Chapter 39

2.1K 58 8
                                    

Lisa's POV

"Hi Jen.. este Isay pala. Magandang umaga" naka ngiti kong saad, labis labis ang kaba na aking nadarama.

"Magandang umaga magandang binibini" saad kong muli, iniba ko ang ekspresyon ng aking mukha mula sa pagkaka ngiti ay pinalitan ko ito ng seryosong ekspresyon. Napasimangot ako ng makita ko ang mukha ko sa harap ng salamin. Agad kong ginulo gulo ang buhok ko ng hindi ko maintindihan kong paano ko haharapin si Jennie este si Isay pala. Balak kong kulitin ito buong araw at kahit pa umabot ng ilang buwan o taon ay mangungulit pa rin ako hanggang sa maalala nya kung sino ako sa buhay nya.

"Ayusin mo Lisa, ano ba si Jennie lang yun" pagkausap ko sa sarili ko sa salamin.

"Yun na nga Lisa eh si Jennie yun, si Jennie Ruby Jane yun. Hindi dapat ni lalang ang babaeng yun, mahal ko yun eh" sagot kong muli sa sarili ko. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga saka naka ngiti muling nagsalita sa harap ng salamin.

"Je.. este Isay pwede ba akong manligaw?" pagpapa cute ko sa salamin na parang kaharap ko ngayon si Isay saka nilahad ang kamay ko at kunwaring inaabot sa kanya ang isang bungkos ng mga bulaklak.

"Please" mas lalo ko pa akong nagpacute at nagpaawa sa harap ng salamin. Agad akong natigil sa ginagawa ko ng makarinig ako ng mga bungisngis na nang gagaling sa may pintuan. Lumingon ako doon at nanlaki ang mga mata ng makita ko sina Jeongyeon at Kai na nagtatawanan habang naka sandal sa pintuan.

"Kani..kanina pa kayo dyan?" nahihiyang tanong ko sa kanila.

"Sakto lang sis, sakto lang para masaksihan namin ang pinag gagagawa mo sa harap ng salamin" tumawang saad ni Kai.

"Siguro Dude kung hindi kita kilala mapapagkamalan kong nababaliw ka na" umiiling iling na turan naman ni Jeongyeon habang natatawa. Napasimangot akong muli ng marinig ko ang mga pinagsasasabi nilang dalawa. Humarap akong muli sa salamin saka inayos ang aking sarili, nang masuklay ko na ng maayos ang aking magandang bangs ay agad akong naglakad patungo sa pintuan kung saan sila naroroon.

"Dyan na nga kayong dalawa nakakasira kayo ng umaga" blangko kong saad sa harap nila saka sila nilampasan. Narinig ko pa ang malakas na tawanan ng dalawa bago ako lumabas ng bahay. Pang anim na araw na namin rito sa isla, naka alis na sina Chaeng, Jisoo at Irene kahapon dahil sa mga business na naiwan nila sa maynila pero nangako naman ang mga ito na babalik ulit. Pansamantala ko munang binilin kay Chaeng ang pangangalaga sa kompanya. Tinawagan ko na din ang Mama ni Jennie at pinaliwanag sa kanya ang natuklasan ko rito, nung una ay hindi pa ito naniniwala ngunit ng i-send ko sa kanya ang picture ni Isay ay nag iiyak ito. Gusto nitong sumunod rito sa isla ngunit pinigilan ko ang kanyang balak baka lalo pang maguluhan si Jennie/Isay. Sa loob ng dalawang taon ay kahit ano mang sisi ay wala akong narinig galing sa Mama ni Jennie ni minsan ay hindi nag iba ang turing nito sa akin kompara sa Papa ni Jennie laging matalim ang titig nito sa akin at hindi ako kinikibo sa tuwing nandoon ako sa bahay nila para ihatid ang mga bata.

"Miss Manoban, magandang umaga ho" masayang bati sa akin ng tatlong kalalakihan na nag iinuman sa ilalim ng puno ng niyog.

"Magandang umaga din po sa inyo" naka ngiting ganting bati ko din sa kanila. Sa tingin ko ay mga binata ang mga lalaking kaharap ko ngayon at mga kaedad ko lamang ang mga ito.

"Halina po kayo't makisaya sa amin Ma'am" sabi nung isa saka ako hinila papaupo.

"Wag mo dyang i-upo si Ma'am dito sya sa kabisera, panauhing pandangal natin yan" sabi naman nung isa saka naman ako hinila papaupo sa isang bangko na walang naka upo. Wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanila at umupo sa harap ng lamesa. Pinagmasdan ko ang mga nakahain sa lamesa, may mga pulutan at isang alak na hindi pamilyar sa akin kulay puti yun at nakalagay sa isang babasaging bote.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon