisa kay Tzuyu, blangko ang ekspresyon ng mukha nito hindi naman nakapagsalita si Tzuyu.

"Wala talagang sakit si Tzuyu pinalabas lang nila na may sakit sya para mapabilis yung paghihiwalay nyo ni Jennie. Binayaran din nila yung doctor para magsinungaling sayo" dugtong pang sabi ni Hanbin.

"Tang*na Tzuyu pinaniwala mo ko sa mga kasinungalingan mo. Ilang buwan akong nagpakatanga, isang tawag mo lang andyan agad ako pero tang*ina ang gago ko para mas unahin ang kalagayan mo kaysa sa pamilya ko. Binigay ko sayo yung tiwala ko ikaw pala ang pesteng sumisira sa pamilya ko. Akala ko totoo ka nagkamali ako isa ka pa lang huwad, alam mo ba kung ilang taon namin binuo ni Jennie ang pamilyang sinira mo ha" galit na sigaw ni Lisa sa harap ni Tzuyu at ni Tita Suzy.

"Lisa huminahon ka muna magpapaliwanag kami" mahinahong saad ni Tita Suzy habang pinapakalma si Lisa.

"Paliwanag? Si Jennie na wala palang kasalanan hindi ko pinagpaliwanag ikaw pa kaya na labis labis ang pang gagago sa akin. Tang*na nyong lahat, nawasak ang pamilya ko dahil sa pagiging makasarili nyo" sukdulan ang galit na nararamdaman ni Lisa sa mga oras na ito. Padabog itong tumayo sa kinauupuan nya at saka marahas na tinabig ang mga gamit na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon